Jiro Point of View
"Bakit naman ang tagal mong bumalik?"tanong ko kay Aya habang kasalukuyang kumukuha ng kanin. "Nakipagkwentuhan ka pa ba sa kanila?"
"Hindi."maikling sagot nya at nung lingunin ko sya ay meron syang hindi maipintang mukha kaya kumunot ang noo ko. "Makipagpatayan, muntik na."sambit nya kaya natigilan ako sa pagkuha ng kanin. At ang Papa naman nya ay natigilan sa pag nguya.
"Honeybabe, may problema ba."tanong ko sa kanya.
"Wala. Kumain ka nalang dyan."
"Nagseselos ka ba sa babaeng yun?"tanong ko sa kanya pero siniringan nya lang ako ng tingin. "Okay lang naman yun eh. Hindi po ba Papa?"nakangiting lingon ko sa Papa nya.
"Haha Oo nga naman anak, senyales yun na mahal mo talaga ang isang tao kapag nagseselos ka. Pero dapat nasa lugar ang pagseselos mo."nakitaan naman ng interes sa mukha ni Aya. "Kasi kapag wala sa lugar, at panay ka nalang pagseselos, posibleng masakal na sayo ang isang tao. Sa sobrang paghihinala mo, iisipin nila na wala ka sa kanilang tiwala."pagkatapos ng katagang binitawan ng Papa ni Aya ay umayos na kami ng pagkakaupo at nagtuloy na sa pagkain.
Habang kumakain kami ay biglang tumikhim ang Papa ni Aya saka umayos ng upo sa kanyang silya kaya naman nakuha nun ang atensyon namin ni Aya.
"Anak, may iba pa ba kayong gagawin?"seryosong tanong ng Papa nya.
"Plano po ni Jiro na manuod kami ng sine at mamasyal sa mall. Bakit po ba Papa?"nagtatakang tanong nito at inilapit naman ng Papa nya ang mukha samin.
"Baka gusto mong bumisita sa mama mo."nahinto si Aya sa pagkain nya at ganun rin ako. Ang pagkaka alam ko kasi ay patay na ang mama nya. "Maganda sana kung bukas para magkasabay na tayo, kaso may pasok ka naman. Mabuti pang ngayun ka nalang pumunta pagkatapos nyong manuod ng sine."seryosong paliwanag nito at halos hirap naman akong nilulunok ang pagkaing nasa bibig ko.
"Sige po Papa."tanging sagot naman ni Aya. Nagtuloy na ulit kami sa pagkain pero nabalot ng katahimikan ang hapag kainan. Ang kwento kasi sakin ni Aya ay namatay ang mama nya dahil sa sakim na doktor. Wala silang pera kaya hindi isinasagawa ang operasyon. At mas inuna pa ang isang mayamang pamilya. Nagpahinga lang kami ng sandali ni Aya sa sofa at nagpaalam narin sa Papa nya na aalis na kami.
"Papa. Mauuna na po kami."pilit na ngiting anya. "Mamaya na po kami pupunta sa puntod ni mama."dagdag pa nito na lumapit sa Papa nya at yumakap.
"Mag iingat kayo."sagot naman nito kay Aya habang nakayakap at hinihimas ang likod ni Aya. "Sabihin mo sa Mama mo, bukas pa ako makakadalaw sa kanya."pagkakalas ni Aya sa pagyakap sa Papa nya ay saka sya nagtatango at kitang kita ko sa mukha nya ang luha. Alam kong sobrang nasasaktan sya, ang hirap mawalan ng isang ina. Ang tanging magagawa ko lang ay i-comfort sya. "Oh sige na. Tama na ang drama mo."napapangiting sabi pa ng Papa nya. "Ang panget mong umiyak, para kang bata. Nakakahiya kay Jiro."natatawang dagdag pa nito.
"Papa naman ehhh."parang bata pang ani Aya at natatawa lang naman ang Papa nya at ganun rin naman ako. "Sige na. Aalis na po kami. Mag iingat ka dito ah. Tawagan nyo ko kung may problema."nagtango lang naman ito saka ngumiti. Lumabas na kami ng bahay nila at saka mabilis na sumakay ng kotse.
Naging tahimik ang byahe namin ni Aya. Tulala lang sya at wari ko ay malalim ang kanyang iniisip. "Gusto mo bang puntahan na mona natin ang mama mo?"pagbabasag ko sa katahimikan, bumaling naman sya ng tingin sakin at ako naman ay papalit palit lang ng tingin sa kanya at sa kalsada. "Mamaya nalang tayo manuod ng sine after nating i-visit ang mama mo?"dagdag ko pa. Bumuntong hininga sya at diretsong tumingin sa kalsadang tinutungo namin.
"Manuod na mona tayo. Mamaya na natin sya dalawin, bumili narin tayo ng bulaklak para sa kanya."matamlay nyang sagot.
"Sige, daan nalang tayo sa flower shop."sabi ko pero hindi na sya sumagot pa hanggang sa tahimik na nga lang naming marating ang mall na pununuuran namin ng sine.
BINABASA MO ANG
That Girl Is Mine (COMPLETED)
RomanceKwento ng babaeng papasok sa isang eskwelahan na merong mga lalaking kilala, tinitilian, kinababaliwan na kung saan ang taong mga yun ay magkakaroon ng kaugnayan sa kanya. Gaganda nga ba ang pag aaral nya at magiging kilala rin? O makikilala lang s...