Chapter 61:

230 37 0
                                    

Nash Point of View

Matapos kong ihantid si Aya ay mabilis din akong umalis sa bahay nila. Kinakabahan ako, shit! Tinahak ko ang daan papunta sa eskwelahan at tiningnan kung andun pa ba yung tricycle at yung lalaki.

"Wala na sya."sambit ko habang nakatingin sa posteng kaninang pinagparking-an nung lalaki kanina ng tricycle.

'Bakit sya andito? Sino ang punterya nya,Ako? pero bakit mag isa lang sya kung ako man? Wag mong sabihing si Aya ang pakay nya? Hindi pwedeng mangyare yun. Hindi papayag si Jiro na masaktan si Aya.

Inilabas ko ang cellphone ko at naglakas loob na contact-in si Jiro pero nakakailang ring na iyon pero hindi nya sinasagot. Shit! Kinakabahan naku! Bakit hindi ka sumasagot, Jiro!? Minaneho ko ang kotse ko patungo sa bahay nila Jiro. Bumusina ako bago tuluyang may lumabas at pinagbuksan ako ng gate.

"Manang. Andyan po ba si Jiro?"tanong ko agad sa Yaya nila.

"Oh ikaw pala, Nash. Antagal mong hindi dumalaw dito ah. Andito sya, nasa loob." lokong yun, andito lang pala sa bahay nila. Kinabahan ako at pinag alala nya si Aya. Pumasok na ako sa loob at sinigurong nakalock ang maging ang bintana ng kotse ko bago tuluyang pumasok. "Bakit nga pala napabisita ka? May kailangan ka ba sa kanya? Andun sya sa kwarto nya. Kauuwi lang naman ng Daddy nya."nabigla naman ako sa sinabi Manang. Andito na si Tito?

"Nash?"nilingon ko ang pinagmulan ng boses at nakita ko nga si Tito na kasalukuyang bumaba ng hagdan. "Kamusta? Bakit ngayun ka na lang yata napadalaw dito?"tanong ni Tito nung makalapit sya.

Bahagya naman akong ngumiti at napahawak sa batok ko. "Eh k-kasi Tito. N-naging busy ako eh. Andaming projects na kelangan kong isubmit."paliwanag ko pero ang totoo ay hindi naman. Kung ganun hindi pa pala alam nila Tito na talagang nag away kami ni Jiro. Siguro nalimutan na nya yung plano namin nun ni Mia.

Nagtungo tungo si Tito at saka ako tinitigan. "Galit pa ba sya sayo?"tanong nya na kinanlaki ng mata ko. So tanda nya pa nga. "Bakit hindi mo subukang ipaliwanag sa kanya? I think this is the right time."anya na nagbigay ng maliit na ngiti sa labi. "Nandun sya sa kwarto nya, kumatok ka nalang. Kung ayaw buksan, here."anya na ipinakita sakin ng mga susi. "Buksan mo at pumasok ka. Kausapin mo sya."iniabot na nya sakin ang susi saka nagtungo sa banyo.

Hindi ko alam pero parang bumigat ang pag hakbang ko. Ang binti ko ay parang namanhid dahil nahihirapan akong humakbang papaakyat papunta sa kwarto ni Jiro.

Pagdating ko sa harap ng pinto niya ay nagpakawala mona ako ng isang buntong hininga bago kumatok. Nakadalawa akong katok pero walang sumasagot sa loob kaya naman napilitan akong gamitin ang susi na bigay ni Tito.

Pagkapasok ko ay nakita kong nakahiga si Jiro sa kama at nakatalakbong ng kumot. Isinara ko ang pinto at akma ng maglalakad para lumapit sa kanya pero bigla nyang tinanggal ang kumot sa kanyang mukha kaya natigilan ako.

"Anong ginagawa mo dito!?"madiin ang pagtatanong nya at mukhang wala ako sa timing ngayun kasi mukhang galing sya. "Sinong nagpapasok sayo!? At sinong nagsabi sayong pwede mong buksan ang kwarto ko!?"sunod sunod na tanong nya.

Bahagya akong lumapit sa kanya. "Pinapasok ako ni Manang. At ibinigay sakin ni Tito ang susi ng kwarto mo."sagot ko sa tanong nya. "Andito ako para magpa--"

"Ano pa bang ipapaliwanag mo!? Nakuha mona sya diba? Ikaw na naman 'tong panalo. Ikaw na naman yung pinili kesa sakin. Hindi ka pa ba dun masaya? Ano pang ipapaliwanag mo?"

"T-teka. Umiyak ka ba?"tanong ko nung mapansin kong may bahid ng luha yung pisngi nya at bahagya pang namumula ang mata nya. Umiling lang naman sya. "Umi--"

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon