******
Habang lumalapit si Jiro ay sya namang pagkataranta ni Aya kaya wala syang nagawa kundi ang umatras na lamang. Mukha syang tangang kung saan saan lumilingon na animo'y naghahanap ng malulusutan.
"H-hoy! Tumigil ka."utos ni Aya dito na nauutal pa habang tuloy lang sa pag atras pero hindi man lang natinag nun ang nanlilisik na tingin ni Jiro sa kanya. "B-babae ako! Wala akong laban sayo kaya wag na wag mo akong subukang saktan!"pahabol nya pa pero wala rin iyong nagawa.
Ngumisi naman si Jiro dito."At sino namang may sabi sayo na sasaktan kita."ang nanlilisik nyang mata ay biglang napalitan ng kakaibang tingin.
Ngumiti ito ng simple pero nanlaki ang mga mata ni Aya ng biglang kagatin ni Jiro ang pang ibabang labi nito na syang dahilan para mapalunok si Aya at makaisip ng posibleng masamang gawin ni Jiro sa kanya.
"Hoy! A-ano ba tumigil ka na,hindi na ako natutuwa!"pasigaw ni Aya pero gaya kanina ay hindi man lang ito huminto sa paglapit. "Ano ba!"animo'y galit talagang anya pero hindi doon kumbinsido si Jiro.
"Sinabi ko bang matuwa ka?"sarkastikong ani Jiro pero bumalik ulit sa pagiging seryoso sa paglapit nya. Wala ng maatrasan si Aya. Ang huling atras nya ay pader na ang kasunod. Nagulat si Aya nang mapasandal na sya sa pader. Nanlaki ang mata nya at kikilos sana para tumakbo sa direksyon ng pinto ng harangin sya si Jiro.
Nilapit ni Jiro ang mukha nya sa kanya kaya walang nagawa si Aya kundi umatras nalang ulit hanggang makabalik sya sa pwesto nya sa pader. Napasandal si Aya dito at biglang ikinulong sya ng dalawang bisig ni Jiro.
Binigyan na naman ni Jiro si Aya ng nakamamatay na ngisi. "Ngayun ko lang nalaman."panimula nya. "Ang ganda mo pala."anya sa malamig na tono na makikitang nailang si Aya dahil umiwas ito ng tingin sa kanya. Marahang hinawakan ni Jiro ang panga nito at iniharap sa kanyang mga mata. "Ang ganda ng mga mata mo."ani Jiro sa mahinhin na boses. Yung tipo ng mahihimigan mo ang paglalambing na animo'y may gustong gawin doon sa mahinhing paraan.
Ramdam na ramdam nila ang paghinga ng bawat isa. At sa tuwing magsasalita si Jiro ay maaamoy mo ang amoy mint nyang hininga. "At yang labi mo." tinitigan nya ang mga labi ni Aya. Ilang sigundo ng biglang mapalunok naman si Aya nang ikiniling ni Jiro ang ulo nya.
"T-teka.."kabadong ani Aya na itinulak pa ng bahagya si Jiro. "A-anong gagawin mo?"anas nya. "S-subukan mo lang!"nakangusong anya. "Subukan mo kong halikan, magkakapunishment ka."pag papaalala nya sa rule na ginawa nila pero ngumisi lang naman doon si Jiro saka tumawa ng bahagya at bumalik ulit sa pagiging seryoso.
"Alam ko yun."bulong nya sa gawing tenga ni Aya kaya naman napaiwas pa dun ng bahagya si Aya dahil sa kiliti ng hiningang dumadampi sa tenga nya. Humarap na ulit si Jiro sa kanya. "Hindi naman ako tanga na gagawin ang punishment, mahalikan ka lang."ngisi nya dito. "Kahit pa--"tumingin ulit si Jiro sa labi ni Aya. "Inaakit ako nang labi mo na halikan ko sya."mapang akit nyang sabi saka bumalik ng tingin kay Aya ng may angas kaya lalo lamang nailang si Aya.
"Eh, b-bakit may paganyan ganyan ka pang nalalaman!?"tanong nito na pilit pinalakas ang kanyang loob. "Umalis ka nga."utos ni Aya dito pero hindi sya umalis.
"Hindi naman kasi sa paraang yun gusto kong gumanti!"ani Jiro na naging seryoso na naman ang dating saka biglang ngingisi. "Ang paraang gusto ko,"bigla nyang inilapit ang kanyang mukha na syang nagpapikit kay Aya. Napangiti ito nung makitang nakapikit si Aya. "Ay ang pag pi.sil.. dyan sa ilong mo!"sambit ni Jiro na mabilis hinawakan ang ilong ni Aya saka pinisil.
"Araaayyyy!!!"inda ni Aya pagkamulat nya ng mga mata. "A-ahhhh! A-aray kooo.. Jiro Ang Sakit!!!! tama na. A-ahh!"sigaw ni Aya sa sakit ng pagpisil na ginagawa ni Jiro sa kanya.
BINABASA MO ANG
That Girl Is Mine (COMPLETED)
RomanceKwento ng babaeng papasok sa isang eskwelahan na merong mga lalaking kilala, tinitilian, kinababaliwan na kung saan ang taong mga yun ay magkakaroon ng kaugnayan sa kanya. Gaganda nga ba ang pag aaral nya at magiging kilala rin? O makikilala lang s...