Chapter 56:

259 38 0
                                    


Jiro Point of View

Nagising ako na si Aya ang agad kong nakita. Natutulog parin sya. Sumulyap ako sa wall clock at nakita kong 6 AM palang naman.

Pinagmasdan ko nalang mona sya. Sigurado akong napagod ka dahil sa nangyare sayo kagabi dahil sakin. Pero heto ka parin sa tabi ko at inaalala ako kahit may mas masaklap ka lang naranasan kesa sakin.

Matapos ko kasing umiyak kanina sa kanya ay pinahiga nya ako at sinabing magpahinga na mona ako kasi madaling araw palang naman. At ngayun na nagising ako ay katabi ko na sya. Kitang kita rin sa mukha nya ang pagod at puyat pero tinatakpan iyon ng kanyang ngiti na akala mo ay totoo pero nasasaktan na pala.

Hinayaan ko lang syang matulog. Naligo na ako at pinahanda kay Yaya ang agahan saka ako bumalik sa kwarto. Nilapitan ko sya saka ako dumapa sa kama.

"Honeybee. Gising na. May pasok pa tayo."dagdag ko at maya maya lang ay kumunot na ang noo nya at saka dumilat.

Nanlaki ang mata nung makita ako saka mabilis na umiktad sa pagkakahiga. "Anong oras na?"tanong nya saka ako sumulyap sa wall clock at ganun rin naman sya. "Ano ba yan. Baka malate ako."anya na mabilis bumaba sa kama.

"Honeybee. Dito ka na magbreakfast. Dito ka narin maligo saka ka nalang magbihis pagkahatid ko sayo sa inyo."nakangiti kong sabi sa kanya at parang kumalma naman sya. "Tara na sa baba. Ready na ang breakfast."

Matapos naming kumain ay mabilis narin syang naligo. Pinahiram ko mona sya ng T-shirt ko at yung short parin naman nya ang suot nya. Pagkahatid ko sa bahay nya ay mabilis rin syang nagpalit ng uniform.

"Tara na."anya pagkalabas ng kwarto.

"Masyado kang nagmamadali, Honeybee."sabi ko saka lumapit sa kanya. Hinawakan ko sya sa tigkabilang balikat. "Tingnan mo nga, hindi ka pa nagsusuklay ng buhok mo."hinawakan nya naman ang buhok nya saka ngumiti sakin.

"Sandali lang."anya na kinuha ang suklay. "Tara na, sa loob nalang ng kotse mo ako magsusuklay!"anya na may malaking ngiti.

"Ikaw talaga. 7:08 AM palang naman, tara na nga."sabi ko saka naglakad papalabas. Isinara nya ang bahay nya saka sumunod sakin.

Sasakay na sana sya sa loob ng may tumawag sa kanya. "Hello Ms. Beautiful."sabi ng isang tricycle driver. Hindi nagkakalayo ang mga edad namin base sa itsura nya. Hindi na siguro sya nag aaral. Nilingon ako ni Aya at nakita ang nakasimangot kong mukha.

"Sino naman yun?"tanong ko.

"Di ko rin sya kilala, pero may mga times na sumasakay ako sa kanya tuwing pumapasok."paliwanag nya.

"Mukhang may gusto sayo ah."walang emosyon kong sabi. "May itsura sya----"

"Tumigil ka nga. Tara na, mali-late na tayo."pagpipigil nya sa sasabihin ko. Pagkapasok nya ay isinara nya ang bintana ng kotse. Sinulyapan ko pa ang lalaking iyon pero nakangiti lang sya. Sira ulo.

Pagkadating namin sa school ay nagsisilabasan na ang mga estudyante sa kanikanilang classroom. Siguro ay merong announcement, at alam kong isa na dyan yung nalalapit na searching for campus crush. I mean kung sino announcement kung sino ang candidates.

Hindi na kami pumunta ni Aya sa classroom namin para ibaba ang bag basta't pumila na lang kami kung nasaan nakahanay yung section namin.

"Good Morning, Students."bati ni Sir Patrick sa lahat. "Nais ko lang ipaalam sa inyong muli na malapit na ang ating Searching for Our One Campus Crush. A Campus Queen, King. Napagkasunduan narin namin ng faculty na lagyan narin ng Campus Prince and Princess, kasi halos 20 students ang napiling candidates."

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon