Jiro's Point of View
Matapos ang aming pagkain ay napagpasyahan na naming umuwi na. Nakaupo ako sa sofa at inaantay si Aya na matapos sa paghuhugas ng pinggan na ginagawa nya. Nakabukas ang t.v at nanunuod lamang ako kasama ang Papa nya.
Maya maya lang ay lumapit na sya samin. "Tapos naku maghugas ng plato."anya na pinupunasan pa ang basa nyang kamay ng towel.
"Ah. Sya nga po pala. Kailangan ko na ring umalis."panimula ko na tumayo na saking pagkakaupo. "Meron pa kasi akong aasikasuhin."bumaling ako ng tingin kay Aya. "Ikaw ba? Hindi ka pa ba sasabay?"tanong ko sa kanya.
Umiling naman sya sakin. "Dito na mona ako. Mamaya pa naman sigurong gabi ang party diba?"
Tumango ako sa kanya. "Oo pero kung hindi ka pa sasakay sakin, mag aaksaya ka pa ng pamasahe."
"Okay lang. Namiss ko rin kasi si Papa."anya na sumulyap sa Papa nya. "Ilang araw ko na naman syang hindi makikita."nakangusong anya saka lumapit sa Papa nya.
"Ah ganun ba."tanging nasagot ko. "Kung ganun ay kailangan ko ng mauna kasi nangako pa ako kay Drake na maaga akong pupunta sa kanila."sabi ko na nakaturo pa ang hintuturo sa direksyon papalabas ng bahay.
"Sige iho. Mag ingat ka ha"ani Papa ni Aya. "Kapag umuwi narin itong anak ko,ingatan mo sya ha. Baka meron dung tarantado na babastusin sya. Wag mong hayaang mahirapan ang anak ko."paalala nya pa sakin.
"Ako po ang bahala sa kanya. Hindi ko po sya papagurin."makahulugang sagot ko na syang dahilan para pangliitan ako ni Aya ng mata.
"Tumigil ka nga!"mataas na boses na anya.
"Bakit?"inosenteng tanong ko. "May nasabi ba akong masama?"tanong ko habang natatawa pa.
"Tsk. Umuwi ka na nga! Bwesit ka."
Hindi ko na sya sinagot at ngumiti nalang ako. Tumalikod na ako pero humarap ulit ako para ipaalala yung party kay Aya. "Aya, yung party mamaya huh." tumango lang naman ito kaya nagdiretso na ako sa kotse ko.
Sumulyap ako sa rear mirror at kitang kita ko ang mata ko na medyo nangingitim. Napailing pa ako nung makita ko yun. Kinuha ko ang shade ko at sinuot yun saka nagmaneho.
Pagkadating ko sa bahay ay binukasan ni Yaya ang gate para maipasok ko ang kotse ko. "Oh iho. Bakit hindi ka na umuwi kagabi?"tanong sakin ni Yaya pagkalabas ko ng kotse.
"Masyado na po kasing gabi, kaya dun na ako pinatulog ng kaibigan ko."sagot ko sa kanya. "Andito na po ba si Mommy?"tanong ko sa kanya na sumulyap pa sa pinto.
"Andyan na ang Mommy mo sa loob. Hinahanap ka nya kanina nung dumating eh."
"Ganun po ba. Sige Yaya pasok mona ko."sabi ko sa kanya saka naglakad papasok ng bahay. Agad kong nakita si Mommy na nasa dining. "Mom!"tawag pansin ko sa kanya.
"Oh anak? Bakit ngayun ka lang huh?"tanong nya na lumapit sakin saka yumakap at hinalikan ako sa noo. "Saan ka galing?"
"Doon na po ako pinatulog ng kaibigan ko eh. Masyado na daw gabi para magmaneho pa."dahilan ko sa kanya.
"Ah ganun ba."biglang nagkulot ang ang kanyang mukha, parang may napansin syang masama sa mukha ko. "Tanggalin mo na nga yang shade mo. Nasa loob ka na ng bahay."utos nya sakin.
'Oh no! Hindi ito pwede!'
Lumingon ulit sya sakin saka kumunot ang noo. "Oh? Bakit hindi mo pa tinatanggal yan?"tanong nya. Wala na akong nagawa. Dahan dahan ko yung inalis sa harap nya at biglang nanlaki ang mata nya na napanganga pa."Oh my! What happened to your eye?"tanong nya sakin na hinawakan pa ako sa magkabila kong pisngi.
BINABASA MO ANG
That Girl Is Mine (COMPLETED)
RomanceKwento ng babaeng papasok sa isang eskwelahan na merong mga lalaking kilala, tinitilian, kinababaliwan na kung saan ang taong mga yun ay magkakaroon ng kaugnayan sa kanya. Gaganda nga ba ang pag aaral nya at magiging kilala rin? O makikilala lang s...