Aya Point of View
Kasalukuyang magkatitigan kami ni Jiro. Hindi ko alam pero bigla na namang bumagal ang lahat. Ang ngiti nya ay hindi nawawala. Ang pagkisap ng mata nya ay sobrang bagal. Kasabay ng mga iyon ang mabilis na pag yanig ng puso ko.
"Honeybee!"tawag nya sakin kaya naman bumalik ako sa katinuan. "Gusto mo bang tumugtog?"tanong nya sakin.
"Huh? Ahh hindi na. Ikaw nalang."sagot ko.
"Hindi ka ba nito marunong?"tanong nya sakin.
"Marunong ako. Wala lang ako sa mood ngayun. Pero kung gusto mo, ikaw ang mag gitara ako ang kakanta."
"Okay. Game ako dyan. Ano bang kakantahin mo?"excited na tanong nya sakin.
"Yung 'Hindi na kita mahal'"nakangiti kong sagot sa kanya pero biglang nagbago ang itsura nya. "Bakit? Anong problema?"
"Sa dinami dami ba naman ng kanta, yun pa talaga ang napili mo? Pinapatama mo ba yun sakin, Honey bee?"malungkot na anya.
Hala. Malay ko ba na mi-misinterpret nya yun. Eh sa iyon ang favorite kong kanta eh.
"Hoy."tawag ko sa kanya pero hindi sya sumasagot. "Jiro.."tawag ko pa.
"Ewan ko sayo."anya na ibinaba ang gitara sa tabi ng kama saka humiga at nagtaklob ng kumot. Sira ulong lalaking toh. Masyadong matampuhin.
"Bee.."pinilit kong lambingan ang pagtawag sa kanya pero hindi parin nya tinatanggal ang nakatakip sa kanyang kumot. Kinuha ko ang gitara at tumugtog.
Binata🎶
~Ikaw na ang, pinaka gwapo na binata sa aking mata
Ikaw na ang, pinaka- swabe ang galaw
Oh akin ka..~Tinanggal na ni Jiro ang kumot at nakikita ko ang nakakaloko nyang ngisi. Marahil siguro sa kinanta ko. Kahit kelan talaga..napakaproud nito sa sarili nya. Mabuti nalang yun ang kinanta ko.
"Galit ka pa ba?"tanong ko sa kanya pero umiling lang sya saka tumayo at lumapit sakin.
"Ang swerte mo noh. Ang gwapo ng boyfriend mo hihi"anya na kinuha na sakin ang gitara. Ngumiti nalang ako kasi baka magtampo na naman ang mokong na'to. "Ang ganda ng boses mo. Ang ganda din ng kanta mo. Talagang dedicated sakin eh. Pero napansin ko, kulang ka pa sa feelings. Hindi mo pa gaanong dama yung kanta."dagdag nya pa.
"Akala ko ba maganda na yung kanta ko?"nakangusong pagrereact ko sa kanya.
"Ang ibig kong sabihin dun, honey bee. Yung kinanta mo..patama kasi sakin yun eh."nakabungisngis na anya. Abnormal! "Pakinggan mo toh. Watch and learn, Honey."anya saka nagsimulang kumanta.
Balang Araw-Julian T.🎶
~Balang araw..Balang araw..
Balang araw..Balang araw..
Di madali, Di madali..
Kung lahat lahat ay iisipin,
Sa huli sa huli,,Ikaw lamang ang gustong makapiling..~~Maraming bagay sating nangyari,
Na Hindi inaasahan,
Mahirap tanggapin at kayanin,
Harapin ang katotohanan~~Anong pagpapanggap ginagawang lahat,
Upang madama ang puso kong tapat
Di ko man masabi sa ngayun,
Pero pangako ko..maghihintay..
Kahit Hanggang kailan maghihintay..
Kahit pa masaktan at kailan may nandito lang..
Walang paki alam ang puso'y sayo lang..~~Balang araw, magsisimulang muli..
Balang araw, lahat ng to'y dadali.
Balang Araw, balang araw tayo rin sa huli~Napatulala ako sa napakaganda nyang boses. Ewan ko pero parang inaantok ako sa boses nya. Ito na naman tayo, bumabagal na naman ang paligid ko. Ang bawat pagbuka ng bibig nya ay napakabagal. Ang ngiti nya na tumutunaw sa puso ko..
BINABASA MO ANG
That Girl Is Mine (COMPLETED)
RomanceKwento ng babaeng papasok sa isang eskwelahan na merong mga lalaking kilala, tinitilian, kinababaliwan na kung saan ang taong mga yun ay magkakaroon ng kaugnayan sa kanya. Gaganda nga ba ang pag aaral nya at magiging kilala rin? O makikilala lang s...