Chapter 31:

324 36 0
                                    


Aya Point of View

Kasalukuyan akong nagbabasa ng libro ko sa aking study table dahil meron daw kaming quiz bukas. Antok na antok narin ako pero pilit parin akong nagbabasa nun. Maya maya ay biglang may tumawag sakin mula sa labas.

"Aya!"tawag ng isang pamilyar na boses at alam kong si Jarren yun. "Aya!"anya kaya naman mabilis akong tumayo at pumunta sa labas.

"Oh Jarren?"bulalas ko saka naglakad papalapit sa kanya sa gate. Binuksan ko iyon. "Bakit napunta ka dito?"nakangusong tanong ko sa kanya.

"Pwede bang dito ako matulog?"tanong nya at agad naman akong tumango. "Nagpaalam na ako kay Mama, dinala ko na yung bag ko pati nga yung uniform ko eh."nakangiting anya. "Para dito narin ako maligo."

"Tsk. Talagang handa ka rin."napapailing na sabi ko. "Tara na."sabi ko sa kanya saka nagpaunang maglakad. Pumunta ako sa kusina. "May quiz kami bukas eh, kayo ba?"tanong ko sa kanya saka kinuha ang pitsel.

"Meron din."anya na lumapit sakin. "M-may sasabihin sana ako sayo eh."nauutal pang anya kaya kumunot ang noo ko saka tumitig sa kanya. "Kanina ko pa sana sayo sasabihin kaso hindi natutuloy?"anya na nagbigay ng pilit na ngiti.

"Ano ba yun?"nakangusong tanong ko sa kanya habang nagsasalin ng tubig sa baso. "Kanina ko parin yun napapansin eh."sabi ko sa kanya saka ko hinawakan ang basong nilamnan ko ng tubig.

"Oo nga eh. Palagi kasi akong pinipigilan ni Jiro."pilit na ngiti na naman ang ipinakita nya kaya lalong kumunot ang noo ko.

"Ano ba kasi yun?"sabi ko sa kanya saka uminum ng tubig.

"Kasi--g-gusto kita."nanlaki ang mata ko sa sinabi nyang yun.

"Hmp!"muntik pa akong masamid sa iniinom kong tubig. "A-ano kamo?"tanong ko sa kanya.

Nakita ko ang paglunok nya. "G-gusto kita Aya."pag uulit nya pa kaya lalong nanlaki ang mata ko. "Wag ka sanang magalit, pero totoo yung sinasabi ko."nakayukong anya.

Napalunok din ako sa mga sinasabi nya. "P-paanong nagkagusto ka sakin?"nangingiti kong tanong sa kanya. "As in gusto talaga? May feelings ka para sakin?"pangungumpirma ko at tumango lang naman sya. "Jusko, paanong--hindi ba at parati mo pa nga akong inaasar?"

"Yun na nga eh."panimula nya kaya tiningnan ko sya sa mata. "Kaya pala palagi kitang inaasar kasi meron na. Hindi pala dahil gusto kong sumaya kaya kita inaasar."kumunot na naman ang noo ko. "Kasi gusto ko lang nakikita kitang masaya, gusto kong napapatawa kita."animoy natutuyuan ng laway na anya kaya lumunok ng isa. "Nalaman ko lang nung time na naging cold at tahimik naku."sabi nya at naalala ko nga yung oras na kumakain kami ng canteen na bigla syang nag iba. "Tinanong ko sa sarili ko kung ano ba yung nararamdaman ko nung oras na yun. At yun nga."anya na tumingin ng diretso. "Nagseselos na pala ako, kasi gusto na kita."

Napalunok ako sa mga sinasabi nya. Hindi ko inaasahan ang ganito at lalo na sya pa ang magtatapat sakin ng nararamdaman.

'Bakit nya ako nagustuhan? Mahal ko sya bilang kaibigan at ayaw ko syang mawala sakin kasi parte na sya ng inspirasyon ko sa buhay. Ayaw ko syang saktan pero wala akong magagawa.'

"Okay lang naman na i-friendzone mo ako."anya kaya bumalik ako sa wisyo at tumingin sa kanya. "Bakit mo naman ako sasagutin diba?"anya na natatawa pa. "May boyfriend ka at masama namang pagsabayin mo kami."nakita ko ang malungkot nyang mukha. "Kaya wag kang mag alala. Okay lang."

"Pero alam ko yang mararamdaman mo."malungkot ring sagot ko. "Alam ko yan kasi naranasan ko na ding umamin sa taong gusto ko pero kaibigan lang ang turing sakin."paliwanag ko sa kanya.

Nanliit naman ang mata nya. "Sinong tinutukoy mo? Kanino ka umamin?"anya na nakakunot na ngayun ang noo.

"Basta. Hindi ko yun sayo sasabihin kasi kahit gusto ko pa sya, nakamove on na ako sa eksenang kaibigan nya lang ako."

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon