Chapter 39:

282 36 0
                                    


Aya Point of View

Pagkatapos kong makakita ng isusuot ko ay napagpasyahan ko ng kumain. Kahit sa pagkain ko ay naaalala ko yung eksena kanina sa pamigatan namin ni Jiro. Bumili ako ng sinigang na baboy dun sa karenderya sa kanto pero imbis na ganahan ako sa pagkain ay hindi.

Hindi ko man lang naisipang kumuha pa ng kanin kasi parang busog ako kahit wala naman akong kinakain. Pagkatapos kong impisin ang kinainan ko ay tamlay akong naglakad papasok ng kwarto ko.

Nahiga sa kama at naisipang matulog na mona para makalma naman ang isip ko saka mahaba pa naman ang oras ko bago ang sayawan.

***
Yawning!

d-_-b zz.Zzz.zzz...

"Aya! Aya!"boses ni Jarren na nagmumula sa labas ng pinto ko. "Aya buksan mo nga 'to. Baka malate tayo sa party!"

Pinagmasdan ko mona ang kisame at kinurap kurap ang mata saka bumangon sa pagkakahiga at binuksan ang pinto ng bahay. Tumambad sakin ang simpleng suot ni Jarren. Nakapolo shirt syang white na may halong itim sa gitna na tinirnuhan ng itim na pantalon.

"Pumasok ka mona. Maliligo lang ako."sabi ko sa kanya saka sya tinalikuran saka pumasok ng kwarto at kinuha ang towalya ko. "Maaga pa naman diba?"tanong ko sa kanya nung pagkalabas ko.

"Meron pa naman tayong 1 hour pero bilisan mo parin at baka malate tayo."anya kaya naman pinanliitan ko sya ng tingin.

"Bakit ba masyado ka dyang excited. Mukha namang walang papayag na babaeng isasayaw mo."pang aasar ko pa dito.

"Tsk. At ikaw?"anya. "Tatanggihan mo ba ako kapag inakit kita?"seryosong anya kaya naman napalunok ako ng bahagya.

"Bakit naman hindi. Pero wag ka lang sasakto na tinatamad akong sumayaw. Kasi may dating ako na ayaw ko talaga."sabi ko sa kanya na naglakad na papunta ng c.r.

"Bilisan mo!"pahabol pa nya.

"Abnormal rin yun eh. Masyadong excited. First time nya bang dumalo sa sayawan?"napailing iling pa ako nung itanong ko iyon sa sarili ko.

Mabilis akong nagbuhos ng tubig kasi naiinip na yata ang kaibigan kong excited sa sayawan. Matapos nun ay lumabas na ako ng banyo. Sinulyapan ko pa sya sa sofa at nakita kong nakatutok sya sa panunuod ng t.v

Pumasok na ako sa kwarto at nagbihis ng napili kong dress. Ang kulay niyon ay sky blue. Inayos ko pa ang buhok ko bago ako tuluyang lumabas ng kwarto at pinuntahan si Jarren sa sofa.

"Oy tayo na."tawag ko sa kanya at napatayo naman sya sa pagkakaupo at nilingon ako. "Tara na at mag aalas sais na."

Mabilis syang lumapit sakin. "Tayo na."anya. Nabigla ako kasi pagkatayo nya kanina at pagkaakit ko ay agad na syang lumapit sakin at hindi man lang pinatay yung t.v.

"Yung t.v patayin mo mona."sabi ko sa kanya na itinuro pa iyon. "Manunuod ka tapos makakalimutan mong patayin."dagdag ko pa at pinuntahan naman nya yun at pinatay. "Oh tara na."

Kalalabas pa lamang namin ng pintuan ng bahay nung may bumusinang kotse mula sa tapat ng bahay. Tiningnan ko pa yun at alam kong kay Jiro ang kotse kaya naman nagdadalawang isip pa akong maglakad papalapit doon.

"Aya halika na."tawag pansin sakin ni Jarren. "Sa kanya nalang tayo sumabay kesa sumakay pa tara ng tricycle."hinikit na ni Jarren ang braso ko kaya naman wala narin akong nagawa.

Sumakay si Jarren sa likod ng passenger seat at nung kasalukuyan syang pumapasok doon ay sumulyap ako ng tingin kay Jiro at nung nakita kong nakatingin sya sakin ay agad akong umiwas saka nagmadaling pumasok sa loob at siniksik si Jarren.

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon