Jiro's Point of View
Matapos ang ginawa ng babaeng kasama ko ngayun ay hinila nya ako sa kung saan. Nung wala ng gaanong tao ay ako na ang humila sa kanya papunta sa isang lugar na kung saan walang gaanong tao.
'Nagulat ako sa pinakita nya! Para talaga syang selosang girlfriend na pinagbabantaan ang sino mang lumapit sakin kaya naman nagmukha talagang totoo.'
Hindi ko inaasahan na sasakyan nya yung trip ko, kasi naiingayan lang talaga ako sa mga babaeng yun. Wala ako sa mood at baka hindi ko makontrol ang sarili ko na gawan sila ng masama. Hindi ko inaasahan na pagkakatiwalaan nya ang isang gaya ko na ngayun lang nya nakita. Sobrang saya at pagkagulat nalang yung naging reaction ko kanina.
Nasa tapat kami ng isang abandonadong building ng school namin. At bago kami makarating dito ay nadaanan namin kanina si Natalie.
Sya yung ex ko na nakipagbreak sakin nang wala man lang magandang rason. Isa rin sya sa kilala sa school namin. Habulin rin ng mga babae dahil sa kagandahan nya. Pero kahit ganun yung ginawa nya, may nararamdaman parin ako sa kanya pero hindi ko lang iyon pinapahalata. Alam ko naman na mahal nya parin ako pero hindi ako magkakandarapang paaminin sya. Hindi yun ang style ko, baka masira pa ang image ko dun. Gusto ko lang ipakita sa kanya na nakapagmove on naku sa kanya at hinding hindi ako maghahabol.
Nung time na nakita nya kami, ang nakasabit na braso ng babaeng kasama ko sa braso ko ay inalis ko at hinawakan ang kamay nya ng mahigpit.
Oo alam kung nakita nya yun pero hindi ko ipinalata na talagang ipinapakita ko sa kanya. Umarte ako ng akala mo ay walang ibang tao dun kundi kaming dalawa lang nitong babaeng kasama ko.
Ginawa ko yun para ipakita kay Natalie na meron nakung mahal na iba. Hindi ko man ipinahalata na pinagseselos ko sya sa pamamagitan ng hindi ko paglingon sa kanya ay alam kong nagselos sya. Sumulyap ako ng ngiti sa babaeng kasama ko at pilit naman na ngiti ang isinukli nya sakin na mahahalata ang pagkailang.
Pagkarating na pagkarating namin sa abandonadong building na yun ay itinulak ko sya sa pader. Pero di ko akalain na medyo mapapalakas ang tulak kong yun sa kanya.
"A-Aray! Ano ba!?"medyo tumaas ang boses nya dahil atah nainis sya sa ginawa ko pero imbis na magsorry at sagutin sya ay ikinulong sya ng dalawa kong bisig. "Bwiset!" Nginisian ko lang sya matapos nyang sabihin yun. Inilapit ko ang mukha ko at kitang kita ko sa mukha nya ang pagkailang.
Nagtingin mona ako sa kanan at kaliwang gilid namin dahil baka merong taong makakita samin dito mula sa malayo. Mahirap na, baka maging laman kami ng social media's pero wala naman akong nakita.
Natawa ako ng konte sa inasta nyang yun kanina matapos kong makita ang mukha nya ngayun na naiilang sakin."Matapos mong kapalan ang mukha mo kanina, at umarteng girlfriend ko. Saka ka pa ngayun naiilang?"hindi sya sumagot at umiwas lang ng tingin. Masyado kasing malapit ang mukha ko sa kanya at mukhang hindi nya yun kinasasanayan. "You're amazing,parang totoo."maangas na papuri ko sa kanya.
"Syempre, nakapag workshop ako 'n-no. S-Saka best actress ako."sabi nya ng nauutal pa pero may pagmamalaki sa kanyang tono. Akala nya hindi ko mahahalata. Magaling akong tumingin sa isang tao. Kinakabahan sya, at kung ano man ang iniisip nyang gagawin ko sa kanya, nasa kanya na yun kung iisipin nya pero malabo kong gawin.
d- -,b
Para mawala ang pagiging kabado at pagkailang nya sa presensya ko ay naisipan ko nalang na biruin sya. "Tch. Akala ko pa naman actor."natawa ako ng konte sa naisip kong joke na yun. Medyo tama kasi. Sinulyapan ko pa ng bahagya ang kabuuan nya na talaga namang hanep sa fashion.
BINABASA MO ANG
That Girl Is Mine (COMPLETED)
RomanceKwento ng babaeng papasok sa isang eskwelahan na merong mga lalaking kilala, tinitilian, kinababaliwan na kung saan ang taong mga yun ay magkakaroon ng kaugnayan sa kanya. Gaganda nga ba ang pag aaral nya at magiging kilala rin? O makikilala lang s...