Chapter 24: Buko

310 37 1
                                    

Jiro Point of View

Matapos ang halos maubos na niluto kong pasta ay nag yaya na si Aya na magpunta na sa Papa nya. Nagbihis lamang sya at saka mabilis na kaming umalis.

Tahimik lang sya sa tabi ko. "A-ano bang ipapagawa mo sakin dun?"pagbubukas ko sa usapan pero sumulyap lang sya sakin saka tumingin sa malayo.

"Basta. Doon mo na lang malalaman."anya saka kinuha sa maliit nyang bag ang earphone saka pi-nlug sa phone nyang may music saka isuksok yun sa tenga nya. Bahagya pa syang  umayos ng pagkakaupo saka isinandal ang ulo nya sa likod ng inuupuan nya.

Habang nagmamaneho ako ay hindi ko maiwasan ang mapatingin tingin sa kanya. May isang beses pa na natulala ako sa kanya ng todo kaya naman muntik pa akong makabangga.

'What the heck I think I doing. Bakit ba ako nadidistract sa kanya. Wag kang kung saan saan tumitingin Jiro, magfocus ka lang sa pagmamaneho mo okay!?'

Nagbuntong hininga ako at pinilit na umiwas ng tingin sa nakapikit na si Aya. Ilang minuto lang ay narating na namin ang bahay nila. Nung i-park ko ang kotse ko ay saka ko lang nilingon si Aya.

'Nakatulog sya? Ang cute nyang matulog'

d-_-b

'Ano bang nangyayari sakin? Bakit ako nagkakaganito!?'

Napahinto ako sa pag iisip nung kumibot ng bahagya ang labi nya. Hindi ko alam kung bakit biglang napako ang paningin ko sa mga labi nyang yun. Hindi ko alam ang ginagawa ko kasi bigla nalang kusang gumagalaw ang mukha kong ito na unti unting lumalapit sa kanya.

Nung napakalapit ko na sa mukha nya ay nararamdaman ko ang bawat paghingang ginagawa nya. Sunod sunod ang ginawa kong paglunok dahil namamawis na ako sa sobrang kaba, bago tuluyang ilapit ang labi ko sa kanya ay biglang nahinto iyon dahil sa katok na nagmula sa bintana ng kotse ko.

Mabilis akong umayos ng upo at umiwas ng tingin sa kanya. Pinagmukha kong abala ang sarili ko na animoy may inaayos sa may ilalim nung manubela. Humarap ako sa kanya na animoy nagulat. "Oh. Gising ka na pala. Andito na tayo."nakita ko pa ang pag uunat nya ng balakang nya bago lumabas ng kotse.

Napakagat labi naman ako dahil sa pagkaputol nung eksenang paghalik ko sa kanya. Bumaba ako ng kotse na para lang walang nangyari.

"Papa!"masayang bungad agad ni Aya nung makita ang Papa nya sa harap ng kotse ko. "Namiss ko kayo!"anya saka yumakap dun.

Sumulyap naman sakin ang Papa nya ng tingin. "Kumusta Iho. Bakit nga pala napunta kayo dito?"anya nakumalas sa pagkakayakap nila. "Hindi ba at may pasok na kayo bukas?"

Ngumiti lang ako sa Papa nya at hinayaang sya nalang ang magsalita. "Namiss ko lang po talaga kayo,Papa. Bakit bawal na po ba akong bumalik dito ng madalas?"nakangusong tanong nya sa Papa nya.

"Ay hindi naman sa ganun, nakakapanibago lang. Ay sige na, pumasok na kayo rito sa loob."anya na nagpaunang pumasok dun. Naupo kami ni Aya sa medyo malaking couch at dun sa isang single na upuan naman ang Papa nya. "Hindi mo naman ba pinapagod ang anak ko, iho?"tanong ng Papa nya sakin.

"Papa talaga!"nakabusangot na asik ni Aya. "Hindi nya ako papagodin kasi ang mismo ang papagod sa kanya."anya na sumulyap sakin. Tumayo sya sa pagkakaupo nya. "Magbihis ka na at may pupuntahan pa tayo."anya na pumunta sa kusina nila.

"Saan naman?"kunot noong tanong ko sa kanya.

"Basta!"anya na pumasok naman sa loob ng kwarto nya.

Bumaling ako ng tingin sa Papa nya at nakita kong ngiting ngiting nakatitig ito sakin kaya naman nakaramdam ako nagpagkahiya. "Ilang taon ka na ba Iho?"tanong nito sakin.

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon