Natalie Point of View
"Kung hindi mo ako hinalikan. Anong dahilan kung bakit ka kinakabahan?"kunot noong tanong nya pa.
Hindi ko nalang sya sinagot. "Ewan ko sayo." Manigas ka dyan, tsk. "Andito na tayo sa inyo. Lumabas ka na."pagtataboy ko pa.
Nakahinga naman ako ng maluwag nung bumaba na nga sya. Grabe, kinabahan ako sa isang yun.
"Baka gusto mong pumasok?" shocks! Papatayin nya ba ako sa gulat.
"Ano ba!"hinampas ko yung bintana ko saka ko yun binuksan. "Wag ka nga dyang manggugulat. Kanina ka pa!"talagang napipikon na ako sa kanya pero parang joke lang sa kanya lahat ng reaksyon ko.
"Haha gusto mo bang pumasok?"ulit nya pa.
"I don't want to go,tsk."sabay ko syang inismiran.
"Wag ka ng mahiya. Wala dyan ang parents ko, kapatid ko lang na bunsong lalaki."
"Hehe,mas gugustuhin ko pa na nandyan ang parents mo 'no."
"Bakit naman? Hindi ka ba mahihiya sa kanila?"nakangiting tanong nya pero hindi ako sumagot. "Baka naman kaya gusto mong nandito sila,para makilala mona ang parents ko."
Sa ngisi nya ay alam kong may ibig syang sabihin sa sinabi nya at alam kong puro kayabangan at pang iinsulto lang iyon.
"Ohh baka namn magpapakilala ka na nyan sa kanila bilang GF ko."halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi nya. Ako? Gf nya? Hahaha tsk.
"Ako? Girlfriend mo?"turo ko pa sa sarili ko at nagtatango naman sya. Napasinghal ako na animoy di mapakaniwala. "In your dream! Ganda kong toh? papatol sayo? Like--duhhh!"sabi ko pa na ginagalaw galaw pa ang ulo.
"Kung ganun bakit gusto mong andito Sila?"tanong nya.
"Syempre. Sa panahong ito, mahirap na.. May mga lalaking mapagsamantala ng pagkakataon."sabi ko na siniringan sya ng tingin. "Kampanti ako kapag may kasamang iba at hindi lang ikaw. Kasi pakiramdam ko kapag kasama kita at walang iba--"
"Kinakabahan ka?"pagpuputol nya sa sinasabi ko. "Na may gusto ko na sakin?"dagdag nya at talaga namang hindi ako makapaniwala. Sinasabi nya ito sa harap ko? As in sakin? Like duhhh!
"Kapag kasama kita at walang ibang tao, parang pakiramdam ko hindi ako ligtas. Baka hindi lang kaba ang maramdaman ko sayo, baka maging takot at kilabot ay pumasok sa maganda kong katawan."
"Minsan may panget na mukha ang pwede mong bigyan ng tiwala. At yung ibang magagandang mukha, may itinatagong sama."seryosong anya at hindi ako nakasagot dun. "Pero wag kang mag alala. Itong mukhang ito?"anya na hinawakan pa ang panga nya. "Gwapo na, mapagkakatiwalaan pa."anya sabay ngiti at halos laglag panga nalang ako at di makapagsalita, speechless.
"Papasok ka ba o hindi? Wanna coffee?"dagdag pa nya. Umaga narin naman, wala na akong nagawa kundi bumaba nalang mona at pumasok sa kanilang bahay, tsk.
Naupo ako sa sofa at sinuri ng mata ko ang buong bahay. Malinis ah. Di ko inaasahang sa simpleng bahay na ito, magmumukhang maganda parin dahil sa kalinisan ng paligid.
"Dyan ka mona ah. Bibili lang ako ng tinapay."anya na lumabas na kaya wala na akong nagawa.
"Akala ko ba nandito yung kapatid nya."bulalas ko sa kawalan saka tumayo para maningin ng picture na nakasabit sa dingding at pader. Tinitigan ko ang picture ni Jarren nung bata pa sya. Siguro mga grade 6 itong tinititigan ko ngayun kasi nakatoga sya at may suot na medalya. Sigurado akong sya yun kasi konte lang naman ang nagbago sa mukha nya.
"Sino ka?"halos mapatalon ako sa gulat ng makita ang isang batang lalaki na nakatayo sa harapan ko.
"Ano ba! Wag ka ngang nang gugulat."suway ko sa kanya pero hindi sya nagreact. Tsk. Parehas kayo ng kuya mo, mga kulang yata sa pag iisip.
BINABASA MO ANG
That Girl Is Mine (COMPLETED)
RomanceKwento ng babaeng papasok sa isang eskwelahan na merong mga lalaking kilala, tinitilian, kinababaliwan na kung saan ang taong mga yun ay magkakaroon ng kaugnayan sa kanya. Gaganda nga ba ang pag aaral nya at magiging kilala rin? O makikilala lang s...