Jiro Point of ViewPagkatapos naming magbangayan ni Aya ay lumabas na ako ng kwarto ko at sya naman ay nagpahinga na doon. Bumaba ako at nagpunta sa sofa at saka inihiga ang ulo sa couch.
Habang nakamasid ako sa itaas ay bumalik sa isipan ko yung mga ginawa ko. Ginawa ko simula kaninang umaga at hanggang kasama ko na sya.
Kaninang umaga ay mabilis akong nagising. Nag paalam ako kay Yaya na pupunta sa bahay ni Aya para kumuha ng damit nya. Pagkadating ko dun ay gaya ng pagkaka alam ko noon ay kinuha ko ang susi sa vase na malapit sa pinto nya. Pumasok ako ng kwarto nya at binuksan ang cabinet.
Agad na bumungad sakin ang uniform nyang nakahanger doon. Kinuha ko iyon at maging ang ilan nyang pangbahay. Kinuha ko rin ang sapatos, medyas at ang bag nya. Lalabas na sana ako ng kwarto nya ng maalala ko ang kulang.
Nung una ay nagdadalawang isip pa ako na paki alaman ang bagay na yun pero hindi pwedeng wala sya nun. Binukasan ko ang drawer nya at doon nakita ko ang mga under wear at bra nya. Nandidiri ko pang tiningnan ang mga iyon at nagulat ako sa isang panty nya na sobrang luma na at may tatak ni Hello Kitty.
"Wala ba syang balak itapon 'to?"tanong ko sa sarili ko. Ibinalik ko na lang iyon sa loob ng drawer. Hindi na ako namili at kumuha na lamang ng ilan sa mga iyon at isinilid sa plastic bag.
Pagkabalik ko sa bahay ay iniabot ko na agad yun kay Yaya. "Paki ayos naman po ito sa cabinet dun sa guest room yaya."kunot noo naman iyong tinanggap ni Yaya. "Ah..mga gamit nya po yan, sige po. Maliligo na ako at papasok." aakyat na sana ako sa hagdan nung magsalita si Yaya.
"Hindi mo ba sya gigisingin para makapag ayos narin sya para sa pagpasok?"tanong nya sakin.
"Hayaan nyo lang po syang magising ng kanya. Sabihin nyo nalang sa kanya yung gamit nya."sagot ko saka naglakad na papunta sa taas para maligo at magbihis.
Pagkatapos kong makapag ayos ay bumaba na ako. Kumain lang naman ako ng ilang tinapay at uminom ng kape saka nagpaalam na kay Yaya.
Pagkadating ko sa school namin ay mabilis ko ring ipinark ang kotse ko at saka naglakad papuntang classroom. At syempre gaya ng nakasanayan, marami paring babae ang nagtitilian kapag nakikita ako. Pagkapasok ko ng room ay nakita kong inaayos na nila Keven, Kurt at Axel ang wings na ginagawa namin. Nandun narin ang iba pa naming kaklase kaya naisipan kong tumulong.
Nung dumating na si Aya sa room ay may kakaiba akong naramdaman. Hindi ko alam kung bakit parang may parte ko ang natuwa nung makita ko sya. Huminto ako sa pagtulong at hindi ko namamalayang nakatitig na pala ako sa kanya habang sya ay busy sa pagtulong. Mabuti na lamang ay tinapik ako ni Kurt kaya parang natauhan ako.
"Nasuot mo rin pala yang uniform mo."sabi ko sa kanya habang busy sya sa pagsisilid ng gamit. Pero napansin kong parang binabagalan nya lang talaga ang ginagawa nya para hindi makatingin sakin. Yumuko ako para magkatapat ang ulo namin. Nakatalikod parin sya at naamoy ko ang pabango nya. "Bakit hindi ka makatingin?"tanong ko pero hindi ko inaasahang agad syang lilingon.
Nagkatitigan kaming dalawa at halos konte nalang ang layo ng mukha namin. Gusto ko mang ibaba ang tingin ko sa labi nya ay parang pinipigilan ako ng mga titig nya. Nagsunod sunod ang paglunok ko samantalang sya ay namamawis na ang noo.
Natigilan kami sa pagtititigan nung tawagin sya ni Jarren na nasa labas ng classroom namin. Nung naglalakad kami papuntang canteen ay bigla nalang napakapit si Aya kay Jarren sa braso at hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba at pag aalala sa kanya. Simula nung makarating kami sa canteen ay parang hindi na ako yung kaharap nila. Ibang iba sa nakasanayan ko yung ikinikilos ko nung nasa canteen kami at naguhuluhan ako kung bakit ako nagkaganun.
BINABASA MO ANG
That Girl Is Mine (COMPLETED)
RomanceKwento ng babaeng papasok sa isang eskwelahan na merong mga lalaking kilala, tinitilian, kinababaliwan na kung saan ang taong mga yun ay magkakaroon ng kaugnayan sa kanya. Gaganda nga ba ang pag aaral nya at magiging kilala rin? O makikilala lang s...