Chapter 40:

304 39 0
                                    

Jiro Point of View

Kanina sa bahay ay nagdadalawang isip pa ako kung susunduin ko pa si Aya. Ayaw ko kasi nahihiya ako sa nangyari samin kanina at gusto ko dahil gusto kong makapag usap kami at maayos yung relasyon namin pero pagkadating ko doon ay nandun ang kaibigan nyang si Jarren kaya naman hindi ko sya makausap.

'Palagi nalang extra 'tong lalaking ito sakin eh. Hindi ko sya makausap dahil kasama namin sya. Tapos sa tabi pa nya si Aya naupo sa likod.'

Sa byahe namin ay sinusulyap sulyapan ko sya sa rear mirror at sa isang pagkakataon ay nagtama ang paningin namin pero agad syang umiwas at tumingin nalang sa labas ng bintana.

'Dapat pala hindi ko nalang inamin yung nararamdaman ko, kung ganito lang din pala ang mangyayari. Kung ganito lamang na iiwasan nya ako at hindi kakausapin, ganitong walang pansinan at awkward na nararamdaman. Bakit kasi hindi ka nag isip, Jiro!?'

Pagkadating namin sa party ay nag ugong na agad ang ingay ng karamihan noong makita kami. At syempre nagkaroon narin ng fans si Aya matapos ang Wings Competition kanina. At nagulat ako nung may ilan akong narinig na pangalan ni Jarren.

Naupo kami sa isang table sa tabi at ilang saglit lang ay nag umpisa na ang party. Tumugtog ang ilang rock songs at nung sweet song na ay agad na isinayaw ni Jarren si Aya.

'Nakakaasar! Dapat ako ang first dance nya eh. Sagabal ka talagang Jarren ka! Palagi mo nalang akong inuunahan, para ka ding si Nash tsk!'

Inantay kong matapos ang kanta ng sweet song at nung matapos na ang kanta ay umayos na ako ng upo ko at hindi nagpahalatang inaantay si Aya na bumalik sa upuan namin. Pero tumugtog na ang ikalawang sweet song ay hindi pa sya bumabalik sa pwesto namin.

Sumulyap ako sa mga nagsasayaw at hinanap doon si Aya at nang makita ko sya ay nanlaki ang mata ko nung isinasayaw sya ni Nash.

'The heck! At talagang pumayag pa syang isayaw ng lalaking yun! Ano bang nangyayari sa kanya? Gusto nya bang makitang nagseselos ako!?'

"Nakakainis!"bulaslas ko nung umayos na ako ng upo ko habang nakapatong ang braso ko sa table.

"Jiro!"tawag sakin ng isang boses babae. "Pwede ba tayong sumayaw?"nung tininghala ko sya ay nakita ko ang kaibigan ni Natalie na si Hazel. Sa pagkakaalam ko ay maldita rin ang isang ito. Mataray at talaga namang hindi papatalo sa lahat ng laban. Gusto nyang palagi syang nananalo sa lahat ng gustohin nya. At sa pagkakaalam ko ay patay na patay rin ang isang 'to sakin.

'Pumapayag ka na isayaw ng ibang lalaki ah, pwess! Isasayaw ko rin ang lahat ng babae dito!!! Wala akong paki alam kong magseselos ka man o hindi. Basta gaganti ako sayo,Aya!'

Napangisi ako sa isiping iyon saka ibinalik ang tingin kay Hazel. "Sure, tara!"sabi ko saka tumayo at nagpaunang pumunta sa gitna. Sinadya kong pumwesto kami malapit kina Aya kung saan sila nagsasayaw.

Hinawakan ko si Hazel sa bewang nya at pilit na inilapit ang mukha ko sa kanya at nakipagtitigan habang sumasayaw.

'Bahala kang mamatay sa selos, Aya. Hindi kita papansinin at lalo lamang kitang pagseselosin.'

Nung umiikot kami sa pagsayaw at nung tyempong nakatalikod si Nash sakin at kita ko si Aya ay nakita ko ang malalaki nyang ngiti habang nakikipagtitigan kay Nash. Ang kamay nyang nakalagay sa balikat ni Nash ay inilagay nya sa batok nito at inilapit sa mukha nya.

'What the hell Aya! Ano bang ginagawa mo?! Nasisiraan ka na ba ng bait. Gusto mo bang makapatay ako ng tao dahil lang sa ginagawa mong yan? Tigilan mo yan!'

"Sakin ka lang tumingin."sabi ni Hazel kaya naman ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. "Akin ka lang ngayun!"anya na may malanding tingin kaya naman napalunok ako.

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon