Chapter 05

508 48 0
                                    

Aya's POV

"A-Aya! sino yan?"turo nya kay Jiro na hanggang ngayun ay tulog parin. "Anong ginagawa nya dito?"halos mabobo ako sa pag iisip ng magandang rason.

'Aya! Isip.... isip... isip....'

(*゚▽゚)ノ

'I have an Idea!'

"Ahh ganito kasi yan."panimula ko na itinaas pa ang kamay saka lumapit kay Jarren. "Kasi nakita ko syang nakahiga sa tapat ng bahay ko,lasing eh." kumamot ako sa ulo para mag mukhang di ko alam ang gagawin ko. "Mukhang may pinagdadaanan yung tao kaya inakay ko,kinuha ko."nakanganga lang sya sakin. "Oo. S-Saka naawa ako at pinasok ko sya dito."

"Eh paano kung killer yan?wanted?drug pusher?addict?baliw?rapiest?holda--"pinutol ko ang sasabihin nya.


Itinaas ko ang kamay ko saka ikinuyom ang kamao sa harap nya. "Magtigil ka nga dyan. Ang OA mo!"nilingon ko si Jiro na taimtim na natutulog. "Tingnan mo nga yung itsura nya! eh ikaw pa nga dyan ang mukhang rapiest eh."

"Ano kamo!? Hoy, Aya. Hindi porket gwapo yan sakin eh hindi na sya pwedeng maging rapiest?"paliwanag nito sakin. "Concern lang ako sayo tapos nilait mo pa yung itsura ko, gwapo rin naman ako ah. Lamang lang yan"napaatras ako ng bahagya sa sinabi nya na akala mo ay nagulat sa sinabi nya. Sininghalan nya naman ako nung makita ang reaksyon ko. "Saka bakit nakahubad yan?"anya na tumingin kay Jiro.

"Eh kasi nga mainit yung katawan nya kaya.. tinanggal ko mona."naitikom ko ang aking bibig dahil sa sinabi ko.

"Tinanggal mo?"tanong nya. Nagdalawang isip naman ako bago pa tumango sa kanya. "Tsk!" lumapit sya kay Jiro at nakita ko na parang inamoy nya ito. "Eh hindi naman amoy alak 'to ah!"

'Juskooo! Anong sasabihin ko, masyado namang imbestigador itong bwesit na kaibigan ko na 'to. Anong idadahilan ko?'

"E-Eh kasi..ano! Pinakain ko sya ng candy na pangfresh, ganun."dahilan ko pero sa naging reaksyon nya ay sa tingin ko'y hindi sya dun kumbinsido. "Kaya sige na,alis ka na dito. Baka magising pa yung tao eh.Nakakahiya." Itinulak tulak ko si Jarren habang sya ay pasulyap sulyap kay Jiro.

"Ikaw pa yung mahihiya, eh sya na nga yung tinulungan mo." patuloy lang ako sa pagtulak sa kanya. "Aya! Ano ba?"parang naiinis nyang tono. "Baka kriminal yan!"turo nya kay Jiro.

"Ano ka ba naman Jarren! Hindi nga. Sige na."nakarating na kami sa pintuan. "Kita na lang tayo bukas."pagpapalabas ko sa kanya.

Isasara ko na sana yung pinto nung bigla nya itong hawakan. "Teka. Oh..gamitin mo 'to kung meron man syang gawing masama sayo! Isaksak mo sa tagiliran nya."nanlaki ang mata ko sa sinabi nya pero gusto kong matawa dun sa iniabot nya.


Bigyan ba naman ako ng maliit na balisong dun sa may nail cutter. Pero tinanggap ko na rin yun agad para umalis na sya.

Pagkaalis nya, sinilip ko pa sa bintana kong umalis na nga sya. At nakita ko ngang naglalakad na sya pauwi. Lumapit na ulit ako kay Jiro para pagmasdan ito habang buhay

'Hahahaha!

Jiro's Point of View

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon