Chapter 49:

276 39 0
                                    

Jarren Point Of View

Sasakay na dapat ako sa likod kanina pero pinigilan ako ni Nash. "Dito ka na lang sa unahan umupo."anya kaya wala na akong nagawa. Tahimik lamang ang byahe pero bigla nya yung binasag ng magkatanong sya. "Umamin ka nga sakin."napalingon ako sa kanya sa sinabi nya. "May gusto ka rin kay Aya."nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Paano nya yun nalaman. Paanong--ganun ba ako ka caring kay Aya bilang kaibigan. Oo may gusto ako pero unti unti ko ng natatanggap na kaibigan nya lang ako.

"Oo. May gusto rin ako sa kanya."direkta kong sagot na nakatingin lang sa malayo. "Noon!"dagdag ko at naramdaman ko na nilingon nya ako.

"Hmm. Bakit noon? Ibig sabihin wala ka ng feelings ngayun? Umamin ka na ba?"

"Umamin na ako. At magkaibigan lang talaga kami."sagot ko sa kanya. "Eh Ikaw. Umamin ka na?"nilingon ko sya at nakangiti sya habang nagmamaneho.

"Oo. Noon pa, kaso mas pinili nya si Jiro. For the first time na mafriendzone ako. Siguro mahal nya talaga yung lokong yun."anya na bumalik ng tingin sa daan. Nag alinlangan tuloy akong umamin kay Aya. "Matino naman si Jiro eh. Sigurado akong hindi nya sasaktan si Aya."anya at napangiti naman ako sa sinabi nya.

Tahimik lang ang byahe namin. Naisip ko na dumaan sa isang grocery store para mamili narin ng kailangan ko. "Dito nalang ako."nahinto sya at napatingin sakin.

"Mag aano ka dyan?"anya na napasulyap sa store. "Hindi ba at malapit ang bahay mo kay Aya?"dagdag pa nya.

"May bibilhin din kasi ako eh. Mauna ka na. Salamat."

"Okay."wala sa sariling sambit nya. "S-sya nga pala, Jarren."nahinto ako sa pagtawag nya sakin. Kinunutan ko lang sya ng noo. "Huwag mong sasabihin kay Jiro yung napag usapan natin ah."

"Bakit naman hindi?"kunot noong tanong ko.

"Basta. Ayaw ko lang maging confident sya na sya talaga ang mahal ni Aya. Na mas pinili sya ni Aya kesa sakin."

"So ayaw mong isipin ni Jiro na natalo ka nya, ganun ba?"napangiti naman sya dahil mukhang yun na nga ang sagot. "Sige. Hindi ko sasabihin. Ayaw ko ring lumaki ang ulo ng lalaking yun."

"Hehe, Sige, may pupuntahan parin pala ako."

"Saan ka pa pupunta? Ang lalim na ng gabi ah?"

"Sa bar. Maraming nag aantay saking girls dun haha."anya na mahinang natawa.

"Loko. Tama lang na nafriendzone ka ni Aya, masyado kang babaero."

"Tsk tsk. Hindi ko ipagsisiksikan ang sarili ko sa taong iba naman ang gusto. Kaya ikaw, humanap ka nalang ng iba huh. Geh bye."

"S-sige salamat."sagot ko at isinara na nya ang bintana ng kotse. Naglakad na ako papasok sa store at namili ng kelangan ko. Instant noodles, kape, de lata at iba pang kelangan sa bahay. Lumabas ako bitbit ang isang paper bag. Naghahanap ako ng masasakyan

"Tsk tsk. Hindi ko ipagsisiksikan ang sarili ko sa taong iba naman ang gusto. Kaya ikaw, humanap ka nalang ng iba huh

Nanumbalik sa isip ko yung sinabi sakin ni Nash. Hindi ko pa nga naaamin kay Aya yung feelings ko, tapos maghahanap na agad ako. Pero posible rin siguro akong nafriendzone. Kasi si Nash nga na crush ni Aya, busted eh. Ako pa kaya. Mukhang kelangan ko na nga lang maghanap ng iba.

"Eh kaso sino namang babae ang available na magugustuhan ko."

***Beep!

"Ano bang--"nahinto ako sa pagsasalita nung makita ko kung sino ang nasa loob ng kotse na yun. Si Natalie kumakaway sya sakin kaya naman lumapit ako sa kanya at binuksan nya naman ang bintana ng kotse nya."Natalie, bakit?"

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon