Chapter 52:

269 39 0
                                    

Nash Point Of View

*BAR*

Nakaupo ako at umiinum ng wine. Maraming babae ang nasa paligid ko na patingin tingin sa akin,may nagpapapansin,yung iba ako ang pinag uusapan for sure,at yung iba pa..lumalapit sakin at nagpapakilala pero dahil friendly naman ako. Sige lang, ngingiti ako at pakikisamahan sila. Wala akong kasalanan kapag nafall sila, that's not my fault.

Sinulyapan ko ang phone ko at tiningan kong nagreply na ba si Aya pero wala parin. Halos madaling araw na. Naiwan ako dito ng mga barkada ko kasi nagsipag uwian na sila bitbit ang nahuli nilang mga babae. Siguro tulog na sila Aya. Magkasiping kaya silang dalawa? No way!

"Hayyy,bakit kasi di na sya nagreply. Kung kelan naman ako bumanat."bulong ko sa kawalan saka sumimsim ng wine.

Sobrang ingay dito sa Bar. Andaming babaeng nagkukumpulan at sumasayaw sa dance floor pero andito lang ako sa may upuan katabi ng bar tender. Nakaharap ako sa mga sumasayaw habang umiinom ng wine.

Habang umiinom ako ay may biglang nahuli ang mga mata ko. Babae. Napangisi ako ng makita kong nag iisa lang sya. Nakatayo sya sa dulo ng bar, medyo madilim sa bahaging iyon kaya hindi ko sya napansin kanina pero ngayung natapatan sya ng bahagya ng lights effect, nakita ko ang itsura nya. Pasado, I like it.

Naglakad ako papalapit sa kanya. Ang mga babaeng nadadaanan ko ay patuloy parin ang pagpapapansin sakin pero hindi man maalis ang tingin ko sa isang babae.

"Hi miss."bati ko sa kanya sabay ngiti. Kung titingnan mo ang itsura nya, mukhang naninibago sya sa lugar na toh, first time. Napangisi ako lalo. Inililibot kasi ng babaeng ito ang paningin nya dito sa loob ng Bar.

"Hello."mahinhin nyang sabi nung tumama na ang mata nya sakin. The heck, ang kalmado ng boses nya! Napalunok ako at nakaramdam ako ng bahagyang kaba nung masilayan ko na ng malapitan ang mukha nya. Lalo na nung ngumiti sya sakin.

"W-wow.. you're like a goddess."mahinang papuri ko sa kanya kasi hindi ko parin inaalis ang mata ko sa kanyang maamong mukha.

"Hehe,hindi naman."mahinhin na anya.

"Umm,Your name is?"

"Bakit?"nangingiting anya at talaga namang gusto akong tunawin ng ngiting yun. Shit! Anong nangyayare sakin!?

"G-gusto ko lang malaman."sagot ko. F*ck! Bakit ba ako nauutal sa kanya. "Ang ganda mo."bulalas ko nalang.

"Grabe sya..hindi naman."nahihiya pang anya.  What the--sa lahat ng babae na maganda na nakilala ko, sya lang yung hindi proud at pinagmamalaki ang Ganda nya. Ibang klase!

"By the way..,I'm Nash Tuazon."sabay kong abot ng kamay ko para makipagshake hand.

"Uhmm I'm Sophia,Sophie Mendez,nice to meet you."nakangiting anya.

"Nice to meet you too. BTW bago ka dito, right?"nakangiti ko ring tanong dito.

"Uhmm yeah,niyaya lang ako ng mga friends ko. Actually, this is my first time na makapunta sa bar." shit! It means, inosente sya..nice choice,Nash.

"So, bakit ka nag iisa ka,where is your friends?"kunot noong tanong ko habang hawak parin ang goblet ng may konte pang lamang wine.

"Uhmm sumasayaw sila dun."anya na itinuro pa ang dance floor. Sumulyap ako doon at nakita ko nga dun ang grupo ng kababaihan, hindi ko sure kung ilan dun ang kaibigan nya.

"So bakit andito ka lang, di ka jomoin sa kanila? Masamang mag isa dito,Sophia."

"Huh? Bakit naman?"natatawang anya pero sa mahinhing paraan. Grabe, sa sobrang hinhin nya parang hindi ito makabasag pinggan.

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon