Jiro Point of View
Tahimik kaming apat sa byahe, nakatulog si Aya sa balikat ko dahil siguro sa sobrang pagod. Kasalan ko ito eh, bakit kasi hindi ako nag isip ng maayos. Sira ulo ka talaga Jiro, girlfriend mo ilalagay mo sa piligro. Sana hindi ako sisihin ni Aya, pero kung magalit man sya sakin ay tatanggapin ko kasi kasalan ko din naman. Sila Jarren at Nash ay diretso lang nakatingin sa kalsada, minsan ay nakikita ko silang sumusulyap sa rear mirror para tingnan si Aya.
Naglayag ang isip ko at bumalik sa nangyari kanina nung pupuntahan ko si Aya. Nagmamadali akong tumakbo dahil sobrang nag aalala na ako para kay Aya. Dalawang kalsada ang nagpahinto sakin, isang high way at ang sinasabi ni Aya na posibleng pinasok nya. Sa oras na dumaan ako sa high way ay posibleng matagalan ako at hindi ko na abutan si Aya doon, nagdalawang isip naman akong dumaan sa eskinitang alam kong ikapapamahamak ko rin.
Mabigat ang mga hakbang kong tinahak ang eskenitang iyon, nagmamadali ako habang nasa liwanag na parte at bahagyang babagal kapag nasa bahaging madilim na. Malikot ang mata kong sumusulyap sa bawat gilid. Tinitingnan ko kung may tao mang sumusunod sa akin, nakikiramdam ako sa tuwing nasa dilim na akong parte ng eskenita. Mahirap na, baka may bigla nalang sumugod sakin.
Isang liwanag na naman ang dinaanan ko at kalmado ko iyong nilalakad habang nagpapalinga linga sa paligid ko.
"Mukhang naligaw ka yata, Sioson!"isang boses ang nagpahinto sa akin. Nasisiguro kong nagmumula iyon sa madilim na parte ng nasa unahan ko. Maya maya nga ay iniluwa ng dilim na yun ang isang lalaki. Hindi sya pamilyar sa akin, marahil ay isa lang sya sa tauhan. "Hindi mo naman kami sinabihan. Dapat nakapaghanda kami."anya na nilingon ang gilid nya at naglabasan ang ilan pa nyang mga kasama sa dilim.
Pito silang lahat kasama na ang nasa unahan ko. "Dadaan lang ako."kalmadong sabi ko sa nasa unahan.
Bahagya naman syang natawa sa sinabi ko. "Maraming kalsada,Sioson. Pero bakit itong alam mong delikado pa ang pinili mo, gusto mo ba ng laro?"nakangising anya.
"Hindi ako nagbibiro. Padaanin nyo lang ako, walang mangyayaring gulo."kalmadong paring sagot ko sa kanya. Naalis naman ang ngisi sa mukha nya at napalitan ng seryosong mukha.
"Ang lakas rin naman ng loob mo eh 'no. Alam mo bang kaya ka naming patayin ngayun dito!"
"Hindi ko alam eh, subakan natin."sagot ko sa maangas na paraan at bumalatay naman agad sa kanya ang inis at galit.
"Ulol! Bugbugin nyo yan!"utos nya sa mga kasama at walang ano ano ay sinugod nga ako ng mga kasama nya.
Umayos naman ako at saka sinalubong ang pagsugod nila isa isa. Napatumba ko ang anim saka ko hinaharap ang mayabang na kausap ko kanina.
"Magaling Sioson, kakaiba ang bilis mo at pagbasa sa kilos ng kalaban. Napakahusay!"anya na pumalakpak pa ng dalawang beses saka bumalik sa pagiging seryoso. Iniharap nya sakin ang kanang kamao nyang nakakuyom saka mabilis iyong ibinuka at huli na nung mapagtanto kong isa iyong senyas.
Biglang may pumalo ng baseball bat sa bandang braso ko. Napangiwi naman ako sa sakit nun saka mabilis na hinarap ang may gawa nun. Hahampasin pa sana nya ako sa ulo ngunit nailagan ko iyon saka ko kinuha sa kanya ang bat na hawak at ipinalo sa tuhod nya dahilan para matumba sya.
Nakahawak sa brasong tinamaan na hinarap ko ulit ang lalaking kausap ko kanina pero nasa harapan ko na pala sya at bigla akong sinapak. Naliyo ako sa suntok nyang iyon kaya nabara ako, lalapit pa sana sya para suntukin ako pero may isang boses na nagpatigil sa kanya na nagmumula sa likuran ko.
"Tama na yan!"dinig ko ang yabag ng sapatos nya at hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako bigla ng kaba. Biglang may humawak sa balikat, kukunin ko sana iyon para pilipitin pero pinigilan nya ako. "Kalma! tumayo ka dyan, Sioson."utos nya na inalalayan akong makatayo.
BINABASA MO ANG
That Girl Is Mine (COMPLETED)
RomanceKwento ng babaeng papasok sa isang eskwelahan na merong mga lalaking kilala, tinitilian, kinababaliwan na kung saan ang taong mga yun ay magkakaroon ng kaugnayan sa kanya. Gaganda nga ba ang pag aaral nya at magiging kilala rin? O makikilala lang s...