Chapter 41:

318 39 0
                                    

Aya Point of View

Pagkatapos ng tugtog ay agad na kaming naupo ni Jiro at nakita kong andun narin si Jarren na kumakain ng  kung ano. Nung maupo ako ay mabilis ring naupo si Jiro sa tabi ko at halos mahulog ako sa upuan ko sa sobrang lapit nya sakin.

"Wag ka ngang sumiksik!"anas ko at nguso lang naman ang isinukli nya sakin. Para syang abnormal, ang tagal ko ng sinasabi sa kanya na hindi sa kanya bagay yung pagngunguso nya pero lalo pa yata syang sinisigehan ngayun.

Pagkaharap ko kay Jarren ay meron syang nagtatanong na tingin pero ngumiwi lang ako sa kanya at humarap sa stage na merong magsasalita.

"Good Evening students! Dahil mukhang mapupuyat ang lahat ngayun, wala tayong pasok bukas maghapon ayun sa ating Dean, so just enjoy the night!"masigla pang sabi ng  gurong babae.

"Yess!"

"Party party!"

"Ang saya nitoo.."

Lalong lumakas ang ingay sa pinagsama samang boses ng karamihan at ng tunog ng kanta na nagmumula sa malalaking sound system sa paligid.

Nagsipagkumpulan ang karamihang estudyante sa gitna nang magsimula na naman ang rock song. At kaming tatlo lang ay nakaupo at nakamasid sa kanila.

"Sayaw tayo honey bee?"bulong ni Jiro sa tagiliran ko at hinarap ko naman sya ng magkasalubong ang dalawang kilay kaya naman nakanguso syang umayos sa upuan nya at nanuod nalang din sa ibang nagsasayaw.

Matapos ang party ay inihatid ulit kami ni Jiro pauwi ng bahay. Nasa tapat na kami nun at sumulyap naman ako kay Jarren na nasa likod saka bumalik ng tingin kay Jiro.

"Ihatid mo sya ah."may tono ng pag uutos na sabi ko kay Jiro at nginiwian nya lang ako kaya pinandilatan ko sya ng mata.

"Oo na!"anya kaya bumaba na ako. Nagulat ako nung lumabas rin sya at lumapit sakin. "Wala bang kiss?"anya na nakanguso.

"Tsk. Gusto mo ba ng punishment?"

"Hanggang ngayun ba ay meron parin nun. Dapat wala na nun kasi girlfriend na kita diba."paliwanag nya sakin.

"Basta. Tuloy ang rules natin. Bawala kang humalik sakin."sabi ko na umiiling iling pa. "Alam kong aabuso ka kapag pinayagan kita."dagdag ko pa na siniringan sya ng tingin.

"Kahit sa pisngi lang honey bee!"pagpipilit nya kaya na pa buntong hininga nalang ako. "Please.."nakanguso na namang anya.

"Okay sige. Pero mabilis lang. Kanina pa naghihintay si Jarren na ihatid mo. Inaantok narin yun."

"Tsk at talagang sya pa ang inaalala mo kesa sakin. Oo na! Mabilis lang at ihahatid ko na ang pinakamamahal mong si Jarren!"sumbat nya saka animoy galit na idinampi ang labi nya sa pisngi ko.

"Tsk."singhal ko.

"Oh ano?"anya na umangal sa pagsinghal ko. "Ayaw mo kasi akong pahalikin sa labi mo, edi manigas ka."anya kaya nanlaki ang mata ko.

"Hoy! Wag ka ngang assuming dyan, hindi yun gaya ng iniisip mo. Umalis ka na nga!"

"Oo na. Ihahatid ko lang po ang inyong kamahalan, tsk."anya na pumasok na sa kotse nya saka binuksan ang bintana at saka sakin nagwave na parang walang kainti-interes at saka tuluyang umalis.

Pagkapasok ko ng bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto ko at sumalampak sa kama. Sobrang dami ng nangyari sakin sa araw na ito at halos naubos ang buong lakas ko sa pagharap sa mga nangyaring yun. Ilang minuto lamang akong nakatitig sa itaas ng kwarto ko hanggang sa tuluyan na akong mapapikit at makatulog.

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon