Chapter 32:

321 39 0
                                    

Jiro Point of View

Nakaupo lang ako sa isang silya at nakatingin sa mga ginagawa nila pero hindi man lang ako naki alam o nagbigay pa ng idea dahil hindi naman pumayag si Aya kanina dun sa minungkahi kong pagbibigay ng bag ko.

Si Sir ay nakaupo lamang sa kanyang desk habang nagcecellphone. Minsan ay sumusulyap sya sa amin pero kahit nakikita nya lang akong nakaupo ay hindi man lang nya ako sinita. Habang ginagawa nila ang wings class project namin ay may boses na namutawi sa buong campus.

'May mag a-announce.'

"Good Morning my co-students. Makinig kayong lahat sa announcements ko. Magkakaroon po ng activity ang ating school na pangungunahan ng grade 10 level. Gumagawa sila ng kanilang Wings Class Project at ipaparade iyon sa susunod na lunes ng umaga. At sa hapon naman ay isasagawa na ang paglalaban ng mga wings na iyon na irarampa ng mga model ng kanilang section."mahabang sabi nya. "At kinabukasan ng pagkatapos ng labanang iyon ay magkakaroon naman tayo ng searching for a Campus Crush King and Queen na karamihan na kukuhaan ay ang grade 10 level." hindi na ako nagulat sa sinabi nya kasi karaniwan namang iyong ginagawa sa school namin. At syempre isinali na ako dun pero si Nash ang nanalo kasi hindi na ako dumalo nung mismong labanan.

Sakto kasing araw ng labanan ng mga iyon ay nalaman ko ang kagaguhang ginawa ni Nash. Nalaman ko na sila na pala nung crush kong babae kaya hindi ko kinaya na lumaban pa lalo na at makikita kong chini-cheer pa ng crush ko ang demonyo kong kaibigan.

"At syempre, ang kukunin natin ay yung may mga potensyal. Ang posibleng kukunin ay yung mga kilala ng estudyante ng school natin sa mga ganyan. Yung mga taong sikat dahil sa taglay nilang kagalingan at syempre..kaya nga searching for Campus Crush, dapat may itsura. Yung confident at palaban sa mga ganyan dahil sa mismong event natin ay mapapanuod tayo sa T.V"mahabang sabi nya. "At syempre meron tayong gagawing group page ng searching na yan para malaman kung sino ang maraming likes and share na posibleng mag add sa scores nila. Kaya ngayun palang ay ifollow nyo na ang group page."

"Grabe naman yun, ang astig!"bulalas ni Aya na nakikinig dun sa sinasabi nung announcer. "Makikita sa T.V!? Wow! Parang Artista."nakangiti pang anya sa kawalan.

"At meron pa nga palang isang surpresa!"boses na naman ng announcer. "Pupunta ang ilang teacher sa classroom ng mga grade 10 at may ipapaalam sa kanila. Kaya maghanda kasi mamaya na yang second period, yun lang at maraming salamat sa lahat."

"I'm sure kasali na naman dyan si Jiro!"

"Oo nga! Sana sya na ang manalo!"

"Sayang nga kasi hindi na sya nagtuloy nung nakaraan."

Bulungan ng mga kaklase ko pero hindi ko nalang pinansin. Nakaupo lang ako at tinitingnan ang ginagawa nila hanggang matapos ang oras namin kay Sir.

"Okay class! Bukas nyo na yan ituloy, dismiss."anya saka lumabas narin ng classroom namin. Inayos na nila Kurt ang pakpak at inihiga iyon sa sahig sa bandang gilid na kung saan hindi iyon basta basta makikita ng sino mang sumilip sa may bintana namin.

Bago pa lamang kami lalabas para pumunta ng canteen ay may biglang teacher ang pumasok. "Good Morning student!"bati ng guro namin sa science na si sir Dennis. "Hindi ba at sinabi ko sa inyo na may quiz tayo?"tanong nya at sumagot naman kami. "Kung ganun ay macacancel yun dahil sa isang surprise quiz bee na gaganapin."anya kaya nanlaki ang mga mata namin. "Meron tayong quiz bee mamaya pagkatapos ng break, so sa isang section ay kailangan ng dalawang representative. Kaya sinong lalaban sa inyo?"

"Naku, sinong irerepresent natin?"

"Hala hindi ako."

"Lalo na ako, hindi ako nagrereview!"

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon