Aya Point of View"S-Sandali lang ah. Hindi kita maintindihan kanina pa eh. Ikaw si Sophia? Yung kasama ni Nash sa Bar?"nagtango naman ito. "Eh bakit ka nagagalit sakin? Anong--anong two timer ang pinagsasasabi mo?"
"Hindi ba yan yang ginagawa mo?"singit naman nung isa sa kasama nya.
"Anong yan?"
"Nakikipag date ka kay Jiro, pero may boyfriend ka, at si Nash yun, Diba Sophia?"sabi pa nung isa.
"Anong boyfriend ang pinagsasasabi nyo? Hindi ko bf si Nash. Kaibigan ko lang sya."paglilinaw ko. "At si Jiro, sya yung boyfriend ko."dagdag ko pa.
"
Nilingon naman nila si Sophia. "Ansabi mo, mahal ni Nash si Aya?"tanong ng isa sa kaibigan nya.Ngumuso naman si Sophia. "Oo nga, pero wala akong sinabing girlfriend sya ni Nash. Kayo lang itong bigla bilang sumugod."dagdag pa nya.
"Bakit hindi mo kami pinigilan?"
"Anong pipigilan, sinasabi ko lang sa inyo kanina, tapos bigla nalang kayong tumatayo dyan saka susugod, nakakahiya kayo." Napatawa naman ako sa pagtatalo nila.
"A-Aya. Sorry."sabi nung isa na nagpeace sign pa. "By the way, I am Mae."anya na nakipagshake hand sakin.
"Sorry din, protective lang kami sa mahal nya, Steff"sabi naman nung isa na nilahad ang kamay sakin.
"Ibig sabihin, gusto mo pala si Nash?"tanong ko kay Sophia.
"Hoy, wala akong sinasabing ganyan ah."pagtatanggi agad ni Sophia, ang ganda nya, mahinhing babae.
"Ay sus. Sorry din pala, Shiela nga pala."
"Pagpasensyahan mona sana ang padalusdalos ng mga kaibigan ko ah, may pagka abnormal kasi sila, Sarah."anya at natawa naman ako, nakipagshake hand din sya sakin.
"Sorry din Aya ah.. Sana maging friend tayo."sabi naman ni Sophia at aaminin kong ang gaan gaan ng loob ko sa kanya, ang hinhin kasi nyang magsalita, babaeng babae.
"Ayos lang yun, pwede naman tayong maging magkaibigan. Kukwentuhan kita tungkol kay Nash."
"Talaga?"excited na tanong ni Sophia.
"Ayunnn..Kanina lang nagseselos ka, Sophia."sabi ni Steff.
"Anong sinasabi nyo dyan, kayo nga dyan ang sumusugod nalang kay Aya."sabi ni Sophia.
"Hindi ako ah, si Mae."
"Hoy hindi ako!"natawa nalang ako kasi nagturuan pa sila at halos umiikot lang kung sino nga ba ang nagsugod agad.
"Hoy!"agad sila Mae na napahinto sa boses na tumawag mula sa likod. Nakita ko sa mukha ng tatlong si Mae, Steff, at Shiela na nagpipigil sila ng ngiti, sa pagkakaalam ko kinikilig sila. "Anong ginagawa nyo sa honeybee ko?"tanong ni Jiro sa kanila.
"Kyaaahhh ang sweet nya!"tili ni Shiela.
"Behh..ang gwapo nya."bulong ni Mae.
"Alam ko, pero tumigil ka, may gf na sya."bulong din naman sa kanya ni Steff habang nakalabas ang ngiping nakangiti kay Jiro.
"Anong ginagawa nyo dito?"tanong ni Jiro.
"Huh. Ako si Mae."sabi nito na nakangiti kay Jiro.
"S-Shiela."nahihiyang sabi naman nung isa.
"Tinatanong ba nya ang pangalan nyo?"singit naman ni Sarah pero napataas lang ang itaas na labi ng dalawa sa kanya.
"Ah Sila. Si Sophia, Mae, Steff, Shiela, at Sarah."pakilala ko kay Jiro at nagkawayan naman sila Mae at Shiela dito. "Mga kaibigan sila ni Nash, at..kaibigan ko narin."
BINABASA MO ANG
That Girl Is Mine (COMPLETED)
RomanceKwento ng babaeng papasok sa isang eskwelahan na merong mga lalaking kilala, tinitilian, kinababaliwan na kung saan ang taong mga yun ay magkakaroon ng kaugnayan sa kanya. Gaganda nga ba ang pag aaral nya at magiging kilala rin? O makikilala lang s...