Chapter 13

342 39 2
                                    


Jiro's Point of View


"Best Friend ko po sya Papa."

"Girlfriend ko po sya."sabay naming banggit sa Papa nya na ikinanlaki ng mata ni Aya.

Ilang segundo lang kaming nagtititigan ni Aya. Alam ko yung sinasabi ng mga mata nya sakin.

'Wag kong sabihin sa papa nya. At bakit hindi pwede!? Bahala sya sa buhay nya! Basta, nasabi ko na. Wala ng bawian yun.'

Ang posisyon namin ni Aya ay magkatabi at nasa harap namin ang Papa nya.

"Ano ba talaga?"tanong samin ng Papa nya na nakapamayawang na. Nilingon ko ulit si Aya at binigyan sya ng matamis na ngiti saka bumalik ng tingin sa Papa nya. Kinukurot pa ni Aya yung balat ko na kung saan di nakikita nya ng Papa nya para pigilan ako pero wala syang magagawa.

"Girlfriend ko po talaga sya."sabay kong akbay kay Aya. "Hindi ba babe."pagpapacute ko sa harap ng mukha nya at kita ko ang pagpipigil nya ng inis sakin.

"A-ah ay ganun ba."lumantad sa mukha ng papa nya ang malaking ngiti. "Maraming salamat sa panginoon at nagkaroon narin ang anak ko nun."nakangiting sabi pa ng papa nya na syang nagpataas ng mga kilay ko.

"Grabe ka naman Papa!"asik ni Aya dito. "Parang ipinapamukha mo sakin na kahit kelan walang nagkagusto sakin ah."nakangusong baling ni Aya sa Papa nya.

"Haha, hindi naman sa ganun, anak."anya saka lumapit kay Aya. "Pero mabuti naman at maayos itong nakuha mo. Magandang lahi ang isang 'to."ani Papa nya na sinusuri ang itsura ko. "Magaganda at Gwapo ang magiging Apo ko nito."nakangiting anya.

d⊙_⊙b

Nanlaki ang mata ko sa sinabing yun ng Papa nya maging si Aya ay nagulat rin. "Papa naman! Tumigil nga kayo dyan sa pinagsasasabi nyo!" nagpipigil ako ng tawa kasi nagkibit balikat lang ang Papa nya. Humarap sakin si Aya at binira nya ako ng siko sa tagiliran. "Umayos ka nga dyan Jiro!"paninita nya sa pagtawa ko. "Alalahanin mo, hindi mo pa nagagawa yung huling inuutos ko sayo."pabulong nyang sabi sa gilid ko.

Binigyan ko naman ito ng pacute na ngiti. "Syempre naman babe, alam ko yun.."malambing na sagot ko dito na may pahaba pa sa dulo. "Kahit kelan talaga, ang sweet sweet mo sakin."sabi ko na hinawakan pa ang pisngi nya. "Alam nyo po ba Papa. Ang sweet po nya sakin."baling ko sa Papa nya.

d⊙_⊙b --->>>Aya

d– –,b ---->>>Me

"Ah talaga ba iho. Hindi ko pa nakikitang sweet yan eh."sabi ng Papa nya na bakas sa mukha ang malaki nyang ngiti. "Sa akin nga ay palagi na yang tinutuyo pag binibiro ko lang eh."dagdag pa nito.

Nilingon ko naman si Aya pero imbis na sa Papa nya sya tumingin ay may nanlilisik na mata na syang nakasulyap sakin. Ibinaling ko ulit ang tingin ko sa Papa nya. "Ganun po ba. Gusto nyo po bang makita kung paano sya maging sweet sakin?"nakabungisngis kong tanong sa Papa nya.

"Talaga? Ay Sige sige."animo'y excited pang sabi ng Papa nya. "Titingnan ko kung paano sya maging sweet. Baka naman sigaw at pagkatuyuhin nya yan haha."

"Naku, hindi po. Yung mga sinasabi ko po kay Aya ay ginagawa nya. Makikita nyo."tumingin ako kay Aya at nakita ko ang panlalaki ng mga mata nya na halatang kinakabahan na may nagtatanong na titig sakin.

"Sige. Gusto ko yang makita."pag sang-ayon sakin ng Papa nya.

d>>_<<b ---->>>Aya

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon