Chapter 68:

253 35 0
                                    

Jarren's POV

Matapos kong magawa ang assignments ko para bukas ay agad akong nagpaalam kay mama na pupuntahan ko si Aya sa kanila. Pumayag rin naman sya kasi alam naman nyang dun lang ako pumupunta.

Tumawag ako kanina kay Nash at sinabi nya saking lasing si Aya at ihahatid nya na ito sa bahay. Dahil kasi sa bwesit na lalaking yun kaya naglasing si Aya. Hindi ba man lang nya minahal si Aya at ganun ganun lang kung ipahiya at sabihin sa maraming tao na wala talaga silang relasyon? Nakakainis, wag lang talaga syang magpapakita sakin. Masasapak ko sya.

Andito na ako sa tapat ng bahay nila Aya. Papasok na sana ako pero may kotse na pumarada malapit sa bahay nila. At kung minamalas ka nga naman, andito ang gagong si Jiro. Agad akong lumapit sa kotse nya bago pa man sya bumaba.

"Ang lakas talaga ng loob mong magpakita pa dito noh. At talagang pumunta ka pa? Ano, hihingi ka ng tawad sa ginawa mo kanina?"may pagkasarkastiko kong tanong sa kanya pero hindi ko talaga maitago ang pangigigil ko sa kanya. Nagtango naman sya kaya lalong nag init ang ulo ko. "Gago ka pala eh."sinuntok ko sya sa mukha at napasandal sya sa kotse nya.

"Ano ba! Ayaw ko ng gulo. Gusto ko lang syang makausap."anya na humawak pa sa labi nya pero wala naman akong nakikitang bahid ng dugo doon.

"At sa tingin mo kakausapin ka pa nya? Naglasing si Aya dahil sa ginawa mo. Ibig sabihin lang nun, sobra syang nasaktan."

"Ano, naglasing si Aya?"nag aalala pang tanong nya. Tsk.

"Ano pa ba, isa lang namang paraan ang paglalasing para makalimot kapag nasaktan ka."paliwanag ko dito. "Pwede ring.. kumain ng kumain, o magpakamatay, diba?"sarkastiko kong dagdag.

Nakita kong sumama ang timpla ng mukha nya dahil atah sa sinabi ko. Pero wala akong paki alam doon. Nilampasan nya ako at naglakad papalapit sa bahay nila Aya.

"Sigurado ka bang papasok ka?"sarkastiko ko paring tanong kaya naman nilingon nya ako. "Kapag nalaman ni Tito ang dahilan ng paglalasing nya, ano sa tingin mo ang gagawin nya? Anong gagawin ni Tito kung alam na nya na pinilit mo si Aya na magpanggap bilang girlfriend at pumirma ng kontrata?"sinabi ko ang mga yun sa mabagal na pagsasalita para maunawaan nya ang ibig kong sabihin. "Antalas pa naman ng itak ni Tito."tumawa ako ng maliit para mas matakot sya at mukhang epektibo naman kasi napalunok sya.

Nilapitan ko si Jiro. "Ako na ang papasok, tatanungin ko si Aya kung gusto ka ba nyang makausap."bulong ko dito saka sya nilampasan para pumasok sa bahay ni Tito.

Pagkapasok ko sa bahay nila ay saktong nakita ko si Tito sa kusina. Shit! Naghihiwa sya ng baboy. Nagulat pa ako nung paghatiin nya yung dalawang tipak ng laman na may buto sa kahoy na chopping board. Pasalamat ka talaga sakin, Sioson. Kundi di ka na makakalabas dito ng buhay.

"Hi Tito. Magandang hapon po."nilingon naman nya ako.

"Oh Jarren, andyan ka pala. Magkasabay ba kayo ni Aya?"tanong nito sakin. Magkasabay? Anong ibig nyang sabihin? "Asan sya?"tanong pa nito na tumingin sa likuran ko. Kung ganun wala pa dito si Aya. Pero ang sabi sakin ni Nash kanina, Otw na daw sila dito. Saan nya dinala si Aya? "Iho, Jarren. Ayos ka lang ba?"bumalik ako sa wisyo ng magsalita si Tito. "Nasaan si Aya? Hindi mo ba kasabay?"pag uulit nito.

"Ah hindi po Tito eh. Baka po may ginagawa pa yun sa school. Kaya baka dun na sya maglunch. Saka umuwi lang po talaga ako sa bahay kasi may kinuha ako."nakangiti kong sabi dito.

"Eh bakit hindi ka na nakaschool uniform?"anya kaya naman napatingin rin ako sa suot ko. Oo nga pala, nagpalit naku ng damit.

"Ah. Pwede daw po kasing Free style nalang ang isuot namin sabi ni ma'am kasi isa nalang naman po ang subject namin eh."nakangiti kong palusot. Sana di sya makahalata. "Ah Tito. Sigeh po. Mauuna na ako, baka malate pa po ako eh."pagtatapos ko sa usapan, baka kasi kung ano pang itanong nya at madulas ako.

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon