Chapter 11: Harana

326 38 0
                                    

Aya's Point of View

Kadadating ko lang sa may bahay namin. At pagkapasok ko sa pintuan ay bumungad agad sakin ang mukha ni Papa na nakaupo sa aming simpleng sofa.

Pumasok na ako ng tuluyan. "Papa!"sigaw ko sa kanya na nakahaya pa ang nakabukang kamay para yumakap sa kanya pero imbis na matuwa sya ay bigla syang nagulat sa pagdating ko.

"Anong Papa?"natigilan ako at nawala sa labi ko ang malaking ngiti. "Sino ka bang bata ka at napadpad ka dito sa bahay ko?"tanong nya sakin na hindi parin tumatayo sa kinauupuan nya.

'Gaano ba ako kaganda at parang hindi na ako nila nakikilala? Mukha ba akong nagpaplastic surgery? Ganun ba kakapal ang make up ko para di nya ko makilala!?'

"Papa naman!"singhal ko sa kanya. "Ako po ang nag iisa nyong pinakamagandang anak!" sabi ko sa kanya na taas noong humarap sa kanya. Kinunutan nya naman ako ng noo.

"Hindi naman ako nagloko sa asawa ko."anya saka umiwas sakin ng tingin. "Wala akong matandaan na may anak ako sa labas."napapaisip pa na anya na tumayo sa kinatatayuan nya saka dahan dahang lumapit sakin. "Aya?"patanong na anya na halatang hindi pa sigurado.

"Hay naku papa. Ako nga po ito. Si Aya!"pagpapakilala ko ng nakabungisngis.

"A-aya? Malabong mangyari--"sinuri nya ang kabuuan ko. "Iba yung itsura nung Aya ko. Mahaba ang buhok at palaging mahahaba ang suot." nginusuan ko na lamang sya.

"Ewan ko sayo Papa. Bahala ka dyan."sabi ko sa kanya na aaktong papasok na sa kwarto ko.

"Hoy!"sigaw nya sakin na syang kinagulat ko. Napahawak pa ako sa dibdib ko sa gulat sa kalakasan ng malagong nitong boses.

"Papa!"sigaw ko rin sa kanya. "Wag nga kayong manigaw."inis na asik ko dito. "Pag ako nagkasakit sa puso--"nakangusong sabi ko dito.

"I-ikaw nga ang anak ko!"anya na mabilis na lumapit sakin at yumakap. "Ang nag iisa kong anak na maganda! Anong nangyari sayo?"tanong nya nung bumitaw na sa pagkakayakap sakin.

"Hay naku Papa. Masyadong mahabang istorya."sabi ko na saka bahagyang lumayo at nagflip pa ng buhok.

"Ah ganun ba. Eh kamusta naman ang pag aaral mo dun?"tanong nito na tinitingnan parin ang itsura ko. "Baka naman parati ka nalang late sa klase mo."anya na kinasama ng mukha ko.

"Hindi, Papa."sabi ko saka umangkla sa braso nya. "Kaso palagi akong nagkakaproblema sa pagluluto ko."malungkot at nakasimangot kong sabi sa kanya.

"Sinabi ko naman kasi sayo na mag aral ka ng magluto eh. Oh ngayun ka."sumbat nya sakin. "Binibisita ka ba dun ni Jarren?"tanong nya sakin.

Natahimik ako sa sinabi nyang yun. Kasi naalala ko yung parang cold na pakikitungo sakin ni Jarren. Ang huli naming pag uusap ay nung uwian pa yata. Tapos hindi pa naging maganda kasi dumating si Nash kaya sya umalis.

"Nung nakaraan po. Bumisita sya."malungkot na sabi ko. "Kaso ngayun bihira na."sabi ko na naglakad papasok sa kwarto ko at naupo sa kama. Sumunod naman sakin dun si Papa.

"Oh bakit naman? Magkagalit ba kayong dalawa?"tanong nya na lumapit sakin saka naupo sa tabi ko.

"Hindi naman po ganun. Parang meron lang po kaming misunderstanding."napabuntong hininga ako. "Hindi na po kasi kami gaanong nagkakausap."sagot ko sa kanya. "Syanga pala Papa. Ano bang ulam?"baling ko sa kanya.

"Ay naku. Naubos na yung ulam kanina. Gusto mo ba ng tuyo?"tanong nya sakin.

Tuyo(tinuyong isda)

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon