Aya's POV
"Bakit mo isasara ang pinto. Lumabas ka nga dyan!"utos nito sakin.
'Pucha, anong gagawin ko?
Ano bang nangyayari sayo, Aya! Bakit mo nga isasara ang pinto. Mahahalata ka nya dahil sa pinag gagagawa mo! Kumalma ka at umarte ng normal.
Binuksan ko ang pinto. "Magbibihis lang ako."sabi ko sa kanya pagkabukas ko ng malaki sa pintuan. "Sabi mo kasi mukha akong matutulog."palusot ko dito. Pinilit kong maging kalmado at iniiwasang tumingin sa medyo basa nyang labi.
"Bakit mo pa kailangang isara ang pinto?"tanong nito.
"S-syempre. Malay ko bang pumasok ka!"
"Tsk. Wala akong interes sayo."nakangiwing anya. "Hindi kita type, wala akong planong silipan ka."
"B-bakit? Sinabi ko bang sisilipan mo'ko. Ikaw lang yang nag iisip ng masama. Siguro yun nga ang iniisip mong gagawin mo!?"pagbibintang ko dito.
"Aba at, ang mahiya ka nga sa pinagsasasabi mo?"medyo tumaas ang boses nya. "Nananalamin ka ba? Nakita mona ba ang sarili mo?"panglalait pa nito. "Kung hindi pa, ipapaalala ko lang sayo, hindi kita type. Malabo akong mainlove sayo."diretsong paliwanag nya. Masyadong matalas ang dila nya ah. Grabe kung makapanlait, pag ako napuno sasapakin ko 'to. "Saka ano bang gusto mong isipin ko kaya ayaw kong ipasara ang pinto? Diba ganun naman kaya kayo naglolock, kasi ayaw nyong masilipan. Tsk"
"Eh hindi naman talaga yun ah!"pagsusumbat ko sa kanya.
"Eh ano!?"nanlaki ang mata ko sa biglang paglapit ng katawan nya sakin. Konteng konte nalang ay maglalapit na naman ang mukha naming dalawa. Medyo mataas sya kaya nakatungo ito at ako naman ay nanlalaki ang matang tinitinghala sya. Napalunok na naman ako nung bumaba ang tingin ko sa mga labi nya. At ayun na naman, hindi na naman ako mapalagay. Nakaramdam ako ng kaba na hindi ko matukoy kung bakit. "Sabihin mo, Ano!?"hamon nya sakin na may nandidilat na mata.
"A-Ano. Malay ko bang ano--" isip Aya..mag isip ka! Kailangang mag function ang utak mo, ngayun din!' "Malay ko bang mangnakaw ka ng mga gamit ko dito sa bahay!"yun nalang ang naidahilan ko. Ayos narin yun kesa naman sa wala.
Bumuga sya ng marahas at natawa ng akala mo ay di makapaniwala. "A-Ako? Magnanakaw? Nanakawin ko yung gamit mo? Huh! hahahah! Nagpapatawa ka ba?"mataas na boses na tanong nya sakin. "Anong nanakawin ko dyan? Baka gusto mong bilhin ko pa yang buong bahay mo kesa magnakaw ako."may pagyayabang na anya.
Tsk. Edi sya na mayaman!
"Yabang ah. Mag igib ka ng tubig."sigaw ko sa kanya kaya pinaningkitan nya ako ng mata. "Ano pang tinatayo mo dyan? Walang magagawa yang yaman mo, iigib ka kasi gusto ko!"matapang kong pag uutos sa kanya.
"What!? A-ako? iigib ng tubig! Hahaha"tawa nya ng malakas pero tumigil rin nung makitang seryoso ang pagmumukha ko habang nakamasid sa kanya.
"Oo. ano pa bang gusto mo, Mr. Sioson?"mataray kong tanong sa kanya habang nakataas pa ang isang kilay.
'Akala nya yata hindi ko kayang magsungit. Hindi porke't titigas tigas at badoy ako sa paningin nya eh hindi ko na kayang magtaray. Ghad! Noooo..duhhh. hhaha char.
"WOW!"akala mo ay namamangha na kung ano. "Ang ganda ng utos natin, Ms. Aya ah,tapos anong susunod?sibak naman ng kahoy, ganun?"anya habang nakangiwit at labas ang mga ngipin.
d- -,b ---->>me
d>_<b ---->>Jiro
"Hmmm."kunwari akong nag iisip habang nakahawak sa labi ko. "Nice suggestion yan ha. Di ko naisip yan, mukhang maganda nga."sabi ko na itinuro pa sya ng hintuturo kong daliri. Naglakad ako papasok sa loob.
BINABASA MO ANG
That Girl Is Mine (COMPLETED)
RomanceKwento ng babaeng papasok sa isang eskwelahan na merong mga lalaking kilala, tinitilian, kinababaliwan na kung saan ang taong mga yun ay magkakaroon ng kaugnayan sa kanya. Gaganda nga ba ang pag aaral nya at magiging kilala rin? O makikilala lang s...