Aya's Point of View
"Excuse me Ma'am."sumulyap sya sakin. "Punta ako sa inyo mamaya."naglakad sya at lumabas ng room namin pero wala man lang sinabi si ma'am.
'Baliw na ba yun. Hindi man lang nahiya. Bakit hindi sya pinagalitan ni ma'am? Abnormal yun ah.'
Nagsimula na si Ma'am sa pag di-discuss. Minsan sumusulyap ako sa labas, baka kasi pumasok pa ang baliw na yun.'Abnormal, talaga!'
Nakakabwesit lang na sya pala ang dahilan kung bakit ako napalipat sa Class B. Nakakainis, kahit kelan ay ginugulo nya ang buhay ko.
d>>_<<b
Ibinalik na lang ni ma'am ang atensyon nya samin. "Class. Meron kayong ibat ibang subject at sa tingin ko naman ay alam nyo na ang mga iyon. Parehas lang naman sa iba pang grade level pero medyo challenging syempre ang grade 10."
Nagtuloy lang si ma'am sa pagpapaliwanag ng mga tungkol sa mga gawain namin. Tungkol sa ibat ibang subject at subject teacher namin. Matapos nyang magkwento ay sinimulan nya ng ibahagi ang mga topic namin sa Filipino.
Discuss
Discuss
Break
Discuss
Uwian na pero hindi man lang bumalik si Jiro. "Ano yun? Bakit hindi na sya bumalik?"tanong ko sa sarili ko. Ipinagpatuloy ko nalang ang pagsisilid ng mga gamit ko sa bag saka mabilis na lumabas ng room at naglakad papalabas ng school.
Naglakad na ako pauwi ng may biglang may bumusinang kotse sa tabi ko. Binuksan nya ang bintana ng kotse nya.
"N-Nash!"tawag ko sa pangalan nya na ngiting ngiti. Lumapit ako sa kotse nya.
"Tayo na!"yaya nya sakin.
"Huh? T-tayo na?"parang may gusto akong ibig sabihin sa sinabi nya pero pinilit kong alisin sa isip ko. "Eh..S-Saan tayo pupunta?"nauutal kong tanong sa kanya.
"Basta, alam kung magugustuhan mo yun."sabi nya ng nakangiti sabay tango.
"Shean nga?"malambing kong pamimilit sa kanya.
"Basta. Sumakay ka nalang."anya na ini-start ang kotse. Pumunta ako dun sa kabila at sumakay sa passenger seat.
"Ready ka na?"tanong nya na sumulyap pa sa akin.
"Oo!" excited na sagot ko. Nagsimula na syang magmaneho papunta kung saan man nya ko dalahin.
Jiro's Point of View
Naglibot ako sa Mall matapos kung mag coffee. Pagkauwi ko ay nagkulong ako sa kwarto. Nahiga ako sa kama at nagsuot ng headphone.
Ilang minuto akong ganun bago maisipang magshower. Nagbihis ako at nagpaalam kay Yaya na aalis.
Nag alis daw si Mommy sabi sakin ni Yaya para makipagkita sa isa sa kaibigan nya para lumabas. Si Daddy naman ay nasa state para asikasuhin yung business nya dun.
Mabilis kong pinaandar ang kotse ko papunta sa bahay ni Aya. Habang nagmamaneho ay naisipan kong magplay ng music. Sinaklang ko ang isang cd player na rock music. Kalmado akong nagmamaneho at pasulyap sulyap sa rear mirror.
Pagkadating ko sa tapat ng bahay niya ay agad akong bumusina. Pero nakakatatlong busina na ako ay wala paring lumalabas ng bahay nya.
Naisipan kong lumabas at tawagin sya. "Aya! Aya!"tawag ko sa kanya habang nakahawak sa maliit na gate nya. "Aya?"wala paring sumagot."Wala yatang tao."bulong ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
That Girl Is Mine (COMPLETED)
RomanceKwento ng babaeng papasok sa isang eskwelahan na merong mga lalaking kilala, tinitilian, kinababaliwan na kung saan ang taong mga yun ay magkakaroon ng kaugnayan sa kanya. Gaganda nga ba ang pag aaral nya at magiging kilala rin? O makikilala lang s...