Chapter 10

352 39 1
                                    

Aya's Point of View

"Ready!"sagot ko na medyo kabado.

Lumapit na yung dalawang bakla sakin. "BTW Ako nga pala si Pat." anya na iniabot ang kamay nya sakin.

"Benj teh."ani Benj naman na nakipagshake hand rin sakin.

"Ako si Aya." pakilala ko sa kanilang dalawa saka nagbigay ng ngiti.

"Ahh."sabi ni Pat. Lumapit sya sakin saka tiningnan ang buhok ko. "Jusmee! Ano bang klaseng buhok 'to teh."anya na hinahawakan pa yun. "Nagsusuklay ka pa ba, huh?" anya sa tagiliran ko.


Medyo nahihiya namang ngumiti ako dito. "Oo naman. Pero minsan hindi ko na naayos eh."sagot ko sa kanya. "Sa sobrang busy ko sa bahay. Ayan, hindi ko na naayos ang sarili ko."

"Ano ba naman ito." sinubukan nya yung suklayin pero hindi nya yun maipagpatuloy na tuwid na pagsuklay dahil sa sabid sabid kong buhok. "Mukhang mahihirapan ako dito ah."anya saka medyo inalalayan ang ulo ko saka sumubok na tanggalin ang pagkakalagay ng suklay sa aking buhok.

"A-araaay! Ang sakit naman."reklamo ko agad sa kanya. "Dahan dahan lang." paki usap ko sa kanya na napahawak pa sa buhok ko.

'Matatanggal atah yung anit ko sa kanila eh. Professional ba talaga sila? Sa tingin ko parang hindi eh. Baka kalbo naku pagkalabas ko dito.'

"Sorry teh."anya na inilagay na ang suklay sa gilid ng salamin. "Mukhang hindi ito madadala ng suklay." nilingon nya ang kasama. "Bakla!"tawag nya sa kasama nyang si Benj. "Ayusin mo nga yan. At huhugasan ko itong buhok nito."ani Pat.

Inilapit na nila ako dun sa parang lababo na ewan. Nakita ko pa si Jiro na mukhang nagbabasa ng dyaryo. Kita ko sya kahit nasa tabi sya ng beauty salon na ito, kasi nga sinag at nakikita ang glass wall na yun.

Inihiga na nila ako dun saka binasa yung buhok ko. Maya maya lang ay nilagyan na ako ni Pat ng shampoo saka nya sinuklay ng dahan dahan ang buhok ko. Matapos nun ay binanlawan na nila yung buhok ko at pinunasan ng towalya.

Nakita kong may isinaksak si Benj na gamit saka lumapit sakin. Hindi ko alam ang pangalan nya pero may hangin na lumalabas dun.

'Ang galing naman. Parang Electric fan sya ha. Ang astig talaga ng teknolohiya. Kung ano anong naiimbentong gamit.'

Inilapit ni Benj sa buhok ko ang bagay na yun. Medyo napailag pa ako kasi akala ko ay posibleng lamunin nun ang buhok ko pero hangin lang pala. Habang may lumalabas na hangin dun ay ibinubuhaghag ni Benj ang buhok ko.

"Ako na."prisinta ko kay Benj. Ibinigay naman nya yun sakin saka sya umalis at may inasikaso dun sa kabilang side. Sa una ay sa buhok ko itinutok yung bagay na yun pero ilang saglit lang at nung napansin kong busy sila sa pag aasikaso ng gamit ay itinapat ko na yun sa mukha ko.

"Ang ganda naman nito!"bulong ko sa sarili ko."Waaaahhh"salita ko dun sa bagay na yun habang nakatapat sa bibig ko na para bang ginagawa ko yung nakatapat ako sa electric fan nung bata pa.

"Hoy teh! Ano yang ginagawa mo? Hindi yan electric fan!"natatawang sita sakin ni Pat. Sinuklian ko lang sya ng ngiti na animoy nahiya.

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon