Chapter 23:

324 37 0
                                    

Jiro Point of View

Matapos ng party ay nagpaalam na kami kay Drake. Si Aya at Jarren ay kailangan ko pang ihatid dahil masyado ng malalim sa gabi.

Pagkakadating namin dun bahay ni Aya ay nagpaalam lang sya sakin at kay Jarren saka pumasok na sa loob. Lumingon ako kay Jarren sa rear mirror. "Hindi ka pa ba dito bababa?"tanong ko sa kanya at umiling naman ito. "Tsk. Ituro mo!"

Minaneho ko na iyon. Sinusulyapan ko pa sya sa salamin pero sa may bintana sya nakatingin. "Paano nga palang nakapunta ka dun sa party."tanong ko sa kanya kaya nilingon nya ako.

"Isinama lang ako ni Aya. Napilitan lang naman ako kasi wala ka sa inyo nung puntahan ka namin."anya saka bumalik ng tingin sa bintana.

"Pumunta pala kayo samin? Kung ganun, nakita kayo ni Mommy?"tanong ko sa kanya saka sumulyap ulit sa rear mirror.

"Oo. Sya pa nga nagbigay ng isusuot samin ni Aya."anya na nakatingin lang sa malayo.

"Kung ganun, nakilala na ni Mommy si Aya?"hindi sya sumagot at nakita ko naman sa rear mirror ang pagtango lang nya. "Kaya pala ang ganda ng suot ni Aya eh. Hindi ko inasahan na ganun sya kaganda."

Lumingon sya sakin na animoy walang kainte-interes. "Eh ano naman ngayun. Sige. Dyan mo nalang."anya na itinuro pa sa may tabing kalsada. Bumaba sya at pumunta sa harap ng bintana ko. "Salamat ah."anya.

"Teka. Parang pamilyar sakin yang suot mo."sabi ko sa kanya na animoy pinag aaralan pa yung suot nya. "Binigay rin ba yan sayo ni Mommy?"tanong ko sa kanya.

"Ah ito."anya na tumingin pa sa suot nya. "Binigay na ito ng Mommy mo. Saka ang sabi nya, sayo raw 'to eh."nakangiting anya saka nilayasan ako.

'Akin ba yung damit na yun? Kaya pala pamilyar sakin!'

"Hoy! Bakit mo isinuot ang damit ko!?"sigaw ko pa sa kanya pero hindi man lang nya ako nilingon kahit alam kong narinig nya.

Wala na akong nagawa kaya minaneho ko nalang ang kotse ko hanggang makarating ako sa bahay.

Pagkapasok ko sa loob ay bumungad agad sakin si Mommy na nakaupo sa couch at nanunuod ng T.V. "Oh anak, andyan ka na pala."anya saka lumapit sakin saka humalik. "Kamusta ang party? Nag enjoy ka ba?"anya na nakahawak ang dalawang kamay sa gilid ng mga braso ko.

"Okay naman Mommy."ngumiti ako sa kanya. "Pumunta pala si Aya dito?"tanong ko sa kanya.

"Yes anak, nagkita na ba kayo? Ano, maganda ba sya?"nasasabik na tanong sakin ni Mommy.

"Sobra Mom."wala sa sariling sagot ko sa kanya.

"Lalo ka bang nainlove sa kanya, anak?"

"Oo Mommy."hindi ko alam pero agad na iyon ang lumabas sa bibig ko ng hindi ko man lang pinag isipan.

'Anong pinagsasabi ko?'

"Sige na Mom. I need a rest. Punta naku sa room ko."tumango lang naman sya saka humalik ulit sa pisngi ko.

Pagkadating ko sa kwarto ay mabilis kong inalis ang suot ko. Naupo lang ako ng konte sa kama saka napagpasyahang maligo. Matapos nun ay presko akong nakatulog nung nahiga na ako sa kama.

***
Kinabukasan..

Himbing na himbing pa ang tulog ko ng biglang mag ring ang cellphone ko. Nakapikit ko yung kinuha sa ibabaw ng study table ko saka sinagot. "Hello?"matutunuhan mo sa boses ko ang pagkabagong gising palang.

"Pumunta ka na dito!?"anya sa kabilang linya.

Napapikit pa ako sa sobrang inis. "Inaantok pa ako. Bakit ba!?"inis na ring tanong ko sa kanya.

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon