Chapter 73

291 39 0
                                    

****

Nalaman ni Jarren na nagkaayos na ang dalawa ni Natalie at Aya na talaamga namang kinatuwa niya. Sinulyapan nya si Natalie pero napansin nyang umiiwas si Natalie sa kanya. Marahil nahihiya parin ito sa kanya.

Nagsimula na ang practice hanggang sa abutin na sila ng tanghalian. Sinabi ng teacher nilang si Sir. Patrick na dun narin maglulunch ang mga candidates at bawal ng kung saan pa pumunta dahil hindi parin nila gamay ang opening performance nila.

Kinakabahan na si Aya kung bakit lunch na ay hindi parin dumadating si Jiro. Habang kumakain ay hindi sya mapakali at mayat maya ang lingon sa kanyang paligid. Kapag may naramdaman syang naglalakad ay agad itong lilingon doon at inaakalang yung taong gusto nya na ng makita at makausap yun.

Natapos ang lunch break at pinagpahinga lang sandali ang mga candidates at sunod nun ay nagsimula na naman ang pagpapractice nila.

1:56pm

Wala pa ring Jiro na dumadating. Habang rumarampa si Aya sa stage ay tumitingin sya sa paligid. Halos hindi sya makapagconcentrate sa kanyang ginagawa kasi panay ang sulyap nya sa entrance ng activity center.

2:11pm..

Inaayusan na sila Aya. Kalapit nya si Natalie at ang iba pang mga candidates na babae. Ang mga lalaki naman ay nakasuot na ng pang opening performance nila. Halos hindi magkaigi ang nag aayos kay Aya kasi malikot ang ulo nito kakasulyap sa paligid at nagbabakasakaling humabol pa si Jiro.

"OMG!"mabilis na napabaling si Aya kay Natalie. Nakita nya itong gulat habang nakatingin sa kanyang phone. Nakaramdam ng kaba si Aya at parang ayaw nya itong tingnan. Iniharap ni Natalie ang phone sa kanya at nakita nya doon ang myday ni Jiro.

Parang huminto ang paligid ni Aya sa nakita nya. Napalunok sya at mukhang hindi nya kakayaning pigilin ang kanyang luha kaya mabilis lang lumabas.

"Excuse me."anya saka nagtago sa isang comfort room at nag iiyak sa isang cubicle. Hindi nya na inisip na masisira ang make-up nya. Wala syang magagawa kasi walang sawa ang mata nya sa pag iyak.

Nakita nya sa myday ni Jiro na papaalis ito papuntang states. At OTW sa airport ang nakalagay pa dun. Kinuha nya ang phone sa kanyang bulsa at sinubukang tawagan si Jiro pero nakaoff ang phone nito. Wala ng nagawa si Aya kundi tanggapin ang lahat. Lumabas sya at humarap sa salamin. Nakita nya ang sarili na tumatagas na ang make-up sa mukha. Mabilis syang naghilamos at tuluyan na ngang nabura ang make up na ginawa sa kanya.

"Nasaan si Aya?"tanong ni Jarren kay Natalie. Kasama nya si Nash na naghahanap rin dito.

"Umalis sya eh. Nung nakita yung myday ni Jiro."sagot ni Natalie dito.

"What do you mean. Wag mong sabihing--"naputol ang sasabihin ni Nash at mabilis na sanang tatakbo pero natigilan silang lahat nang lumabas si Aya sa isang banyo, di kalayuan sa kanilang pwesto.

Wala ng make up ang mukha nya at halatang halata talaga na kagagaling nya lang sa pag iyak. Nakaramdam ang tatlo ng awa para kay Aya kaya naman umisip sila ng paraan.

Lumapit sila kay Aya. "Ayos ka lang ba?"tanong dito ni Jarren. Matagal bago nakasagot si Aya kasi tulala sya.

"Hah? Ah okay na okay."yun man ang sabihin nya ay alam ng tatlo na hindi sya okay.

Naglayo saglit si Nash at sinubukang tawagan si Jiro pero gaya kanina ay nakapatay na ang phone nito. Hanggang sa nagsimula na ang event.

Wala ng oras para ayusan ulit si Aya kaya naman konteng foundation nalang sa mukha ang inilagay sa kanya. Ginawan rin ng paraan para hindi mapansin ang namumugto nyang mga mata.

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon