Aya's Point of View
Matapos kong maligo ay isunuot ko na ang dress na ibinigay sakin ng Mommy ni Jiro. Kulay itim sya na kitang kita ang gilid ng braso ko sa bandang itaas. Merong tela sa may braso ko pero butas yun kaya kita ang balat ko sa gilid. Hindi ko yun masabing off shoulder dahil hindi naman kita yung balikat ko.
A/N: Gets nyo? Bahala ka nga! Hindi ako magaling magpaliwanag ng damit ng babae!
Bagay naman ang pagkakalabas ng bandang gilid ng braso ko dahil maputi naman ang balat ko. Medyo nalito pa ako sa pagsusuot nun dahil nga may butas pa sa kung saan ang mga yun. Tumayo ako at humarap sa salamin na nasa banyo ni Jiro at kitang kita ko ang tuhod ko sa suot kong ito.
'Hindi yata ako komportable!'
Pinipilit ko pang ibaba ang dress na suot ko pero baka masira ko lang yun kaya naman pinabayaan ko nalang saka ako bumaba ng kwarto ni Jiro. Nasa dulo pa lamang ako ng hagdan ay kita ko na sila sa sofa. Si Jarren ay nandun narin at inaayos yung suit nya. Samantalang ang Mommy ni Jiro ay nakuha ko ang atensyon nung unti unti na akong nakakababa. Nung malapit na ako ay napalingon narin sakin si Jarren. Nakita ko ang gulat nya dahil sa panlalaki ng mga mata nya. Nakuha ko rin ang atensyon nya kaya naman habang bumababa ako ay nakatingin sila sa akin.
"Wow! Ang ganda ganda mo!"papuri sakin ng Mommy ni Jiro na agad na lumapit sa akin.
"S-salamat po."medyo nahihiya pa ring tugon ko. Lumapit ako kay Jarren na sa akin parin nakatingin at halos naka tulala na yata. "Hoy."tawag ko sa kanya at sa tingin ko naman ay natauhan sya. "Ang gwapo mo sa suot mo."papuri ko sa kanya. Nakita ko pa ang pag iwas nya sakin ng tingin na animoy nahihiya. Sinilip ko pa ang mukha nya at nakita kong namumula yun.
'Tsk. Sinabihan lang ng gwapo kinilig na agad.'
"Ang ganda mo rin."bawi nya sakin ng nakangiti.
"Iha, isuot mo nga ang mga ito."sabi nung Mommy ni Jiro na ipinakita ang mga jewelries. Merong simpleng hikaw at heart shape na necklace saka isang cute na relos. "Isuot mona dali."anya na mahihimigan mo ang pagiging excited.
"S-sige po."isunuot ko na ang mga yun.
"Ang simple ng suot mo pero ang pagiging simpleng yun ang nagpapaganda sayo ng sobra."sabi ng Mommy ni Jiro. "I-try mo na itong heels iha."ipinakita na nya yun sakin pero mukhang hindi ko nagustuhan ang isang yun. 'Naku patay. Dyan tayo magkakaproblema!' Sumama ang mukha ko nung makita ko yun. "Anong problema? Hindi ka ba nagsusuot ng ganyan?"tanong nya at tumango lang naman ako. "Hindi ka ba sanay na..?"
"Opo eh."sagot ko na napapakamot pa sa balikat ko.
"Wag kang mag alala Iha. Madali lang yan. Halika at tuturuan na kita."inakay nya ako saka pinasuot na yung heels. Hindi naman sya sobrang laki ng takong, pero hindi parin talaga ako sanay sa ganung suotin. Inalalayan nya akong tumayo saka naglakad. Pinagmasdan pa kami nila Jarren saka ni Manang. "Relax mo lang ang katawan mo. Wag mong isipin na mahirap."paalala pa sakin nito. "Straight body ka lang at wag kang tutungo kong maraming tao. Para ka nyang walang tiwala sa sarili mo. Be confindent, hija!"anya saka itinuloy lang ang pag aalalay sakin.
Ilang beses rin akong muntik matumba at matapilok pero agad akong inaalalayan at sinasalo ng Mommy ni Jiro. Halos nagtagal kami ng ilang minuto bago ko nakuha ang tamang paglakad at pag gamit nun. Nagawa ko ng ibalance ang sarili ko, may pagkakataon na nawawala ang balanse ko pero nakakatayo naman agad. Bumuntong hininga ako saka muling sumubok. Sa pagkakataong ito ay hindi na ako inaalalayan ng Mommy ni Jiro.
BINABASA MO ANG
That Girl Is Mine (COMPLETED)
RomanceKwento ng babaeng papasok sa isang eskwelahan na merong mga lalaking kilala, tinitilian, kinababaliwan na kung saan ang taong mga yun ay magkakaroon ng kaugnayan sa kanya. Gaganda nga ba ang pag aaral nya at magiging kilala rin? O makikilala lang s...