Chapter 03

719 48 1
                                    

Jiro's POV


"Yun lang naman--A-ano???"biglang lumakas yung tono ng pagtatanong nya sakin. "Nababaliw ka na ba? ayaw ko nga!"pagtanggi nya agad sakin.

"Why not?"iniangat ko pa ang kaliwang braso ko sa ere na natatawa.

"Hah."singhal nya sakin. "Hahahha baliw ka na!"sabay nyang tulak sakin pero mahina lang yun kasi hindi ako nagawa nung mapaalis sa pwesto ko.

"Ano bang kelangan kong gawin?"lapit ko ulit sa kanya. "Tell me?"may tono ng panghahamon pero sinsero kong tanong mismo sa mga mata nya.

"Hah! Ang kulit mo rin eh no!" nginiwian nya lang ako saka umiwas sakin ng tingin. Lumayo ako at umiwas saka nagpakawala ng buntong hininga kasi alam kong hindi sya papayag. "Okay. Pinipilit mo talaga 'ko?"nilingon ko sya at biglang nagningning ang mga mata ko at nagbukas ng pag asa sa sinabi nyang yun.

"Yes. please.."pakikiusap ko sa kanya sabay kong pout.

'Tch! Ba't ko ba 'to ginagawa!? Mukha akong batang tanga na disperado sa kanya. Haist, hayaan mona, Jiro. Kahit kelan di na yan mauulit'

"Tigilan mo nga yang pag ganyan ganyan mo! Hindi bagay sayo! Mukha kang asong ulol!"sita nya sa ginagawa ko.

'Sabi na nga ba eh, hindi bagay sakin. Badtrip!'

Medyo tuminghala sya ng tingin sign na nag iisip sya. Matapos nun ay nagpakawala sya ng isang buntong hininga.

"Okay fine!"huminto sya sa pagsasalita at tumingin sakin ng diretso! Mata sa mata talaga. Hindi man lang sya nahiya. Parang ako pa yung medyo na awkward saming dalawa.

Hinihintay ko ang susunod na pagsagot nya pero batid kong bumabagal ang lahat.

**TUG! DUG!**

'What the Hell! Anong nangyayari sakin? Naramdaman ko na ito dati,kay  Natalie. At yun yung mga panahon na gustong gusto ko sya. Wag mong sabihing---sira ulo ka Jiro! Hindi. hindi! Paanong magugustuhan mo yan, ngayun mo lang nakita saka ampanget nito.'

"Ligawan mo'ko."dalawang salita lang ang binitawan nya pero napakalaki ng epekto sakin. Nasisiraan na ba sya ng ulo? Ako? Si Sioson? Manliligaw sa napaka--basta! Sa pananamit palang wala na sa tipo ko eh, itsura pa kaya.

d⊙_⊙b

d0_ob

d>>_<<b

Tatlong reaksyon ang nagawa ko dahil lang sa ilang salita nyang yun. Hindi talaga ako makapaniwala na sinasabi nya yun sakin mismo sa harap ko. Ang kapal ng pagmumukha nito ah.

"WHAT!? l-ligawan?"natatawa kong tanong sa kanya. "K-ka?" pangungumpirma ko na di maiwasang mapatawa sa mga pinagsasasabi nya. "Are you kidding me?"

"Hindi! Seryoso ako."direktang sagot nito. Binasa ko ang ekspresyon sa kanyang mata at nakita ko ngang totoo ang sinasabi nya.

'Alam nya ba yung pinagsasabi nya!? Isang Sioson, manliligaw sa kanya! Ha. Kalokohan' singhal ko sa isip ko.

"Sandali nga!" awat ko sa kanya na akala mo ba'y naguguluhan na. "We are going to pretend, right? Gusto ko lang i-clear sayo."tumango lang sya sakin. "Eh bakit kelangan pang manligaw?"tanong ko dito.

"Eh sa gusto ko eh. May magagawa ka ba?" sa unang pagkakataon ay nakita ko ang side ng pagsusungit nito na akala mo ay maganda kung makaganun. Medyo umatras ako dahil sa sinabi nya. Nagpigil ako ng inis kasi baka lalo ko lang syang di mapapayag. "Para mukhang totoo, diba?"nanlaki yung mata ko at talagang di kinakayanan ng sistema ko ang pinagsasabi nya.

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon