Jiro's POV"Tsk tsk!"napapailing kong sabi habang nagmamaneho. "Ibang klase." Nagpatuloy nalang ako sa pagmamaneho hanggang makarating ako sa bahay.
Pagkapasok ko sa loob ay sumalubong agad sakin si Mommy na galing sa dining. "Hi Mom!"bati ko sa kanya saka humalik sa pisngi nya."Anak! Bakit ginabi ka yata ngayun?"tanong ni Mommy habang nakahawak sa tigkabilang braso ko.
Nginitian ko naman sya para matanggal ang lungkot sa kanyang mukha. "May pinuntahan lang ako Mom,"sabi ko dito. "Sa isang kaibigan."dagdag ko pa at ayun na nga, napangiti ko na sya."Oh sya. Kumain ka na dyan huh.."sabi ni Mommy. "Yaya, ipaghanda mo nga si Jiro."tawag nito sa nag iisa naming katulong. "Sige na anak, mauuna naku sa taas."anya na hinaplos pa ang braso ko bago umakyat sa hagdan papunta sa Room nya. "Nagluto si Yaya ng Chicken Adobo."pahabol pa nito.
"Okay Mom! Good night."sabi ko na kumaway pa sa kanya.
Nilingon naman ako nito saka nagbigay ng matamis na mga ngiti. "Sige anak. Pagkatapos mo dyan matulog ka na."tumango lang ako dito at hindi na sumagot. Dumiretso nalang ako sa Dining at kumain.Pagkatapos nun ay nagpasok naku sa Room ko at naligo. Matapos kung maligo ay ibinigsak ko ang katawan ko sa kama sabay hikit kay Stitch na nasa tabi ko.
Sya yung Cute kong kasiping sa gabi na teddy bear na singlaki ko. Tinitigan ko ang pagmumukha nito nung biglang pumasok sa isip ko si Aya.
"
Tsk. Anong klaseng kwarto 'to?"pinagmasdan ko ang ilang mga wall stickers sa pader nya. "Ano ka bata?" tanong ko sa kanya kasi halos lahat ng nasa pader ng kwarto nya ay puro sticker ni Hello Kitty. Meron syang Pillow at meron rin syang sing laki ng tao nun.
"Wala kang paki alam! Eh sa sya ang paborito ko eh!"anya na nag indian sit sa kama nya at hawak yung pillow nyang Hello kitty. "Saka pwede ba! Umuwi ka na kasi gabi na oh!"
'Kitty girl. Niloko ko sya na parang bata, eh parang ganun rin naman ako hahaha'
Natawa ako sa isiping yun. Mas madami pa yata yung Wall Sticker Stitch ko kesa sa Sticker nya sa kwarto nya. Halos buong room ko ay puno ng stitch. Nagkukulay blue na halos ang buo kong room.
Ito yung Dream nung iba dyan. Never ko itong ipinakita, maliban kila Mommy, Dad at Yaya. Halos lahat ng gamit ko ay may picture o tatak ni Stitch. Saka isa pa. Favorite color ko ang blue. Maging pangtulog ko ay Stitch rin, mapapajama, pero hindi ako lumalabas ng ganito ang suot.
'May short at T-shirt ako nito at meron naring secret underwear bwahahha! Masyado yata akong baliw kay stitch. Nadala ako masyado sa kacute-an nya eh.'
Napabungisngis ako sa isipin kong yun bago pumikit at ilang minuto lang ay nakatulog na sa sobrang pagod.
*d–.–bZz.zZz.Z.zz.Z...
Aya's Point of View
**
Morning!
BINABASA MO ANG
That Girl Is Mine (COMPLETED)
RomanceKwento ng babaeng papasok sa isang eskwelahan na merong mga lalaking kilala, tinitilian, kinababaliwan na kung saan ang taong mga yun ay magkakaroon ng kaugnayan sa kanya. Gaganda nga ba ang pag aaral nya at magiging kilala rin? O makikilala lang s...