Jiro's POV
Basang basa kaming nakauwi sa bahay. Tulala akong umakyat sa taas ng hindi man lang sinasagot si Mommy kung bakit kami nabasa at nagpaulan. Pagkapasok ko ng kwarto ay agad kung ibinagsak ang sarili ko sa kama. Naupo ako sa gilid nito at muling inalala lahat ng nangyari kanina.
Nang dahil sakin, namatay ang mama nya. Nang dahil sakin, nangungulila sya. Nang dahil sakin, maaga syang hindi na nakaramdam ng pag aalaga at pagmamahal ng isang ina.
Sinisi ko ang sarili ko sa mga nangyari kahit alam kong kagagawan parin ito ni Daddy. Nasasaktan ako pero wala akong magawa. Alam ko na mas masakit ito kay Aya at kung iisipin ko, baka kinamumuhian na nya ang pamilya ko, lalo na ako.
Maraming negatibo ang pumasok sa isip ko. Hanggang sa sumagi sa isip ko ang pagpunta ko ng states. Agad akong tumayo at tiningnan ang gamit ko sa cabinet. Nakita ko doon ang nakahanda kong passport.
Tinitigan ko ito ng maiigi bago napabubuntong hininga. "Ito nalang atah ang paraan. Isipin mo man na pagtakas ito sa problema pero ayaw kitang nakikitang nasasaktan ng dahil sakin. Ayaw kong iiyak ka kasi ako ang dahilan ng lahat ng kalungkutan mo. Ito nalang ang magagawa ko para makamove on, para makalimutan mona ko."sabi ko habang nakatingin sa kawalan.
Nanlabo ang mata ko at agad na tumulo ang luha ko sa mata. Pinahid ko iyon nung biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko.
"Dad."napalunok ako nung makita ko sya. "D-Dad. May flight po ba ngayun?"diretso kong tanong dito.
Lumapit naman sya sa akin at tiningnan ako sa aking mga mata. "Anak. Patawarin mo ako sa ginawa ko."emosyonal nitong paghingi ng tawad sakin pero umiling iling lang ako.
"Dad. Wag kayong magsorry."napalunok naman ako nung nagbadya na namang tumulo ang luha ko. Pinilit kong pigilin ang mga yun pero sa bawat salita kong binibitawan ay lalo akong nagiging emosyonal. "Dahil sa ginawa nyo, andito parin ako. Kayo ang dahilan kung bakit buhay parin ako."nung nagtulo na ang luha ko ay hindi ko na naiwasang mapayakap kay Daddy.
Hinaplos haplos nya ang likod ko. "Sigurado ka bang aalis ka ngayun? Ayaw mo bang ayusin mona ang problema nyo?"tanong nito nung iharap nya ako sa kanya.
Umiling iling ako. "Baka mas lalo ko lang syang masaktan Dad. Baka mas maalala nya yung sakit kapag nakikita nya ako kaya mas mabuti pang lumayo nalang ako sa kanya."
Bumuntong hininga si Daddy at binigyan na naman ako ng yakap. "Kung yan ang desisyon mo anak."inalo ako ni Daddy hanggang tumigil ako sa paghagulhol. "May Flight mamayang 3:30. Pero...."iniharap nya ulit ako sa kanya. "Gaganapin ang event ng Sioson High ng 2:30. Hindi ka ba lalaban o papanuorin man lang sila, sya?"tanong pa nito pero agad akong umiling.
Aya's POV
Naglalakad ako sa ulanan kasama si Papa pero sa aming dalawa ay ako ang nauuna. Tulala ako at hinang hina ang katawan. Gusto ko ng humiga sa kalsada sa sobrang bigat ng pakiramdam ko.
Napatigil ako saglit nung huminto na ang ulan. Malapit narin kami sa bahay namin. Naghugot ako ng hininga saka muling naglakad pauwi samin ng hindi man lang nililingon si Papa.
Pagkadating ko sa loob ng bahay ay agad akong dumiretso ng banyo. Nagtama pa ang paningin namin ni Papa bago ko isara ang pinto ng banyo. Doon ko lalong inilabas lahat ng sakit. Umiyak ako ng umiyak hanggang kaya ko.
Habang nakatingin sa kawalan ay bigla kong narinig ang boses ni Papa at mukhang may kausap sa labas. Hindi ako lumabas ng banyo para makita kung sino yun, ayaw kong makipag usap sa kahit kanino ngayun. Masyado ng puno ang utak at emosyong nararamdaman ko sa dibdib.
Nung marinig ko ang pagsara ni Papa ng pinto ay lumabas na ako ng banyo. Nakita kong nakapagpalit na si Papa ng kanyang pang itaas.
"Nagpunta si Jarren. Tinatanong ka."lumapit sakin si Papa. "May last practice daw kayo ngayun. Pupunta ka pa ba?"sa boses ni Papa ay halata ang pag aalala.
BINABASA MO ANG
That Girl Is Mine (COMPLETED)
RomanceKwento ng babaeng papasok sa isang eskwelahan na merong mga lalaking kilala, tinitilian, kinababaliwan na kung saan ang taong mga yun ay magkakaroon ng kaugnayan sa kanya. Gaganda nga ba ang pag aaral nya at magiging kilala rin? O makikilala lang s...