Chapter 65

258 37 0
                                    

Jiro's Point of View

Matapos ang gulong nangyare kanina ay nandito kami ngayun ni Dad sa Dean's Office. Talagang pinalabas nya pa si Dean para lang makausap ako ah. Ibang klase. Diretso akong naupo sa isang monoblock na upuan sa tabi ng table ni Dean.

"Jiro! Ano bang nangyayare sayo? Hindi ba sinabi ko na sayo nung tinawagan kita na ayaw ko ng gulo? Ano itong ginawa mo? Bakit mo sinapak si Nash. Parati ka nalang bang ganyan-- kung hindi mo kayang tumino, dun ka na sa states!"

"Okay."tipid na sagot ko.

"Aba at--Hoy! Jiro, umayos ka ng sagot mo. Daddy mo'ko--"

"Yun na nga eh."tumayo ako at sinalubong ng tingin si Dad.  "Daddy kita pero hindi ko alam kung bakit parati nalang yang Nash na yan ang kinakampihan mo. Kung bakit sya nalang parati yung napapansin nyong tama. Ako yung anak nyo, Dad pero bakit sya ang napapansin nyo!?" hindi ko alam pero sa bawat salitang matagal ko ng gustong ilabas kay Daddy ay may kasabay na pagpatak ng mga luha ko sa mata. "Dad. Kailangan ko ng suporta nya pero bakit inuuna nyo pa yung ibang tao? At talagang yung taong tinraydor pa ako?"

Hindi ko na kayang makipaglabanan ng titig sa kanya kasi walang sawang pumapatak ang mga luha ko. Tinalikuran ko sya pero bago ko pa man hawakan ang pintuan ay nagsalita sya.

"Alam mo ba kung bakit sya ang kinakampihan ko?"natigilan ako sa sinabi nyang yun. Bakit nga ba? Bakit sya nalang? Hinarap ko si Daddy at nakita kong namumula ang mata nya. "Kasi napakabuti nyang bata. Napakabuti nyang kaibigan sayo." hindi ko alam pero naguguluhan ako sa pinagsasasabi ni Dad. "Marami kang hindi nalalaman sa kanya na alam ko."nanlaki ang mata ko sa sinabing yun ni Dad.

"Sa tingin ko ay ito na ang tamang oras para malaman mo ang lahat. Ito na ang tamang oras para mapatawad mona sya at matigil na yung mahirap na pagpapanggap ni Nash."parang tumigil ang pagluha ko at kahit umiiyak si Dad ay hindi yun naging dahilan para hindi ko maintindahan ang sinasabi nya. Anong katotohanan? Anong pagpapanggap?  "Katotohanang tungkol sa katauhan ni Mia." parang may nabuong kirot sa puso ko nung marinig ko ang pangalan ni Mia. "Katotohanang wala talagang relasyon si Mia at Nash." halos mabingi ako sa narinig ko. Ang natuyong luha sa mata ko ay parang naipon at mabilis na namang pumatak dahil sa narinig ko.

Katotohanang wala talagang relasyon si Mia at Nash.

Katotohanang wala talagang relasyon si Mia at Nash.

Katotohanang wala talagang relasyon si Mia at Nash.

Ipinagtapat lahat sakin ni Daddy lahat ng katotohanang naibaon sa hukay. Ang katotohanang natakluban ng galit at puot ko sa dalawang taong mahalaga sakin na kinamuhian ko pero hindi naman pala dapat.

Hindi ako makapaniwala sa lahat. Gusto kong tumigil sa pagluha pero hindi ko magawa. Gusto kong ibalik yung nakaraan para humingi ng tawad sa taong mahal ko pero hindi ko na magagawa.

"Sorry anak, kung inilihim namin ito sayo."niyakap ako ni Daddy. Ngayun ko nalang atah naramdaman ang yakap nya. Matagal narin nung huli nya akong nayakap kasi halos nagrebelde ako dito. "Iyon ang kahilingan ni Mia. Na huwag aminin sayo kasi ayaw ka nyang masaktan. Pero alam kung ito na ang oras para malaman mo lahat, para mapatawad mona ang taong wala naman talagang kasalanan."

Kumawala ako sa pagkakayakap kay Daddy pero hindi parin matigil ang pag iyak ko. Nanghihina ang mga tuhod ko sa lahat ng nalaman ko ngayun. Masakit na nga na malaman ko ang ginawa ni Aya at Nash tapos heto na naman. Ibabalik na naman ang nakaraan. Napaupo ako kasi hindi ko kaya. Hindi ko kinakaya lahat ng pinagsasasabi ni Dad.

Nakatulala ako at pilit na ninanamnam lahat ng bago kong nalaman. Hindi parin ako matigil sa pag iyak sa tuwing ibinabalik ko ang nakaraan na kung saan si Mia pa ang mahal ko. Yung panahong pinagselos ko pa sya ay lalo lang palang nakadagdag ng sakit nya.

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon