Chapter 27:

314 35 0
                                    

Jiro Point of View

Nasa tabi ko si Drake at nag uusap kaming dalawa tungkol sa plano ko. "Bro. Nagawa mo ba yung i-tenext ko sayo?"tanong ko sa kanya.

"Haha syempre naman Bro, ikaw pa ba. Pero teka lang."anya na tuminhala na animoy nag iisip at nung humarap sakin ng diretso ay biglang may kakaiba syang tingin sakin. "Kilala kita Sioson. Wag mong sabihin na---"pinutol ko ang sasabihin nya at natitiyak kong hindi iyon yung plano kong gawin.

"Hindi yun tulad ng iniisip mo ulol! Di ako ganung tao, okay. Inutos ko lang sayo na lasingin nyo si Aya."asik ko sa kanya. "Hindi ako babaero kagaya nung isa mong kaibigan."pagtutukoy ko kay Nash.

"Haha ikaw talaga bro. Tara na nga sa kanila. Masyado ng nag iinit ang ulo mo."anya na tumayo na sa pagkakaupo at sumunod rin naman ako.

Lumapit na kami kila Aya at kasalukuyan pa silang umiinom ng wine. "Oh. Bakit ngayun lang kayo?"boses lasing na tanong ni Aya. "Ano bang pinag usapan nyo dun at parang sobra yatang seryoso." hindi ko na iyon sinagot at naupo na lamang ako sa tabi nya.  "Tinatanong kita!"natigilan ako sa sigaw nyang iyon saka ko sya nilingon.  "Tungkol ba yan sa babae? Ipagpapalit mo na ba ako?"napalunok ako sa tanong nyang yun.

'Ano bang sinasabi nya? Ano naman kong tungkol sa babae ang pinag uusapan namin. Saka ano naman kung ipagpalit ko sya, hindi naman totoong kami'

Makikita mo sa mga mata nya ang sinseredad at hindi ko iyon alam kung totoo ba yung sinasabi nya o pagpapanggap lang. Hindi ko iyon mawari dahil nga lasing sya at kung bigla ko syang tanungin ay baka mabanggit nya ang pagpapanggap namin. "Bakit hindi ka sumasagot? Kasi totoo?"boses nyang lasing pero merong parte na nakakaawa ang mga iyon.

"Hindi yun ganun."maikling sagot ko saka yumuko para magsalin ng wine at inumin iyon. Uminum lang ako ng konte saka ibinaba ko ang goblet sa table saka sumandal sa couch.

"Tumingin ka nga sakin Jiro!"utos nya sakin na matutunugan parin ang pagkalasing. Sumunod naman ako. Nagulat ako nung inilapit nya ang mukha nya sakin na syang dahilan para manlaki ang mga mata ko dahil sa pagngisi nya. Dahan dahan akong  lumulunok kasi hindi ko alam ang biglang kabang naramdaman ko."Akin ka lang okay!"sabi nya sa mismong mukha ko saka pinasadahan ng tingin ang labi ko.

d⊙_⊙b

Nanlaki ang mga mata ko nung bigla nyang ilapat ang mga labi nya sa labi ko. Halos bumagal ang mga bagay na nakikita ko. Maging ang pagtibok ng puso ko ay bumabagal din. Siniil nya ang labi ko pero nakatulala lang ako dahil sa hindi inaasahang ginawa nyang yun.

Hindi ko alam pero nais kong sabayan ang halik nyang yun sakin pero bago pa iyon mangyari ay inilayo na nya ang labi nya sa labi ko.

'What the heck! Bakit sya tumigil. I want more!'

Hindi ko alam kung bakit iyon ang sinasabi ng utak ko pero hindi ko talaga maitatanggi na nabitin ako sa halik na ginawa nya. Gusto ko mang halikan sya ay hindi ko na magawa dahil nanguna na naman sakin ang kabang nararamdaman ko.

'Arggh! Ano ba itong nararamdaman ko! Hindi naman ako ganito noon sa kanya. Hindi ako ito, Hindi!!!'

Alam kong nakita ng mga kasama namin ang ginawa ni Aya na yun sakin pero hindi nila iyon pinansin kasi busy rin sila sa mga kasama nila. Masyado akong nagulat at natulala sa halik nyang yun kaya hindi ko sya nagawang sabayan. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng panlulumo.

Sumandal si Aya sa couch at tumagilid papaharap sakin saka ginawang unan ang dalawa nyang kamay. Wala sa sarili namang napainum ako ng wine saka sumulyap ng tingin sa kanya.

Mukhang nakatulog na sya sa sobrang kalasingan kaya naman humarap ako sa mga kasama ko. "Bro. Mukhang lasing na si Aya, uuwi na kami."sabi ko sa kanila. Tumayo ako at lumapit kay Aya at saka inilagay sa balikat ko ang kaliwang braso nya saka sya inalalayang tumayo. "Sige mga bro! Salamat."itinaas ko pa ng bahagya ang kamay ko sa ere.

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon