Aya's Point of View
"Hmmmm!" Nagising ang diwa ko sa ungot na yun ni Jiro. Hindi ko nalang yun pinansin at nanatiling nakapikit. "Ang init..hmmm.."dinig kong pabulong na anya kaya naidilat ko ang mata ko.
Naramdaman ko ang pag galaw nya kaya naman napilitan akong lingunin ito dahil kanina pa galaw ng galaw. Nakita kong nag aalis ng t-shirt si Jiro.Napalunok pa ako sa dahan dahan nyang paghuhubad nun.
Nakita ko ang pawis pawisan nyang itaas na katawan,ang dibdib abdomenal abs nya. "Jusmeo Marimar! Ang init."bulong ko sa sarili ko saka ulit tumalikod sa kanya. Napalunok pa ako ng ilang beses bago pumikit ulit pero napupuno bigla ang ilusyon sa aking isip sa mga nakita ko.
Maya maya lang ay umungot na naman sya. "Hmmmm! Mainit.."anya na nagsimula na namang magbibiling sa aking gilid. Nilingon ko ito at pinagmasdan kung paano sya hindi mapakali sa pagkakahiga.
'Siguro kaya sya ganyan kasi hindi sanay ng walang aircon. Electric Fan lang gamit ko eh, saka hindi pa naman malakas ang isang toh, bata palang ako ginagamit ko na ito eh, bulok na sya.'
Nanlaki ang mga mata ko nung gumalaw ang mga kamay nya. Mabilis akong tumalikod dahil baka bigla syang dumilat. Naramdaman ko na parang bumangon pa ito pero bumalik rin sa pagkakahiga. Nung hindi na sya kumikilos ay saka ako ulit humarap sa kanya ng dahan dahan.
d⊙_⊙b
'Tinanggal nya yung pants nya. Gano ba talaga kainit para sa katawan nya itong kwarto ko? Mukha ba itong impyerno? Akala ko pa naman ay nagising na sya, kasi parang bumangon sya kanina. Huwag mong sabihing nakapikit parin sya kanina habang tinatanggal yung pants? Tsk.'
Ang suot nalang ngayun nitong si Jiro ay isang maliit na short na nasisiguro kong boxer short iyon. Hindi naman ako na bahala dahil medyo maluwag iyon at hindi babakat ang isang bagay na kinatatakutan kong makita.
'Wag naman sanang uminit lalo. Todong todo na yung electric fan ko oh. Hoping na may number 4 o number 5 lang ang electric fan na'to. Baka kasi kung ano pa ang sunod na tanggalin nito. Kinakabahan ako, baka bukas hindi na inosente ang mga mata ko.'
'Oo nga pala, hindi na pala talaga inosente yung mata ko. Nakita ko na yung pototoy nya kanina eh. Nakakahiyaaaaa! Ayaw ko ng maalala ang bagay na yun, erase eraseeee!'
"Hmmm ang init!"biglang ungol na naman ni Jiro na diretso pa ang dalawang kilay. Nakita kong gumalaw na ang kamay nya papalapit sa bandang bewang nya.
'T-teka. Hindi pwede.. Pucha! Hindi nya pwedeng gawin yan. Masyado pa akong bata para makakita ng ganung bagay, object, things o part man yan jusku! Sapat na po yung nakita ko kanina, wag nyo namang maya't mayang ipakita sakin! '
Bilis bilis akong bumangon at pinigilan ang kamay nya. "Wag mo yang gagawin!?"bulong ko sa kanya kahit alam kong di nya yun maririnig kasi nga napakahimbing ng tulog nya.
Naisip ko na mag hanap ng bagay na pwedeng makapagpawala sa init na nararamdaman ni Jiro. Nakita ko ang isang brown envelop sa may banda ng study table ko, ito yung kontrata na ginawa nya. Tinanggal ko ang pagkakakapit ko sa isang kamay ko sa braso ni Jiro at pilit inabot ang envelop na iyon. Nang makuha ko na ay mabilis ko syang pinaypayan kahit na merong electric fan.
d+_+b
'Inaantok nako. Gusto ko ng matulog eh, parang awa mo na Jiro. Lamigin ka na naman sana. Ayaw kong mapuyat para lang paypayan ka magdamag!'
Unti unting pumipikit ang mata ko habang unti unti ring bumabagal ang pagpapaypay ko sa kanya.
"Hmmm.."ungot na naman nya kaya naimulat ko ulit ang mapupungay ko ng mga mata saka bibira sa pagpapaypay sa kanya.
BINABASA MO ANG
That Girl Is Mine (COMPLETED)
RomanceKwento ng babaeng papasok sa isang eskwelahan na merong mga lalaking kilala, tinitilian, kinababaliwan na kung saan ang taong mga yun ay magkakaroon ng kaugnayan sa kanya. Gaganda nga ba ang pag aaral nya at magiging kilala rin? O makikilala lang s...