Jiro Point of View
Matapos ang palakpakan ay sinabi narin sa amin ang mga scores at kami nga ni Aya ang nanguna samatalang sila Natalie at Jarren naman ang sumunod.
"Congrats!"
"Ang galing nyong dalawa!"
"Bagay na bagay sila."
"Congrats Aya!"nakangiting lumapit si Jarren kay Aya saka niyakap ito. "Ang galing mo talaga!"nakabungisngis na anya.
"Haha ikaw talaga. Hindi naman, sakto lang hahah!"tawa nya at nakitawa din naman dun si Jarren.
'Bakit kailangan nya pang yakapin si Aya kung pwede namang kamayan nalang. Saka mukhang sya pa ang nanalo at tuwang tuwa pa.'
"Grabe ka talaga--"naputol yung sasabihin ni Jarren nung hilahin ko ang kamay ni Aya papalabas ng building na iyon.
"T-teka hoy!"hindi ako tumigil sa paglalakad habang hawak ang kamay nya. "Hoy teka. Hoy!"mataas na tonong saway nya sakin.
Huminto ako saka hinarap sya. "Bakit ba kailangan pa kayong magyakap!?"salubong na kilay na tanong ko sa kanya.
Napakunot noo naman sya. "Anong ibig mong sabihin? Wala namang malisya dun ah, kaibigan ko naman yun."nakangusong dahilan nya.
"Kahit na. Inuutusan kita na huwag kang masyadong maging sweet sa kanya!"
d0_ob --->>>Aya
d>>_<<b ---->>>Ako
"Ano bang-- kaibigan ko yun okay!"inis na ding anya. "Normal lang na maging sweet kami sa isat isa!"dagdag nya pa.
"Pero hindi sya ganun sayo noon!"natigilan naman sya sa sinabi kong yun. "May nangyari ba at biglang naging ganun kayo kasweet?"hindi ko maiwasang maitanong yun. Gusto kong malaman lahat.
"Umamin sya, masaya ka na?"sumbat nya sakin. "May gusto sakin ang kaibigan ko!"pagdidiin nya pa.
"Pero bakit naging baliktad pa yata ang nangyari, imbis na maawkward ka sa kanya ay bigla ka pang naging sweet! Bakit sinagot mo ba sya?"
'Hindi ko alam kung bakit ba ako nagkakaganito. Nagagalit ako kapag kasama nya si Jarren o Nash. Lalo na nagagawa pa nilang mapatawa si Aya! Nakakainis.'
Napamaang si Aya. "Ano naman kung naging sweet kami, wala kang paki alam kung anong relasyon ang meron kami. Saka bakit ka ba nagkakaganyan!?"natigilan ako sa tanong nyang yun.
'Bakit nga ba ako nagkakaganito Aya! Naguguluhan narin ako. Naiinis ako kapag kasama mo sya, nagagalit ako kapag napapatawa ka nya at nagseselos ako-- '
Natigilan ako sa isipin kong yun.
'Hindi! Hindi pwedeng mangyari yan Jiro! Naguguluhan ka lang ng nararamdaman. Hindi ka nagseselos!'
"Ano!?"inis na tanong nya na naghihintay ng sagot ko kaya bumalik ako sa ulirat. "Ahh sya nga pala. Kasi ayaw mong masira yung kasunduan natin. Ayaw mong masira ang image mo, napakaselfish mo!"pagkasabi nya nun ay tinalikuran nya ako. Sa sinabi nyang yun ay parang kinurot ang puso ko. May parte ko ang sobrang naapektuhan sa sinabi nyang yun. Nakatulala lang ako at pilit iniintindi ang mga sinabi nya.
'Ano ba kasi itong nararamdaman ko!? Ayaw ko lang ba talaga na masira ang image ko at ayaw malaman na panggap lang kami ni Aya kung sadyang naiinis ako kapag may kasama syang iba!?'
Gulong gulo ang utak ko na bumalik sa classroom. Binati ako ng mga kaklase ko nung pumasok ako sa loob pero parang hindi ko sila naririnig. Itinuon ko ang tingin ko kay Aya pero ilag sya sakin. Siguro nagalit sya sakin. Natapos ang klase na ganun parin sya, hindi man lang nya ako kinakausap.
BINABASA MO ANG
That Girl Is Mine (COMPLETED)
RomanceKwento ng babaeng papasok sa isang eskwelahan na merong mga lalaking kilala, tinitilian, kinababaliwan na kung saan ang taong mga yun ay magkakaroon ng kaugnayan sa kanya. Gaganda nga ba ang pag aaral nya at magiging kilala rin? O makikilala lang s...