Aya Point of View
Sikat na ang araw ng magising ako. Sumulyap ako sa orasan at nakita kong maaga pa naman. Ang sarap ng tulog ko, kahit may masamang pangyayare kagabi. Bumangon ako sa kama at nagtungo sa kusina saka nagmumog.
Nakita ko doon si Papa na nagluluto ng agahan. Galit pa kaya sya? Lalapit sana ako sa kanya para kausapin sya pero pagkalapag nya ng pagkain sa mesa ay umalis na rin sya.
"Kumain ka na dyan saka ka pumasok." ramdam ko ang lamig ng pakikitungo sakin ni Papa at yung magandang gising ko kanina ay parang biglang nag iba.
Kumain ako ng sinangag na kanin at saka pinritong itlog. Masarap yung luto ni Papa pero parang nawawalan ako ng gana lalo na at hindi ko sya kasabay kasi galit sya sakin.
Hanggang sa paliligo ko ay pakiramdam ko ay para akong lantang gulay. Sobrang bagal ng kilos ko kaya yung maganda kong gising ay mukhang sasama. At yung maaga kong gising ay mukhang mali-late pa ako sa pagpasok sa school.
"Papa. Aalis na po ako."paalam ko kay Papa na nanunuod sa sofa. Hindi sya sumagot sakin, tumingin lang ng saglit at tumango saka ibinalik sa T.V ang paningin.
Pagkalabas ko nang bahay ay bagsak parin ang balikat ko. Humugot ako ng malalim na hininga at nagbabakasakaling mababawasan ang sama ng nararamdaman ko.
Napasulyap ako sa hindi kalayuan at mukhang tama na naman ang hinala ko. Sya si Kuyang tricycle driver. Hay naku! Bakit ba parati nalang syang andito? Lumabas na ako sa maliit na gate namin. Tinanaw ko sya at mukhang nakita na naman nya ako. Agad nyang pinaandar ang tricycle nya papalapit sakin.
"Miss beautiful. Sakay na."sabi nya habang nakangiti pa. Inaamin ko na gwapo sya, maputi, singkit pero hindi nya ako makukuha sa paganyan ganyan nya. Para sakin si Honeybee ko lang ang pinaka! Sya lang ang gwapo sa paningin ko!
Hinarap ko si Kuyang driver at saka sya tinitigan ng masama. "Umamin ka nga? May gusto ka ba sakin?"diretso kong tanong sa kanya.
"Haha lakas ng tama mo miss beautiful."anya na tumawa pa yung pagwapong tawa na ewan.
"So totoo ngang meron?"
"Luh. Tama sa utak ang sinasabi ko miss. Kumain ka na ba? Hahahha"anya at napangiwi nalang ako at umiwas sa kanya.
"Tara na! Mali-late ako!"inis na bulyaw ko sa kanya. Hindi na naman sya nakapagsalita pa kaya pinaandar na nya yung tricycle.
Pagkadating namin sa harap ng school ay nakita kong nakapark na doon ang sasakyan ni Jiro. Bumaba na ako sa tricycle at sumulyap parin sa parking lot.
"Mukhang hindi ka sinundo ng boyfriend mo ah."dinig kong sabi ni Kuyang driver. Nilingon ko sya saka nginusuan. Hindi ko nalang sya pinansin pa at naglakad nalang papasok ng campus.
Pagkadating ko sa loob ay halos ang dami ng estudyante. Maaga pa naman talaga pero parang halos mali-late ang lahat dahil sa pagiging busy nila.
Dumiretso ako sa classroom namin pero nasa pathway palang ako ay halos wala ng tao. Siguro nasa activity center na sila. Maglalakad na sana ako nang biglang lumabas si Jiro mula sa room namin. Medyo malayo sya at nung magkatitigan kami ay binigyan ko sya ng matamis na ngiti. Pero bakit--? Nakatitig lang sya sakin saka naglakad.
Naglakad hanggang malampasan ako?
d‘︿’b
Habang humakabang sya papalapit ng papalapit ay lalong kumakabog ang dibdib ko. Hindi ko alam pero parang nai-excite akong makita sya. Gusto kitang yakapin. Pero nung malapit na sya, bigla syang umiwas ng tingin sakin at saka ako nilampasan.
Para akong hangin na naramdaman nya lang. Pero hindi pinagtuonan ng pansin.
BINABASA MO ANG
That Girl Is Mine (COMPLETED)
RomanceKwento ng babaeng papasok sa isang eskwelahan na merong mga lalaking kilala, tinitilian, kinababaliwan na kung saan ang taong mga yun ay magkakaroon ng kaugnayan sa kanya. Gaganda nga ba ang pag aaral nya at magiging kilala rin? O makikilala lang s...