Nash's POV
"Ang boring naman kung babantayan lang natin si Aya diba?"sabi ni Sophia. "Wala ba tayong gagawin? Maghapon lang nating pagmamasdan si Aya?"dagdag nya pa.
"May point ka. Bakit hindi ka kaya maglabas ng makakain dyan, Nash."parinig ni Jarren.
"May beer ka naman siguro dyan Bro."sabi naman ni Jiro kaya nginitian ko sya. Actually, beer ang naiisip ko kanina pa kasi gusto ko rin, tugma talaga ang utak namin ng lokong toh.
"Syempre."sagot ko saka lumapit sa hindi kalakihan kong refregerator. Kumuha ako ng pwedeng mangunguya at saktong may mga chocolates pa ako dun. Nagbukas rin ako ng tatlong beer para saming tatlo ni Jarren at Jiro.
Inilapag ko sa harap ni Sophia ang mga chocolates. "Hoy pahingi rin ako."sabi naman ni Jarrren na dinampot yung isang Goya. "Sya nga pala. Kelan pa kayo nagkaayos?"tanong nito na nagpalit palit pa ng tingin samin ni Jiro. "Napansin ko kasi na Bro na ang tawagan nyo at hindi na basta pangalan lang, anong nangyaring kababalaghan?"natawa pa kami sa huling sinabi nya.
"Nagkaintindahan na kasi kami."sagot ni Jiro. "May katotohanan na akong nalaman na dapat pala matagal ko ng inalam."nakangiting dagdag pa nito.
"Saka Bro talaga ang tawagan namin nyan ni Jiro simula pa nung bata kami."sabat ko naman. "Bigla ko ngang namiss si Drake eh. Kelan kaya ang uwi ng mokong na yun?"
"Oo nga. Minsan kasi bigla bigla na lang yung sumusulpot eh. Akala mo bukas pa, yun pala andyan na hahhaa"sabi ni Jiro sabay tawa. Grabe, namiss ko ang ganitong bonding namin. Yung tipong walang pekeng tawa. Masaya. Sana maayos narin nila yung relasyon nila ni Aya.
"Kung ubos nyo na yang beer, meron pa ako dun sabihin nyo lang."sabi ko sa dalawa. Si Sophia ay nakaupo lang sa table malapit sa kama kung nasaan si Aya habang kumakain ng chocolates.
Humaba ang kwentuhan namin hanggang nakailang bote na ang mainum naming tatlo. Medyo naliliyo ako pero kaya ko naman.
"Haha mukhang may tama na agad kayo ah."ani Jiro na tumatawa pa habang tinuturo kami. Sa aming tatlo kasi ni Drake, sya yung pahirapang lasingin. Ewan ko ba, baka dinadaya nya kami.
"Guys. Tama na yan."sabi ni Sophia na lumapit na sa amin. "5:30 na oh. Baka hanapin na si Aya ng Papa nya."napatingin ako sa relo ko sa braso at nagulat ako nung mapagtantong 5:30 na nga. Ambilis naman. Nalibang atah kaming masyado. "Saka umayos ka, Nash. Ihahatid mo pa ako sa bahay ah."habol pa nito saka bumalik sa kinauupuan nya kanina.
"Yes ma'am! Uubusin lang namin itong laman nito."sabi ko sa kanya.
"Ubos ko na yung sakin hahaha"tatawa tawang ani Jarren na nagtayo na sa pagkakaupo. "Gigisingin ko na si Aya ah."anya na lumapit sa kama ko kung saan nakahiga si Aya.
"Aya..AYa!"pagyuyogyog dito ni Jarren.
"Hmmm."narinig namin ang boses ni Aya kaya naman napatingin kami dun. Nakita naming nag iinat sya ng paa at kamay. "Nasaan ako?"tanong nito kay Jarren.
"Nasa condo ka ni Nash."sagot naman ni Sophia na kasalukuyang kumakain parin ng chocolates.
"Lasing na lasing ka kaya hinayaan ka na mona naming matulog. Uminom ka ng tubig oh."pinaabot ni Jarren kay Sophia ang baso ng tubig na nasa kalapit nya. Bumangon si Aya at naupo saka uminom.
"Ayos ka na ba?"napalingon ako sa nagsalitang si Jiro sa kalapit ko. Nilingon rin naman sya ni Aya pero tinapunan lang sya nito ng tingin.
"Uminom ka rin ba?"tanong ni Aya kay Jarren at nag tango lang naman ito. "Kung ganun umuwi na tayo."bumaba na si Aya sa kama at tumayo.
BINABASA MO ANG
That Girl Is Mine (COMPLETED)
RomanceKwento ng babaeng papasok sa isang eskwelahan na merong mga lalaking kilala, tinitilian, kinababaliwan na kung saan ang taong mga yun ay magkakaroon ng kaugnayan sa kanya. Gaganda nga ba ang pag aaral nya at magiging kilala rin? O makikilala lang s...