Nash Point of View
Nasa bahay ako nang bigla akong tawagan ng mga kaibigan ko. Gabi na at katatapos ko lang magshower nung tumawag sya.
"Bro? Zupp! Anong meron?"tanong ko agad matapos sagutin ang tawag nya. Hinawakan ng kaliwa kong kamay ang towalyang nakapulupot sa bewang ko at ang kanang kamay naman ay nakalapit sa tenga ko hawak ang cellphone.
"Do you want to join us, bro?"tanong ni Miguel sa kabilang linya. "We're here, sa bar! Andaming chicks bro!"may pagkaexcited pang tonong anya.
"Haha babaero!"lumapit ako sa cabinet ko at binuksan iyon saka tumingin ng isusuot. "Ngayun na ba talaga yan?"tanong ko.
"Oh come on Nash Tuazon! Kilala kita, bilisan mo dyan, hintayin ka namin dito."
"Haha sige, give me 20 minutes. Bye!"pagkasabi ko nun ay agad ko ng pinutol ang linya at mabilis na kinuha ang natipuhan kong isuot. Matapos nun ay agad akong bumaba at inilabas ang kotse. Ipinasara ko rin sa guard namin ang gate saka ako nagmaneho papalayo.
Masyado naring malalim sa gabi, wala na akong gaanong makitang tao sa paligid na naglalakad, bihira narin ang sasakyan na nakakasalubong ko. Tahimik kong sinusuyod ang kalsada nang may isang tinig ang pumasok sa tenga ko.
"Tulonggg!"
Nagdalawang isip akong balikan pa ang nagmamay ari ng boses na yun, pero paulit ulit na bumabalik sa utak ko ang boses na yun, nasisiguro kong makokonsensya ako sa oras na hindi ko iyon binalikan. Ayaw ko na ng gulo, pero bakit yung gulo pa yata ang lumalapit sakin! Aishh, may pupuntahan pa ako eh! Sige na nga! Mabilis akong nag U-turn saka bumalik kung saan ko narinig ang tinig.
Ipinara ko ang sasakyan sa tabi dahil hindi ko na naman pwedeng ipasok iyon sa loob. Masyadong makipot ang daan at nasisiguro kong hindi doon kasya ang sasakyan ko. Naglakad na ako at sa di kalayuan ay natanaw ko na ang tatlong lalaking nasa harapan ng isang babaeng nakaupo sa simento.
Naglakad ako papalapit at narinig ko na ang mahinang pag iyak ng babae. Nakita ko ang pag upo ng dalawang lalaki para kausapin ang babae. Hindi nila napapansin ang paglapit ko dahil nasa babaeng iyon ang mga atensyon nila na akala mo ay gutom na gutom.
"Sshh,tahan na."sabi ng isa na nakaupo.
"Wag ka ng umiyak,hahhahaha"tawa naman ng isang nakatayo.
"Paligayahin mo lang kami."bulong naman ng isa na malapit na ang mukha sa tenga ng babae.
"BITAWAN nyo sya!"sigaw ko at natigilan naman ang tatlo. Nilingon ako ng mga iyon at tinitigan, hindi sila gumawa ng aksyon kaya naman kalmado akong lumapit sa kanila. "Ang sabi ko, bitawan nyo sya!"mas inilakas ko pa ang boses ko kahit malapit na ako sa kanila, sinusubukan kong sindakin sila gamit lang ang boses ko pero ngumisi lang ang isa.
"At sino ka naman sa inaakala mo?"tanong ng nakatayong lalaki sa harapan nung babae na nakangisi man ay makikita ang pagpipigil ng inis.
"Pakakawalan nyo sya, o papatayin ko kayo?"madiin ang pagbabanta ko, sinusubukan paring sindakin sila pero mukhang walang mangyayare. Nagtitigan kami ng lalaking nakatayo at ako na ang kusang bumitaw sa titigang iyon nang makuha ng babae ang atensyon ko. Dahan dahan syang gumagalaw papaharap sa akin. At nang tuluyan na nga syang humarap ay nanlaki agad ang mata ko. "Aya!"bulalas ko sa pangalan nya. Hindi ako makapaniwalang sya yun, tinitigan ko pa syang mabuti at nasisiguro kong sya nga iyon. Pero anong ginagawa mo dito Aya!? Masyado ng gabi para maglakad ng mag isa sa ganitong lugar! bulong ko sa isip ko habang nakatitig kay Aya na mahahalataang pagod na pagod na dahil sa nanlalatang balikat at namumugtong mata.
Agad na nagtiim ang mga bagang ko nung lingunin ko ang mga lalaki. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis na naglakad papalapit sa mga lalaki. Nagkasuntukan hanggang mapatumba ko silang tatlo saka mabilis na lumapit kay Aya.
BINABASA MO ANG
That Girl Is Mine (COMPLETED)
RomanceKwento ng babaeng papasok sa isang eskwelahan na merong mga lalaking kilala, tinitilian, kinababaliwan na kung saan ang taong mga yun ay magkakaroon ng kaugnayan sa kanya. Gaganda nga ba ang pag aaral nya at magiging kilala rin? O makikilala lang s...