Chapter 07

390 46 1
                                    

Aya's POV

"Ewan ko kung limot lang nyang sabihin o baka naman.. nahihiya syang ipaalam sakin. Na naging 'ex' ka nya."pag didiin ko dito.

Hindi nakapagsalita si Natalie sa mga linyang binitawan ko sa kanya. "T-teka nga lang,"tawag pansin samin ni Jarren kaya nilingon namin sya ni Natalie. "Sinong Jiro ba yang sinasabi nyo?"tanong nya.

Hindi lang naman sya pinansin ni Natalie na humarap sakin. Wala na akong nagawa kundi salubungin rin ang mataray nyang titig kesa sagutin si Jarren. "Baka hindi nya sinabi sayo, kasi ayaw nyang ipalam sayo na mas maganda ako sa ipinalit nya."bira ni Natalie na napatawa pa. Yung tawa nya talaga ang nakakainis eh. Pati pagtawa ang arte, akala mong sinong hindi makabasag pinggan ang boses! "Kaya ikaw"duro nya sa mukha ko ng hintuturo nyang daliri pero maging ang pagturo nun ay may pagtataray. "Mabuti pang lumayo ka na nalang sa kanya!"pagbabanta nito.

Nagulat naman ako nung lumapit sakin si Jarren. "Hoy! hoy! wag mong dinuduro ang best friend ko ha."saway ni Jarren kay Natalie.

"A-ano ba! wag ka ngang makialam dito! Mr. Santos! away 'to ng mga babae."pagtataray nito.

"Wala akong paki alam, best friend ko sya."sabi nito na dumikit pa sakin nung sabihin nya yun.

"Paki-alamero. Bakla!"bulong nito sa gilid nya pero dinig naming dalawa ni Jarren.

"Hoy! Ano kamo? Ako bakla."tanong ni Jarren na nakaturo pa sa sarili nya. "Baka magkasubukan tayo"nginisian ni Jarren ito pero siniringan lang sya. "Halikan kita dyan eh."

"Tsk! subukan mo."may tono ng panghahamon pero may halong pagbabantang sabi ni Natalie. Taas parin ang kilay at talagang hindi mawala sa aura nya ang pagiging mataray nyang dating.

"Ah ganun ha.gusto mo."lumapit sa kanya si Jarren at saka hinawakan ang panga ni Natalie saka ito nilapatan ng halik.

Pucha. Nagulat ako sa ginawa ni Jarren. Never ko syang nakitang manghalik ng babae simula palang nung andun kami sa school namin dati. Pero ngayun--dahil lang sa niloko sya ni Natalie ng bakla..sumunggab na at nilaplap ang mataray na Natalie hahaha. Grabe--kinabahan na tuloy akong asarin 'tong abnormal na 'to na bakla..baka laplapin ako ng gago!'

"B-bastus!"nakatanggap si Jarren ng sampal kay Natalie pero dahil sa pagiging malambot ni Natalie ay mukhang mahina lang yun. Saka baka sobra pa yung halik nya kay Natalie kesa sa sampal. "Bakit mo'ko hinalikan?"tanong ni Natalie kay Jarren.

"Sabi mo eh."nakangiting ani Jarren na hinahaplos haplos ang pisnging sinampal ni Natalie. "Kaya ngayon,subukan mo pa akong tawaging bakla,"ngumuso si Jarren kay Natalie saka nagbigay ng flying kiss. "Hindi kita titigilan ng mga halik ko Miss.Reyes!"nakangising ani Jarren.

"Ewan ko sayo! Pagbabayaran mo lahat ng ginawa mo!"anya pero hindi ko mahimigan ang pagbabanta sa kanya kaya hindi nasindak dun si Jarren. "Saka ikaw,Hoy!"turo nya sakin. "Hindi pa tayo tapos Aya."anya na tinaasan ako ng kilay.

"Kung ganun, bakit aalis kana?"sarkastikong tanong ko sa kanya.

"Wala kang paki alam!"sabi nito na malapit pa sa pagmumukha ko. "Basta aagawin ko ang dapat sakin!"anya saka lumapit pa ng bahagya sa pagmumukha ko. "Aagawin ko ang boyfriend mo."anya saka sya nagbigay ng mataray na ngisi sakin.

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon