Jiro's Point of View
Matapos nun ay sumakay na kami ng kotse nya at bumalik sa tinutuluyan nya. Pagkapasok ko ng gate ay namangha ako sa bagong dekorasyon na ginawa ng mga tauhan nya roon. Kung ano anong palamuti ang inilagay simula pa lamang sa gate hanggang sa likuran ng bahay kung saan gaganapin ang birthday nya.
"Bro. Uuwi na mona ako."tawag pansin ko kay Drake na nakatingin sa ginagawa ng mga tauhan nya. "Medyo napagod ako eh. Gusto ko monang magpahinga. Saka tanghali narin."
"Ganun ba. Gusto mo dito ka nalang mag lunch?"tanong nya pero tumanggi lang ako. "Sige bro! Tawagan nalang kita mamaya."sabi nya kaya tumango lang ako. "Umaga ka ng punta dito ah."pahabol nya pa. Sumakay na ako ng kotse at minaneho yun pauwi.
Habang nagmamaneho ay iniisip ko na kung ano ang pwedeng isuot ni Aya sa party ni Drake.
"Kung bumalik kaya kami dun sa mall at papiliin ko si Aya?"tanong ko sa sarili ko pero agad akong napailing. "Hindi pala pwede, masyado ng sayang sa oras."tinuloy ko lang ang pag iisip ko habang nagmamaneho.
'Kung pumunta kaya kami dun sa dalawang bakla?'nangiti ako sa ideya kong yun.
Mabilis ko ng minaneho ang kotse ko hanggang makarating ako sa bahay. Bumungad agad sakin si Yaya. "Andito na po ako."pagpapaalam ko sa kanya.
"Oh iho. Tamang tama ang dating mo at luto na ang ulam na niluto ko. Kumain ka na, ipaghanda na ba kita?"
"Sige po Yaya."tanging sagot ko nalang sa kanya. Pumunta na sya ng dining at sumunod naman ako dun. Nakita ko rin dun si Mommy na may inaayos. "Mommy ano yan?"tanong ko sa kanya saka naupo sa tabi nya.
"Cup cakes ito."ani Mommy na binuksan ang box. "Hindi kasi ako makakapunta sa birthday ni Drake kaya naman naisip ko na ipadala nalang itong regalo ko sa kanya mamaya sayo."
"Sure ako Mom, matutuwa yun si Drake. Saka wag kayong mag alala, sasabihin ko sa kanya yung Birthday greetings nyo."nakangiting sabi ko dito.
"Sabi mo yan anak huh."ani Mom na binalik sa inaayos na lalagyan ng cup cakes ang tingin. "Kumain ka na, nagluto si Yaya mo ng menudo dyan."
Pinaghayin na ako ni Yaya at mabilis ko naman yung kinain. After nun ay nagpaalam na mona ako kay Mom. "Mommy. Punta mona ako sa taas huh. Magpapahinga lang ako."sabi ko at tumango naman sakin si Mom.
Pagkaakyat ko sa taas ay pumasok na ako sa room ko saka mabilis na nahiga sa kama. Kinuha ko ang cellphone ko at idinial ang number ni Aya.
'Naka off yung phone nya?'
Ipinatong ko nalang yung phone ko sa study table ko."Mamaya ko na lang sya pupuntahan. Madali lang naman makakuha ng bagay na damit yung dalawang baklang yun para kay Aya."pagtutukoy ko dun kila Benj at Pat.
Ipinikit ko ang mga mata ko at pinilit irelax ang isipin ko. Maya maya lang ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
***
d–.–bZz.z.zZ.zzZ.z...******
"Anak. Jiro."nakarinig ako ng isang boses habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Nasisiguro kong si Mom yun. Naramdaman ko rin ang pagbukas nun. "Anak! Gising na."pagtatapik nya sa braso ko. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. "Diba pupunta ka pa ng Party ni Drake?"Nanlaki ang mga mata ko. Napabalikwas pa ako ng tayo saka mabilis na tiningnan ang relos ko.
'What the hell! 4:45 na!'
BINABASA MO ANG
That Girl Is Mine (COMPLETED)
RomanceKwento ng babaeng papasok sa isang eskwelahan na merong mga lalaking kilala, tinitilian, kinababaliwan na kung saan ang taong mga yun ay magkakaroon ng kaugnayan sa kanya. Gaganda nga ba ang pag aaral nya at magiging kilala rin? O makikilala lang s...