Aya Point of View
Kasalukuyan akong nagniningin ng kanyang mga libro sa shelves. Ang hilig nya rin pala sa mga mysterious, gusto ko mang basahin dahil ang gaganda ng mga yun ay hindi ko parin magawa. Masyado kasing mahahaba eh, baka kung ilang araw ko pa yun matapos.
Nasa banyo si Jiro at mukhang naliligo sya kasi rinig ko ang malakas na ingay ng shower.
Naupo ako sa kama at sinisilayan ang buo nyang kwarto. Halos lahat ng kulay ay asul. Halos karamihan sa mga iyon ay may stickers ni Stitch. Grabe, hindi ako makapaniwala na may pagka isip bata rin pala sya gaya ko. Akala mo badboy at masungit pero may pagkaabnormal rin naman. Tumayo ako para lapitan ang isang picture nya nung bata pa sya na nasa study table nya nung biglang tumunog ang cellphone ko.
From: Nash
Hi Aya! Kamusta ka?
Message Received.
Naku naman, napakacaring nya talaga. Hindi ko itatanggi na kinikilig parin ako sa kanya kahit kami na ni Jiro. Syempre diba, sya yung first crush ko. Tapos umamin na may gusto sakin, goshh di carry ang beauty ko.
To: Nash
Okay lang ako. Nakauwi na ba kau ni Jarren?
Message Sent.
"Siguro naman nakauwi narin sila."wala sa sariling bulong ko at maya maya lang ay nagtext na naman sya.
From: Nash
Nakauwi na siguro yun. Andito ako sa bar eh. Bumaba sya kasi may pupuntahan pa daw.
Message Received.
Saan pa naman kaya yung Jarren na yun pumunta. Halos gabi na ah.. At si Nash? Nasa bar. Grabe! Halos mag uumaga na eh
From: Nash
Wag ka ng mag alala sa kanya. I'm sure naman na nakauwi na yun. At kung sakin kaman nag aalala. don't worry, mag iingat ako para sayo;-)
Message Received.
Napangiti ako sa sinabi nya. Kahit kelan talaga, napakapafall ng lalaking toh. Magtatype pa sana ako para makapagreply sa kalokohan nya pero nagulat ako ng magsalita si Jiro.
"At anong nginingiti mo dyan?"nagulat ako at mabilis kong naitigil ang pagtatype. "Sinong katext mo?"anya na mabilis lumapit sakin.
"W-wala!"mabilis kong sagot na itatago pa sana ang phone kaso ay naagaw nya yun sakin. Ow em jii! Naku patay naa..lagot ka Aya! Pinandilatan nya ako ng mata matapos mabasa ang text sakin ni Nash.
"Kelan ka pa nakikipagtext sa kanya!?"halatang inis na anya habang hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko. Hindi naman ako nakasagot. "Kelan ka pa nilalandi ng gagong yun huh?"dagdag nya pa.
"Hindi naman ako--"
"So ano ito?"pagpuputol nya sa sasabihin ko. "Ayaw na ayaw ko ng may umaagaw sa pag aari ko."seryosong anya at hindi ko alam kung matatakot ba ako, kakabahan o kikiligin kyahhhh wag po! Hahaha "Ang akin, ay akin!"anya na lalo pang lumalapit sakin at umatras naman ako hanggang sa mahinto ako sa book shelves nya. Oh my goodness! Ito na ba yung nangyayari sa nababasa ko, magkakatotoo ba ito sakin? Kung Oo, kyahhg kinikilig ang lola nyo..
Tinitigan nya lang ako sa mata at dahil hindi ko matagalan ang titig nya ay bumaba ako ng tingin at...
d⊙_⊙b
Nanlaki ang mata ko sa aking nakita. Ngayun ko lang napagtanto na tanging towalya lamang pala sa pang ibaba ang nakasaplot sa katawan nya. Agad kong itinaas ang tingin ko ng mapatingin ako sa ibaba nya. Hindi kaya ng beauty kong tumingin dun.
BINABASA MO ANG
That Girl Is Mine (COMPLETED)
RomanceKwento ng babaeng papasok sa isang eskwelahan na merong mga lalaking kilala, tinitilian, kinababaliwan na kung saan ang taong mga yun ay magkakaroon ng kaugnayan sa kanya. Gaganda nga ba ang pag aaral nya at magiging kilala rin? O makikilala lang s...