Jiro's Point of View
Pagkauwi ko sa bahay ay naligo lamang ako at nagbihis saka nag paalam kay Mommy. Pagdating ko sa bahay ni Aya ay agad akong bumusina pero kagaya ng kinasanayan ay wala na naman sya.
"Saan ba pumupunta yung babaeng yun."bulong ko sa sarili ko. "Wag mong sabihin na kasama na naman nya yung lalaking yun!"sabi ko sa sarili ko.
Pumunta ako sa tabi ng kotse ko at sumandal dun. Ilang minuto palang ako sa kinatatayuan ko ng nakarinig ako ng tunog ng tricycle mula sa malayo.
Siniringan ko lang yun ng tingin kasi pumara yun sa ibang bahay. Ipinasok ko ang mga kamay ko sa bulsa ko at nag antay kay Aya.
"Kuya wag kang pafall!"napalingon ako sa pamilyar na boses na narinig ko. At hindi nga ako nagkamali na si Aya yun.
'Ano namang pinagsasasabi nya?'
'Sino ba yung lalaking kausap nya at kung ngumiti kay Aya ay parang close sila.'
Hindi ko na narinig ang sunod na sinabi ni Aya dahil mahina na ang pagkakasabi nya dun. Pinagmasdan ko nalang syang maglakad habang andun parin ako sa pwesto ko.
Nung tiningnan nya ako ay niliitan ko lang sya ng tingin. Tuminghala pa sya sa langit at saka parang suminghap ng hangin. Bago naglakad ng nakayuko papunta sakin.
'Anong problema nito?'
Nung bahagyang makalapit na sya ay saka ako nagsalita. "Hoy!"tawag ko sa kanya pero nananatili syang nakayuko."Sino yung kausap mong lalaki kanina?"tanong ko agad sa kanya pagkalapit nya.
"Driver"maikli nyang sagot sakin na di parin tumitingin ng diretso. Anong Problema nya, tsk.
"Kaibigan mo ba yung driver na yun at mukhang close na close kayong dalawa---"napatigil ako nung tumingin sya sakin ng diretso. "T-teka. Anong nangyari sa mata mo? Umiyak ka ba?"tanong ko agad sa kanya. Tumango lang naman sya sakin. "Yung driver ba na yun ang nagpaiyak sayo? Binastos ka ba nya?"sunod sunod kong tanong sa kanya.
Tumingin sya sa ibaba saka nagpakawala ng buntong hininga. "Hindi yun."humarap na sya sakin. "Sa totoo lang binigyan pa nga ako ni Kuya driver ng panyo eh. Para daw ipahid ko sa luha ko." anya na mukhang walang gana.
"Tsk. May panyo ka na tapos tinanggap mo pa pala yan."sabi ko saka umiwas ng tingin.
"Tsk. Hindi mo ba nakita na ibinabalik ko yung panyo nya pero ayaw na nyang tanggapin?" parang inis na anya. Mukhang wala sya sa mood kaya nawalan rin ako ng gana na mang asar.
Medyo nahiya ako dito. "H-hindi eh. Saka teka."tininghala nya ako na animoy pagod na pagod na ang katawan dahil bagsak ang dalawa nyang balikat, nakaramdam ako ng pag aalala para sa kanya. "Bakit ka ba kasi umiyak?"tanong ko ulit.
Marahan syang tuminghala na akala mo ay pagod ng sumagot. "Malaking issue ba sa inyo ang pag iyak ko? Halos pangalawa ka na sa nagtanong sakin nyan ah"pabulong nya na naiinis. Ibinaba nya ulit ang kanyang tingin at inantay ko na sagutin nya ang tanong ko."N-nafriendzone kasi ako eh."sagot nya habang nakayuko parin. Tumingin sya sakin ng diretso at dun ko nakita ang namamasa na naman nyang mga mata. Wala akong nagawa kundi i-comfort sya kaya naman niyakap ko nalang sya. Ewan ko kung bakit ko sya niyakap. Hindi ko alam kung bakit ko yun ginawa. Basta nakaramdam ako ng kakaiba, ng awa o kung ano kaya kusang lumapit ang katawan ko at niyakap ito.
"Bakit ba napaka iyakin ko naman!?"inis na singhal nya sa sarili. "Ganun ba talaga kapag nasaktan! Hindi mo mapipigilang maiyak?" anya na naramdaman ko ang pag galaw ng ulo nya sa balikat ko na nasisiguro kong umiiyak sya pero hindi nya lang inilalabas ng todo.
BINABASA MO ANG
That Girl Is Mine (COMPLETED)
RomanceKwento ng babaeng papasok sa isang eskwelahan na merong mga lalaking kilala, tinitilian, kinababaliwan na kung saan ang taong mga yun ay magkakaroon ng kaugnayan sa kanya. Gaganda nga ba ang pag aaral nya at magiging kilala rin? O makikilala lang s...