Chapter 30:

331 37 0
                                    


Aya Point of View

Naglalakad ako papunta sa building namin ng punong puno ng tanong ang isip ko. "Nakakainis naman. Kailangan kong maging sunod sunudan sa kanya sa loob ng isang linggo."bulong ko habang naglalakad sa hagdan.

Pagkaakyat ko doon ay tumabad agad sa harap ko si Jarren. "Oh Jarren."bahagya pa syang nagulat kasi hindi nya ako napansin. Nasa gilid ng labas sya ng classroom nila at nakapamulsa. "Anong ginagawa mo dyan?"tanong ko sa kanya.

"Ah. Hinihintay kasi kita?"sagot nya. "Bagay sayo yang suot mong uniform."nakangiting sabi nya kaya tiningnan ko rin yun.

"Talaga ba, hindi naman."sabi ko saka tiningnan rin sya. "Sayo rin. Bagay sayo yang uniform dito."papuri ko rin sa kanya. "Bakit? May kailangan ka ba?tanong ko. "Meron bang problema?"nakangusong dagdag ko pa.

"Wala. Meron lang sana akong sasabihin sayo."anya na humawak sa batok nya.

"Ano naman yun?"

"Kasi Aya---"

"Aya!"naputol ang sinabi ni Jarren dahil sa tawag ni Jiro na mabilis umakyat papalapit sa amin. "Anong ginagawa mo pa dito?"tanong nya sakin. "Hindi ba at sinabi ko na pumasok ka na sa room! Pasok na."

"Sandali. May sinasabi pa sakin si Jarren eh. Mauna ka na dun at susunod ako."sabi ko sa kanya at humarap kay Jarren. "Ano ba yun Jarren?"tanong ko sa kanya.

Nakita kong nagsulyapan pa silang dalawa sa isat isa saka bumaling sakin ng tingin si Jarren. "Ah wala. Next time nalang."anya na ngumiti pa. "Hindi naman yun importante--"

"Oh hindi naman pala yun importante eh."sabat ni Jiro kaya nahinto ang sunod na sasabihin ni Jarren. "Pumasok ka na, mali-late ka na naman sa susunod na subject!"anya kaya naman wala na akong nagawa.

Lumingon pa ako kay Jarren habang naglalalakad. "Sabay tayo pagkain mamaya huh!"sabi ko sa kanya na isininyas pa ang pagsubo ng kamay sa bibig ko. Tumango lang naman sya at idiniretso ko na ang tingin ko sa hallway.

Jiro Point of View

Naglalakad ako papaakyat sa second floor ng building namin nung matanaw ko agad sila Aya at Jarren sa taas na nag uusap.

'Hindi pwede!'

"Aya!"tawag ko sa kanya kaya naman napansin ko na nahinto si Jarren sa pinagsasasabi nya. Mabilis akong umakyat papalapit sa kanilang dalawa. "Anong ginagawa mo pa dito?"tanong ko kay Aya. "Hindi ba at sinabi ko na pumasok ka na sa classroom natin!? Pasok na."utos ko sa kanya.

"Sandali. May sinasabi pa sakin si Jarren eh. Mauna ka na dun at susunod ako."sagot naman nya. "Ano ba yun Jarren?"tanong nya dito.

Nagtitigan kaming dalawa ni Jarren. Sinamaan ko sya ng tingin ng may pagbabanta. "Ah wala. Next time nalang."anya na ngumiti pa. "Hindi naman yun importante--"

"Oh hindi naman pala yun importante eh."sabat ko kaya nahinto ang sunod na sasabihin ni Jarren. "Pumasok ka na, mali-late ka na naman sa susunod na subject!"sabi ko sa kanya na itinulak pa ng bahagya.

Wala na syang nagawa kundi sumama at habang naglalakad kami ay nilingon pa nya si Jarren at sinabing magsabay daw sila mamayang kumain. Pumasok na kami sa room namin at andun na nga ang teacher namin sa Science.

Discuss

Discuss

Discuss

"Class tomorrow we have a quiz. So mag review kayo!"anya na tumayo sa kinauupuan nya. "Okay class, dismiss!"anya saka lumabas ng room namin.

Lunch

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon