Chapter 19: Stitch

263 34 0
                                    


Aya's Point of View

Nanunuod ako ng T.V ng bigla akong tawagin ni Papa. "Anak. Hindi ba't may pupuntahan ka pang party? Bakit hindi ka pa dyan naghahanda para sa pag uwi mo."Sa sinabing iyon ni Papa ay bigla akong natauhan sa pagkalibang ko.

'Naku lagot na. Oo nga pala. Nalimutan ko.'

Mabilis kong inayos ang sarili ko at naligo. Matapos nun ay mabilisan din akong nagpaalam kay Papa. Nakasakay ako ng jeep nung tumawag sakin si Jiro. "Aya. Where the hell are you?"tanong nya agad sakin na ramdam ko ang pagpipigil nya ng inis.

"Oo sandali lang, papunta na ako. Malapit na ako dyan. "medyo na natataranta na ring sagot ko.

"Bilisan mo kasi magsisimula--"napatingin ako sa screen nung maputol yung sasabihin nya.

"Hello?"sagot ko pa sa linya pero walang sumagot. Nakita ko na lowbat na pala yung cellphone ko. "Aishh! Bakit naman hindi ko man lang napansin kanina na lowbat na pala."bulong ko pa sa harap ng screen. "Yung charger ko?" Napabuntong hininga ako ng animoy naiinis. "Naiwan ko pa sa bahay namin. Manong pakibilis pa nga po."utos ko sa driver at sumunod naman sya. Iilan lang kaming pasahero nya, baka nasa lima o anim lang kami. Pagkahinto na pagkahinto ng jeep sa kanto ay agad akong lumabas at halos patakbo ng pumunta ng bahay. Pagkadating ko dun ay walang nakaparadang sasakyan o ang inaasahan kong kotse ni Jiro. "Haist. Paano na 'to?"bulong ko na kitang stress na ang itsura.

Pumasok ako ng bahay at kinuha ang invitation card. Nakita ko dun ang address ng party. "Nakakahiya namang pumunta dun mag isa."napalunok ako sa ideya kong iyon. "Baka naman nasa bahay pa si Jiro."nagliwanag ang mukha ko pero mabilis ring nawala ang ngiti nung may kasunod na sumagi sa isipan ko.  "Kaso nakakahiya naman kung wala sya dun, tapos baka yung Mommy nya pa ang nandun."

Gulong gulo na ako na halos hindi na alam ang gagawin ko. Naupo ako sa couch at sumandal dun saka tuminghala. Ilang sigundo akong nakatingin lang sa kisame ng sumagi sa isip ko si Jarren.

'Si Jarren!" ^o^

"Tama. Pupuntahan ko si Jarren,"nakangiting bumangon ako sa pagkakahiga sa sofa. "Para sasamahan nya akong pumunta sa bahay ni Jiro."tumayo na ako sa pagkakaupo at mabilis na lumabas ng bahay at tinahak ang bahay ni Jarren.

'Alam kong may tampo sya sakin, o kung galit man ay hindi dapat ngayun. Kailangan nya akong tulungan at hindi sya pwedeng tumanggi sakin, pakapalan na toh, Aya!'

Pagkadating ko sa harap ng pinto nila Jarren ay agad ko iyong kinatok. "Jarren. Jarren!"tawag ko sa kanya at mamaya lang ay bumukas na ito at nagpakita ang aking kaibigan. "Jarren please.. sana wag mong pairalin ang tampo mo sakin ngayun. Kailangan mo akong tulungan please. Samahan mo ako." pakiki usap ko sa kanya pero kumunot lang ang kanyang nuo.

"A-anong tampo ang sinasabi mo dyan?"nag liwanag ang mata ko sa sinabi nyang yun. Ibig sabihin hindi nga sya galit sakin. "Ms. Bakit mo ba ako kilala? Anong sasamahan ang pinagsasasabi mo dyan?"

Nagtaka ako sa iniasta nyang yun. Pero nakuha ko rin agad dahil mabilis magprocess ang pag iisip ko ngayun.
'Hindi nya rin pala ako nakilala. Ano ba naman yan! Sa bagay ang daming nagbago sakin. Umikli ang buhok ko at yung damit na ipanasusuot sakin nila Benj at Pat ang suot ko ngayun'

"Ano ka ba naman Jarren, ako 'to ang kaibigan mo. Si Aya. Kaya please samahan mo na ako."pangungumbinsi ko pa sa kanya.

"A-aya? Ikaw si Aya?"tumango lang ako sa kanya. Pinagmasdan nya pa ang kabuuan ko. "Ikaw nga. Anong nangyari sayo at nagpaganda ka yata?"may kakaibang dating ang tono ng pagtatanong nya pero wala akong panahon na itanong pa yun.

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon