Jiro Point of ViewNasa ganun akong posisyon nung maramdaman ko na naman ang pag galaw ni Aya. "Argh! Aya wag please.."bulong ko na hawak parin ang kamay nya.
"Hmm!"ungol ni Aya na kumawala sa mga kamay ko at hindi ko na naman yun napigilan pa. Pumikit pa ako dahil baka kung ano na ang gawin nya pero nung idilat ko ang mata ko ay nakabiling lang sya sa kabila na kung saan matatalikuran nya ako.
Nakahinga ako ng maluwag pero hindi parin ako dun nakumbinsi kaya nag isip ako ng paraan para maalis ang pagka init ng katawan nya. Pumunta ako sa kusina nya at kumuha ng mainit na tubig at inilagay yun sa maliit na palanggana na may bimpo.
Ipinahid ko iyon sa braso at mukha ni Aya. Nagdadalawang isip pa nga ako kung buong katawan ba ang kailangan kong punasan sa kanya pero napagpasyahan ko narin na punasan sya pero hindi sa mga pribado o maseselan ng bahagi ng kanyang katawan.
Matapos kong punasan ang ulo at mukha nya ay isinunod ko na ang leeg at batok nya. Alam kong hindi ko ito dapat ginagawa pero may parte ko na naawa at naguguilty sa ginawa ko sa kanya.
Nakita kong may sando syang doble kaya sya naiinitan kaya naman nanginginig na tinanggal ko ang damit nya. Pinunasan ko pa ang ilang bahagi ng katawan nya at maging ang maputi nyang balikat.
Naisip kong isunod na tanggalin ay ang pantalon nya pero natatakot ako na baka nakapanty lang sya o walang suot na doble. Napapalunok akong lumapit sa kanya at dahan dahan kong inilapit ang kamay ko pero huminto ako.
"Whooh!"buntong hininga ko ng malakas at saka ko tinanggal ang t-shirt at jacket kong suot. Nakahubad ako at pawis pawisan kaya naman ipinunas ko ang t-shirt ko sa mukha ko.
Nakita ko na naman ang pag galaw nya at ngayun ay nakatihaya na sya habang nakadipa ang dalawang kamay. Nagpunas ulit ako ng pawis sa mukha bago muling lumapit sa kanya.
Dahan dahan ko ng hinihikit ang pantalon nya at nasa kalahatian na ako at kita ko na ang short nya ay sya namang biglang may tumawag mula sa labas ng bahay ni Aya.
"Aya!"tawag ng isang pamilyar na boses na agad kong nilingon. "Aya. Aya andyan ka ba?"tanong nito mula sa labas na kumakatok pa. Bumalik ako ng tingin kay Aya.
'Si Jarren!? Bad timing!'
d⊙_⊙b
"WHAahh!"isang maikling sigaw ni Aya pero sobrang lakas nito na sinabayan pa ng pagpapakawala ng flying kick.
'(*0*)′
"Ahh! What the f*ck!" Agad akong umatras sa kanya at mabilis na naglulundag sa sahig matapos nyang sipain ang future ko. Sobrang sakit at parang gusto kong mabara sa sahig pero nilabanan ko iyon. Nung medyo nawala na ang kirot ay sinulyapan ko sya at nakita ko syang tulog parin.
"Aya!?"tawag na naman ni Jarren mula sa labas. "Anong nangyayari sayo dyan? Aya! buksan mo 'to."may bahid ng pag aalala sa tono nya pero hindi ko parin yun pinansin at pinagmasdan pa si Aya.
'Anong klaseng tao ba 'to. Bigla nalang mumulat para lang magpakawala ng isang malakas na sipa! At talagang sa parteng iniingatan ko pa!'
Naalala ko ang sinasabi sakin ng Papa nya nung bago pa lamang kami aalis sa bahay nila. Nasa loob pa nun si Aya at nag aayos samantalang ako at ang Papa nya ay nasa labas at nag aantay.
"Iho! Ingatan mo ang anak ko huh. Wag mo syang pababayaan doon."anya na ipinatong pa ang kamay sa kanang balikat ko. "Isa ka na rin sa pinagkakatiwalaan ko, at sana ay wag mo syang saktan o iiwan." Napalunok ako at hindi nakasagot sa sinabi nya. "Saka kapag may sakit sya, alagaan mo. Bilang isang boyfriend dapat inaalagaan mo sya. Saka wag na wag mo yang papainumin ng marami, masama yang malasing kasi kahit tulog kung ano ano ang pinagsasasabi nya, minsan nga ay naninipa o nanununtok pa yan."natatawang kwento sakin ng Papa nya at napangiti rin naman ako dun.
BINABASA MO ANG
That Girl Is Mine (COMPLETED)
RomanceKwento ng babaeng papasok sa isang eskwelahan na merong mga lalaking kilala, tinitilian, kinababaliwan na kung saan ang taong mga yun ay magkakaroon ng kaugnayan sa kanya. Gaganda nga ba ang pag aaral nya at magiging kilala rin? O makikilala lang s...