Chapter 71

272 41 0
                                    

Nash POV

Andito ako sa hospital matapos ang makalaglag pusong ginawa ng Papa at kapatid ni Sophia sakin. Isang nakakakaba na sa huli ay nakakatuwa na mababaliw kang talaga.

Nakahiga ako sa kama dito habang si Sophia ay nasa labas para bumili ng pagkain ko. Halos mukha akong sira ulong napapangiti habang nakasandal at lutang ang isip. Naaalala ko kasi lahat ng mga kalokohang pinag gagawa ng kapatid at Papa nya sa kanya. At sinakyan ko pa.

d^.^b

Flashback......

Halos umurong ang dila ko at nanlaki ang mata ko nung makita ko ang pabalik na kapatid at Papa ni Sophia na may dalang tig iisang baseball bat papunta samin.

Anong gagawin nila sakin?

"Papa! Ano ba yan!?"sita ni Sophia sa mga ito. "Hindi magandang biro yan, itago nyo nga yan."

Nginitian lang naman sya ng Papa nya saka bumaling sakin ng tingin. Napaiwas agad ako nung magsalubong ang mga mata namin. The heckkk..don't tell me na mamatay naku, jusko! Gusto ko pa pong mabuhay, magka asawa at magkaroon ng pitong anak. Nanlamig ako bigla nang may humawak sa braso ko. Nanigas ako at ang pag galaw ng ulo ko ay dahan dahan pa para lang makita ang humawak sakin.

Halos atakihin ako sa puso nang bumulaga sa akin ang patpating kuya ni Sophia na tudo kung makangiti. Pucha, nakadroga ba ang pamilya ni Sophia? Gulong gulo ako kasi paiba iba ang emosyon ko ngayun, nakakakaba tapos itong kuya nyang patpatin ay manggugulat na akala mo ay magpapatawa.

"Sumama ka samin."sabi naman ng isang Kuya nya. Pilit akong itinayo nung Patpatin kahit alam ko namang hindi nya man lang nya yata ako kayang iangat sa kinauupuan ko. Napatayo nalang ako nung lumapit na ang Kuya nyang isa saka ako hinila.

"Papa! Ano ba yan, Kuyaaa!"sigaw ni Sophia sa mga ito. Hinila ako ng Kuya nya kasunod sa likod namin ang isa nya pang Kuya at ang Papa nya na inihahampas hampas pa ang baseball bat sa kanyang palad.

"S-Saan nyo p-po ako da-dadalhin?"tanong ko dito pero seryoso lang ang mukha ng Papa nya kaya naman napalunok ako. "An---"

"Kiiikkk!"nahinto ako sa pagsasalita nung marinig at makita ko ang pagsensyas ng patpating kapatid ni Sophia. Nagsensyas sya ng pag gilit sa kanyang leeg.

"Pasok!"utos sakin ng Kuya nya na binuksan ang pinto ng isang kwarto. Sumulyap pa ako sa Papa at isa nya pang kapatid pero seryoso lang silang nakatingin sakin.

"Papa! Ano baaaa!? Hindi kayo nakakatuwa. Itigil nyo nga yan!"pagpipigil ni Sophia sa Papa nya. Ayaw ko pa mang pumasok ay itinulak na ako ng Patpatin nyang Kuya sa loob. Kasunod nun ay ang pagpasok rin ng Kuya nyang dalawa at ang huli ay ang Papa nya. Naiwan si Sophia sa labas kasi agad na isinara ng Kuya nya ang pinto. "Kuya. Papa! Ano baaa. Hindi nakakatawa 'to. Itigil nyo na."sigaw ni Sophia habang kinakatok ang pinto.

Pinagmasdan ko ang loob ng kwarto at masasabi kong hindi ito kwarto ni Sophia. Marahil isa sa Kuya nya o sa Papa nya dahil mga gamit na nakadisplay at isang malaking punching bag na nakabitin sa tabi ng kama.

"Handa ka na ba, bata?"nilingon ko sila at nakita kong nakangisi silang tatlo habang pinaglalaruan ang baseball bat sa kanilang mga kamay.

"A-Ano pong ibig nyong sabihin?"pilit ko mang itago at pigilan ang pagkautal ay hindi ko magawa dahil sa pangunguna sakin ng kaba.

Napaatras ako nung sabay sabay silang lumapit sakin. Atras ako ng atras hanggang mapalapit na ako sa kama kalapit ng punching bag doon.

"WAAahhhh!"sigaw ng Patpating kuya ni Sophia saka sumugod sakin habang nakahanda ang hawak na bat.

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon