Chapter 38:

302 37 0
                                    


Jiro Point of View

Umakyat ang init sa ulo ko dahil sa nakikita kong ginagawa ni Nash kay Aya. Kusang humakbang ang mga paa ko papalapit sa kanila. Agad kong sinamaan ng tingin si Nash pero nakakainsultong ngisi lang ang isinukli nya sakin. Inutusan ko si Keven na tanggalin na kay Aya ang suot nyang pakpak.

"Keven! Kunin mona yung pakpak na suot ni Aya."utos ko sa kanya habang na kay Nash parin ang paningin. Pagkatapos matanggal ni Keven ang pakpak ay nilingon ko na si Aya at walang tinginang hinikit ko sya papalayo sa kanila.

Nagliko kami ng daan saka ko sya binitawan sa hallway ng building ng grade 8. Humarap ako sa kanya at nakipaglaban ng tingin.

"Ano sa tingin mo yung ginagawa nya!?"inis na tanong ko. "Hindi mo ba yun napansin!? Inaakbayan ka na pero samantalang ikaw wala man lang kareareakyon!"

"Bakit masama ba yung ginawa nya?"

"Oo Aya! Masama!"nagpipigil ng inis na sabi ko sa kanya. Hindi ko alam pero hanggang ngayun ay mainit parin ang ulo ko.

'Ang alam ko lang naiinis ako sa ginawa ni Nash na pag akbay at yun ang nakakapagpaselos sakin! Gusto ko syang sapakin!'

"Pero wala akong nakikitang masama!Normal lang na kuhaan kami ng litrato kasi katatapos ng kompitesyon."paliwanag nya pero hindi nun napalamig ang ulo ko. "Oo sinusubukan ko syang iwasan pero may oras din naman na kinakailangang makisama ako sa kanya Jiro! Ano bang nangyayari sayo, masyado kang over magreact! Simpleng akbay lang nya nilalagyan mona agad ng meaning. Ang hirap sayo, daig mo pa ang boyfriend na  nagseselos!"sumbat nya sakin.

"Oo!"mataas na tonong boses ko. "Siguro nga, para na akong boyfriend mong seloso kasi parang yun narin yung nararamdaman ko!"

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ako nagagalit kasi lumalapit sya sayo. Kasi nagseselos ako!"nanlaki ang mata nya sa sinabi kong yun. "Nagseselos ako kasi may nararamdaman na ako para sayo!"dagdag ko pa.

"A-anong-- ano bang pinagsasasabi mo Jiro!"nalilitong anya. "Alam mo naman yung kasunduan natin diba. Alam mo yun!"anya kaya parang bumagsak ang balikat ko. "Alam mo naman na panggap lang ang lahat ng meron tayo! Nagpanggap ka lang para maipakitang nakamove on ka na at pumayag ako kasi gusto ko lang namang maka experience ng ganung pakiramdam ng may boyfriend, pero bakit naman-- bakit ka naman nagkaganyan!"

"Aya. Pwede naman nating--"

"Jiro!"madiing pagtawag nya sa pangalan ko na matutunugan ang pakikiusap kaya naman hindi ko naituloy ang sasabihin ko. "Tama na. Ayaw kong humaba pa ang usapan nating ito."anya saka ako tinalikuran at naglakad papalayo.

Parang piniga ang puso ko sa inasta nyang yun. May parte ko ang sobrang nasaktan nung talikuran nya ako. Sinundan ko pa sya ng tingin hanggang sa makaliko na sya. Namasa ang mata ko pero agad ko naman iyong pinahid ng kamay ko. Naglakad na ako papalabas ng hallway na yun nung may maramdaman akong kakaiba.

Dahan dahan akong naglakad para tingnan ang nasa gilid ng building na napansin ko. "Jiro!"tawag sakin ni Keven na ngayun ay kalalabas pa lamang ng covered court. "Tulungan mo nga ako."anya kaya hindi ko na nagawang tingnan pa yung napansin kong kakaiba.

Agad akong lumapit sa kanya at inalalayan ang pakpak na kanina ay pinatanggal ko sa kanya. Nung maayos na namin ang hawak ay sabay namin iyong binitbit papunta sa building namin.

Pagkatapos naming maibalik yun sa classroom ay nagpaalam narin ako kay Keven. "Sige bro. Aalis na ako."pilit na ngiti ang ipinakita ko sa kanya.

"Ah sige bro."anya na inaayos pa ang kanyang gamit. "Sya nga pala."anya na tumayo na bitbit ang kanyang bag. "Pupunta ka ba sa sayawan mamaya?"tanong nya kaya nilingon ko sya.

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon