Jiro's POV
Kaaalis lang nila Nash at Sophia kasama si Jarren na mukhang pinlano talaga nilang isakay para magkausap kami ni Aya. At sa tingin ko ito na nga ang tamang oras.
Tahimik na sumakay si Aya sa likod ng kotse imbis na sa kalapit ko. Galit parin talaga sya. Kasalukuyan kaming bumabyahe pero nakakabingi ang katahimikan na namamagitan sa aming dalawa.
Tumikhim ako. "Sorry."sabi ko dito habang pasulyap sulyap sa rear mirror pero hindi man lang sya nagsalita at di man lang ako tinapunan ng tingin. Bumuntong hininga ako saka ipinara ang sasakyan sa isang tabi. Hinarap ko sya. "Aya."tawag ko dito at tiningnan lang naman nya ako na parang wala lang saka nya ako tinaasan ng kilay.
"Ano yun?"tanong nya. Pakiramdam ko ay anlaki ng nagbago sa kanya. Yung uri ng pakikipag usap nya sakin ay parang bago. Pakiramdam ko normal lang ang pakikitungo nya at akala mo ay bago palang kaming magkakilala.
"Please kausapin mo naman ako oh."hindi ko alam pero parang gusto kong maluha sa pakikiusap ko pa lang na yun.
"Kinakausap naman kita diba?"pamimilosopo pa nya. "Bakit ba tayo huminto?"dagdag nya pa.
"Aya. Sorry."napatungo ako at ayaw kong makita nyang naluluha ako. "Ngayun ko lang nalaman yung totoo. Sinabi sakin ni Natalie ang lahat."hinarap ko sya kahit may luha na yung pisngi ko. "Aya. Ayusin naman natin toh oh. Mahal na mahal kita. Please."iwas parin sya ng tingin pero alam kong nagiging emosyonal narin sya. "Aya.."hahawakan ko sana ang kamay nya pero agad syang nagpumiglas.
Hinarap nya ako at kita ko ang pamumula ng mata nya at sa tingin ko ay isang kurap nalang ay babagsak na ang namumuong butil ng luha doon. "Ngayung alam mona yung totoo. Saka ka makikipag ayos? Kung walang magsasabi sayo, hindi ka parin makikipag-ayos, diba?"tuluyan ng pumatak ang mga luha ni Aya sa mata.
"Bago ka gumawa ng desisyon na pang sarili mo lang. Bakit hindi mo naisip na alamin mona yung totoo, Jiro?"anya na nakatingin ng diretso sa mga mata ko. "Bakit di mo mona ako tinanong kung totoo ba yun?"unti unti na namang namuo ang mga luha nya sa mata. "Bakit? Bakit ka nagtiwala sa mga sinasabi nila, tapos sakin? Hindi ka nagtiwala? Bakit di ka nagtiwala na mahal kita? Bakit di ka nagtiwala sa mahal mo? Nagtiwala ka sa iba pero pagdating sakin hindi? Tangina naman."napamurang anya saka nagpahid ng luha at umiwas sakin ng tingin.
"Aya sorry."umiiyak na sabi ko dito. "So-sorry kung hindi ako nag isip. Sorry kung naging selfish ako. Na hindi ko inisip yung mararamdaman mo nung ginawa ko yun sayo. Sorry kung hindi kita pinagkatiwalaan."
"Tama na. Kasi kahit ilang sorry pa ang sabihin mo, hindi na nyan maibabalik yung dati."tuloy lang ako sa pagluha habang bumibitaw sya ng mga salita. "Hindi na maibabalik yung dating ako, at yung dating tayo. Kasi tinapos mona kanina diba."anya na nagpunas na naman ng luha sa pisngi. "Ayaw ko ng humaba pa ang usapan natin. Gusto ko ng umuwi."malamig na pakikitungong anya saka nanahimik sa isang tabi.
Gusto ko mang ibuhos lahat ng sakit ngayun ay hindi ko magawa. Umayos ako ng upo saka ini-start ang kotse at sinimulang magmaneho. Sinusubukan kong pigilin ang pagtulo ng mga luha ko pero hindi ko magawa. Tanging impit na lang ang ginagawa ko kasi ayaw kong humagulhol ng todo habang nagmamaneho. Pinapahid ko na lang ang mata ko sa twing nanlalabo ito dahil sa luha.
Pagkadating sa tapat ng bahay nila ay agad syang bumaba. Hindi na sya nagsalita pa at basta nalang dumiretso pababa at agad na binuksan ang gate nila. Nakita kong lumabas ang Papa nya sa bahay at nakita ako. Pinunas ko ng mabilis ang luha ko kasi ayaw kong makita nya yun. Ngumiti ako dito pero parang wala lang nakita ang Papa nya.
Parang kinurot ang puso ko na maging ang isang taong napamahal na sakin at nagsilbing pangalawa kong ama ay galit sakin.
Pagkapasok ni Aya sa loob ay agad ko naring isinara ang bintana ng kotse saka pinaadar ang makina. Umalis naku sa tapat ng bahay nila pero sa hindi kalayuan ay huminto ako at doon ko ibinuhos lahat ng sakit. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa maubos ang luha at mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
That Girl Is Mine (COMPLETED)
RomanceKwento ng babaeng papasok sa isang eskwelahan na merong mga lalaking kilala, tinitilian, kinababaliwan na kung saan ang taong mga yun ay magkakaroon ng kaugnayan sa kanya. Gaganda nga ba ang pag aaral nya at magiging kilala rin? O makikilala lang s...