Aya's Point of View
Nagsimula ang bagong araw ko sa eskwelahan. Umagang umaga ay Math agad ang subject namin kaya naman hindi ako makapagfocus dahil sa lutang ako.Hindi kasi mawala sa isip ko ang nangyayari sa buhay ko ngayun. Sinong pipiliin ko? Yung prinsepe ko o yung halimaw na yun.
Flashback...
"Anong daga huh?" nagulat ako sa pagmumukha nitong halimaw na ito na nasa harapan ko na. Narinig nya kaya kami? Panigurado! Nakita nya kaya si Nash. Mukhang hindi naman kasi nakasara ang pinto. "Sino yung kasama mo?"seryosong tanong nya.
"K-kaibigan ko."sagot ko saka nagpasok na sa loob ng kwarto. "Hindi ka pa ba uuwi?"pag iiba ko ng usapan habang inaalis ko ang bag na nakasabit sa balikat ko na ngayun ko lang naman talaga ginamit.
"Siguruhin mo lang na kaibigan mo yun."natigilan ako sa sinabi nya. "Girlfriend kita, yan ang alam ng iba. Manliligaw para sa kaibigan mo at sayo. Kaya--"nilingon ko sya nung putulin nya ang sinasabi nya. "Mag ingat ka sa pasama sama sa iba, lalo na kung lalaki, at kayo lamang dalawa."anya saka naglabas ng kwarto. "Geh uwi naku."seryosong sabi nito. Natahimik ako sa pinagsasasabi nya.
"Mag ingat ka sa pasama sama sa iba, lalo na kung lalaki, at kayo lamang dalawa."
"Mag ingat ka sa pasama sama sa iba, lalo na kung lalaki, at kayo lamang dalawa."
"Mag ingat ka sa pasama sama sa iba, lalo na kung lalaki, at kayo lamang dalawa."
d>>_<<b
Nagsalubong ang mga kilay ko nung nagpaulit ulit ang mga huling salitang sinabi ni Jiro sa tenga ko bago sya umuwi kagabi. Ipinilig pilig ko ang aking ulo saka sumubok na magfocus sa pakikinig sa discussion.
Discuss
Discuss
***
LunchNasa counter kami ni Jarren at bumibili ng lunch namin. Matapos umalis ng room ng halimaw na si Jiro ay hindi na ito bumalik balik pa. Umorder kaming dalawa ni Jarren ng kanin at ulam.
"Ate saka nga po mineral water."sabi pa ni Jarren na bumaling sakin ng tingin. "Ikaw Aya? Hindi ka ba bibili ng tubig?"
"Wala na akong pera. Dun nalang ako sa Water Jag iinum."sabi ko na inginuso pa kung nasaan yung Jag na may lamang tubig.
Nagpunta na kami kung saan ang karaniwang inuupuan namin. Dun sa malapit sa entrance. Nagsimula na akong sumubo at muntik pa akong masigmukan dahil sa gulat ng may biglang bumulong sa aking tenga.
"Ano ba yang kinakain mo?"tanong sakin ni Jiro na bigla nalang nasa aking gilid. Umupo ito sa tabi ko. "Pashare naman oh."
dO_ob
Akala ko ba ay wala na sya dito? Para syang kabuteng may sungay na sulpot ng sulpot kung saan!
"Bakit hindi ka dun umorder ng sayo?"mataray kong sabi.
"Ayaw ko eh. Gusto ko kasalo kitang kumain."nanlaki yung mga mata ko sa sinabi nyang yun. Tumingin ako sa kanya at sinamaan sya ng tingin.
"Umayos ka nga!"pabulong na asik ko dito. "Makaramdam ka naman ng hiya!"
BINABASA MO ANG
That Girl Is Mine (COMPLETED)
RomanceKwento ng babaeng papasok sa isang eskwelahan na merong mga lalaking kilala, tinitilian, kinababaliwan na kung saan ang taong mga yun ay magkakaroon ng kaugnayan sa kanya. Gaganda nga ba ang pag aaral nya at magiging kilala rin? O makikilala lang s...